16/05/2026
๐ ISANG MAPALAD AT MATAGUMPAY NA PAGTATAPOS! ๐
Matagumpay na nagtapos ang ating mga kabataan sa Vacation Church School (VCS) 2026 Ng Kapilya ni Kristong Hari, sa Sitio Tagaytay! Sa taong ito, buong puso nating pinagnilayan ang napakahalagang tema: "Ako ay Kawangis ng Diyos" na hango sa 1 Corinto 12:12-24.
Ipinaalala sa atin ng temang ito na bagamat tayo ay magkakaiba ng talento, hitsura, at kakayahan, bawat isa sa atin ay mahalagang bahagi ng iisang Katawan ni Kristo. Walang labis, walang kulangโbawat bata ay sadyang nilikha ng may layunin!
Isang taos-pusong pasasalamat sa ating naging Guest Speaker, kay Sis Sharicah Fetilo. Salamat sa pagbabahagi ng Salita ng Diyos at sa paggabay sa ating mga graduates upang mas maunawaan nila ang kanilang halaga at gampanin bilang kawangis ng Panginoon. Ang iyong mensahe ay tunay na nag-iwan ng inspirasyon sa puso ng bawat isa.
Salamat din sa lahat ng mga magulang, mga g**o, mga at boung kongregasyon sponsors. Higit sa lahat, papuri sa Diyos sa buhay ng ating mga VCS Graduates! ๐