Dominican Saints and Devotees of the Holy Rosary - Parokya ng Sta. Cruz

Dominican Saints and Devotees of the Holy Rosary - Parokya ng Sta. Cruz This page is organized by the caretakers of the Dominican images, in honor of Our Lady of the Holy Rosary.

“Ipahayag ang katotohanan at huwag manahimik dahil sa takot.”-Santa Catalina de SienaInaanyayahan ang lahat na makibahag...
27/04/2026

“Ipahayag ang katotohanan at huwag manahimik dahil sa takot.”
-Santa Catalina de Siena

Inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa paggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng simbahan sa darating na, Abril 29, 2026 (Miyerkules)
-5:00 N.U. – Pagdarasal ng Santo Rosaryo
-6:00 N.U. – Banal na Misa
-Pagkatapos ng Banal na Misa ay magkakaroon ng benerasyon sa relikiya (mula sa mga buto) ni Santa Catalina.

Nawa’y magsilbing huwaran sa atin si Santa Catalina sa kanyang malalim na pananampalataya, karunungan, at tapat na paglilingkod sa Diyos at sa Simbahan.

Maligayang Kapistahan ni Sta. Margarita ng Castello, ang perlas ng Panginonn at huwaran ng pagtitiis at liwanag ng pag-a...
13/04/2026

Maligayang Kapistahan ni Sta. Margarita ng Castello, ang perlas ng Panginonn at huwaran ng pagtitiis at liwanag ng pag-asa!

Sa kabila ng kanyang kapansanan at pagtalikod ng mundo, ipinakita niya ang isang pusong buo ang pagtitiwala sa Diyos. Nawa’y matutunan naming yakapin ang aming mga kahinaan at gawing daan ito upang lalong mapalapit sa Kanya. Tulad niya, nawa’y maging bukas ang aming puso sa paglilingkod, lalo na sa mga dukha at nangangailangan.

Sta. Margarita ng Castello, patrona ng mga may kapansanan at mga inaapi, ipanalangin mo kami at ang buong daigdig.




Maligayang Kapistahan, San Tomas de Aquino, Doktor ng Simbahan at Ilaw ng Karunungan!Nawa’y tularan namin ang iyong mala...
28/01/2026

Maligayang Kapistahan, San Tomas de Aquino, Doktor ng Simbahan at Ilaw ng Karunungan!

Nawa’y tularan namin ang iyong malalim na pag-ibig sa katotohanan, ang iyong talino na inialay sa paglilingkod sa Diyos, at ang iyong mapagkumbabang pananampalataya kay Kristo. Sa iyong halimbawa ng pagkakaisa ng pananampalataya at katuwiran, nawa’y gabayan mo kami sa tamang landas ng karunungan at kabanalan.

San Tomas de Aquino, huwaran ng mga g**o, mag-aaral, at naghahanap ng katotohanan, ipanalangin mo kami at ang buong daigdig.





𝐏𝐀𝐍𝐔𝐍𝐔𝐋𝐔𝐘𝐀𝐍 2025𝑺𝒂 𝒈𝒊𝒕𝒏𝒂 𝒏𝒈 𝒈𝒂𝒃𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒅𝒊𝒍𝒊𝒎 𝒎𝒂𝒚 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒏𝒊𝒏𝒈𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒏𝒂 𝒕𝒂𝒍𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒖𝒎𝒊𝒕𝒂𝒘 𝒔𝒂 𝒍𝒂𝒏𝒈𝒊𝒕, 𝒂𝒕 𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒕𝒐 𝒂𝒚 𝒏𝒂𝒈𝒊...
22/12/2025

𝐏𝐀𝐍𝐔𝐍𝐔𝐋𝐔𝐘𝐀𝐍 2025

𝑺𝒂 𝒈𝒊𝒕𝒏𝒂 𝒏𝒈 𝒈𝒂𝒃𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒅𝒊𝒍𝒊𝒎 𝒎𝒂𝒚 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒏𝒊𝒏𝒈𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒏𝒂 𝒕𝒂𝒍𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒖𝒎𝒊𝒕𝒂𝒘 𝒔𝒂 𝒍𝒂𝒏𝒈𝒊𝒕, 𝒂𝒕 𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒕𝒐 𝒂𝒚 𝒏𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒈𝒂𝒃𝒂𝒚 𝒖𝒑𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒔𝒖𝒎𝒑𝒖𝒏𝒈𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈-𝒂𝒔𝒂 𝒂𝒕 𝒌𝒂𝒍𝒊𝒈𝒕𝒂𝒔𝒂𝒏.

Inihahandog ng Parokya ng Sta. Cruz Youth Ministry (PSCYM) ang kanilang taunang pagsasadula ng Panunuluyan ng may temang “𝑷𝑨𝑵𝑼𝑵𝑼𝑳𝑼𝒀𝑨𝑵: 𝑰𝒔𝒂𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒈𝒍𝒂𝒍𝒂𝒌𝒃𝒂𝒚 𝒏𝒈 𝑷𝒖𝒔𝒐, 𝑷𝒂𝒏𝒂𝒏𝒂𝒎𝒑𝒂𝒍𝒂𝒕𝒂𝒚𝒂 𝒂𝒕 𝑷𝒂𝒈-𝒂𝒔𝒂” sa ika-24 ng Disyembre sa ganap na ika-8 ng gabi sa Parokya ng Sta. Cruz.




Maligayang Kapistahan, San Vicente Liem de la Paz, ang Martir ng Pananampalataya at Katatagan!Nawa’y tularan namin ang i...
24/11/2025

Maligayang Kapistahan, San Vicente Liem de la Paz, ang Martir ng Pananampalataya at Katatagan!

Nawa’y tularan namin ang iyong tapang sa gitna ng pag-uusig at ang iyong matibay na pananampalataya kay Kristo. Sa iyong halimbawa ng pagmamahal sa Diyos at katapatan sa Ebanghelyo, nawa’y maging matatag din kami sa aming sariling mga pagsubok.

San Vicente Liem de la Paz, ipanalangin mo kami at ang buong daigdig.




Maligayang Kapistahan, San Martin de Porres, ang Santo ng Kababaang-loob at Paglilingkod!Nawa’y maging huwaran ka namin ...
03/11/2025

Maligayang Kapistahan, San Martin de Porres, ang Santo ng Kababaang-loob at Paglilingkod!

Nawa’y maging huwaran ka namin sa malasakit sa kapwa, lalo na sa mga mahihirap, at sa pusong mapagkumbabang nagmamahal nang walang hangganan.

San Martin de Porres, ipanalangin mo kami at ang buong daigdig.




LIVING ROSARY 2025Sa darating na Ika-31 ng Oktubre, sama-sama tayong magnilay at manalangin sa misteryo ng Santo Rosaryo...
29/10/2025

LIVING ROSARY 2025

Sa darating na Ika-31 ng Oktubre, sama-sama tayong magnilay at manalangin sa misteryo ng Santo Rosaryo sa pamamagitan ng buhay na pagsasalaysay sa bawat misteryong naging saksi sa pagsilang, paghihirap, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus.

Ave Maria Purisima, Sin Pecado Concibida!

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗗𝗜𝗚𝗔𝗡𝐈𝐊𝐀𝐓𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐃𝐎𝐌𝐈𝐍𝐈𝐂𝐀𝐍 𝐏𝐑𝐎𝐂𝐄𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍, 𝐆𝐈𝐍𝐀𝐍𝐀𝐏 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐂𝐎, 𝐎𝐁𝐀𝐍𝐃𝐎Obando, Bulacan — Muling nagtipon ang mga deboto ...
28/10/2025

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗗𝗜𝗚𝗔𝗡
𝐈𝐊𝐀𝐓𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐃𝐎𝐌𝐈𝐍𝐈𝐂𝐀𝐍 𝐏𝐑𝐎𝐂𝐄𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍, 𝐆𝐈𝐍𝐀𝐍𝐀𝐏 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐂𝐎, 𝐎𝐁𝐀𝐍𝐃𝐎

Obando, Bulacan — Muling nagtipon ang mga deboto at mananampalataya sa Parokya ng Sta. Cruz sa Paco noong Oktubre 19, 2025 para sa ikatlong Dominican Procession na pinangunahan ng Dominican Saints and Devotees of the Holy Rosary kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Santo Rosaryo.

Ngayong taon, ang tema ng pagdiriwang ay “Si Maria: Kalakbay sa Panalangin at Pag-asa,” na nagsilbing paalala sa mahalagang papel ni Maria bilang gabay sa bawat Kristiyano sa gitna ng hamon ng buhay.

Sinimulan ang pagdiriwang sa isang Banal na Misa na pinangunahan ni Padre Angelito Caliwag, kura paroko. Sa kanyang homilya, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng patuloy na pagtitiwala sa Mahal na Birhen bilang ilaw ng pananampalataya at pag-asa ng sambayanan.

Pagkatapos ng Misa ginanap ang nasabing prusisyon, tampok ang sampung karosa ng mga santo ng Orden ng mga Mangangaral at ng Mahal na Birhen ng Santo Rosario. Lumahok din sa prusisyon ang iba’t ibang samahang pamparokya, debotong pamilya, at mga mananampalatayang naghandog ng awit, dasal, at paglalakad bilang tanda ng kanilang debosyon at pasasalamat sa Mahal na Birhen.

Larawan at Balita mula sa Dominican Saints and Devotees of the Holy Rosary


=================
Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!
Website: https://dioceseofmalolos.ph/
Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos
Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos
Youtube: https://www.youtube.com/c/angsandiganmalolos
TikTok: https://www.tiktok.com/

Pagbabahagi ng Rosaryo: Gabay sa Pananalangin ng mga BataIpinamahagi ang mga nalikom na rosaryo mula sa iba't ibang orga...
27/10/2025

Pagbabahagi ng Rosaryo: Gabay sa Pananalangin ng mga Bata

Ipinamahagi ang mga nalikom na rosaryo mula sa iba't ibang organisasyon sa mga mag-aaral na nasasakupan ng ating Parokya.

Nawa’y ang mga rosaryong ito ay maging tanda ng kanilang paglapit sa Mahal na Birhen at magsilbing gabay sa araw-araw na pananalangin.

Hinihiling natin na sa murang edad pa lamang ay maitanim na sa kanilang puso ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo.

Viva, Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo! 🙏🌹

Maligayang Kapistahan, San Juan Pablo II, ang Santo ng Makabagong Panahon!Nawa’y maging inspirasyon ka ng pag-ibig, kaba...
22/10/2025

Maligayang Kapistahan, San Juan Pablo II, ang Santo ng Makabagong Panahon!

Nawa’y maging inspirasyon ka ng pag-ibig, kababaang-loob, at matatag na pananampalataya sa gitna ng mga hamon ng ating panahon.

San Juan Pablo II, ipanalangin mo kami at ang buong daigdig.




Address

Parokya Ng Sta. Cruz
Obando
3021

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dominican Saints and Devotees of the Holy Rosary - Parokya ng Sta. Cruz posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share