01/03/2025
1st RODSA THEOLOGIANS ONLINE KAMUSTAHAN
March 1, 2025
Malayo man sa isa't-isa subalit pinaglapit ng social media. Ngayong gabi, nagkaroon ng isang makabaluhang kamustahan ang mga seminarista sa Configuration Stage (Theology) sa pangunguna ng kanilang Vocation Director na si Rev. Fr. Errol Fonte. Ang mga seminarista ng Romblon ay nasa iba't ibang formation houses na nasa Capiz, Ilo-Ilo, Tagaytay, Manila, at Romblon. Sa kasalukuyan, mayroong labindalawang (12) seminarista ang nasa Configuration Stage.
Sa patuloy na pakikilakbay at pagtugon sa tawag ng Diyos, kami po ay humihingi sa inyo ng patuloy na panalangin at suporta.
Per Aspera ad Astra