Nuestra Señora de Salambao Mission Parish - Binuangan

Nuestra Señora de Salambao Mission Parish - Binuangan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Nuestra Señora de Salambao Mission Parish - Binuangan, Religious organisation, Obando.

Isang mapagpalang anibersaryo po, Bishop Dennis! Nawa’y manatili kayong inspirasyon sa marami sa pamamagitan ng inyong t...
10/08/2026

Isang mapagpalang anibersaryo po, Bishop Dennis! Nawa’y manatili kayong inspirasyon sa marami sa pamamagitan ng inyong tapat at mapagkumbabang paglilingkod.

| 𝐂𝐎𝐍𝐒𝐎𝐋𝐀𝐌𝐈𝐍𝐈 𝐏𝐎𝐏𝐔𝐋𝐄 𝐌𝐄𝐔𝐒 |

Pinagpalang Ika-11 guning taong Anibersaryo ng Ordinasyon bilang Obispo:

𝘓𝘶𝘣𝘩𝘢𝘯𝘨 𝘒𝘢𝘨𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨-𝘨𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨
𝐃𝐄𝐍𝐍𝐈𝐒 𝐂𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐃𝐀 𝐕𝐈𝐋𝐋𝐀𝐑𝐎𝐉𝐎, 𝐃.𝐃.
𝘖𝘣𝘪𝘴𝘱𝘰 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴𝘦𝘴𝘪𝘴 𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘭𝘰𝘭𝘰𝘴

10 𝘈𝘨𝘰𝘴𝘵𝘰
𝘒𝘢𝘱𝘪𝘴𝘵𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘪 𝘚𝘢𝘯 𝘓𝘰𝘳𝘦𝘯𝘻𝘰, 𝘋𝘪𝘺𝘢𝘬𝘰𝘯𝘰 𝘢𝘵 𝘔𝘢𝘳𝘵𝘪𝘳

Ang amin pong taos-pusong panalangin para sa iyong kalusugan, kabanalan, at mabungang paglilingkod sa bayan ng Diyos!

Maligayang Bati po, Bishop Dennis!


=================
Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!
Website: https://dioceseofmalolos.ph/
Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos
Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos
Youtube: https://www.youtube.com/c/angsandiganmalolos
TikTok: https://www.tiktok.com/

04/08/2026

𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐈!

Ngayong Araw ng mga Pari, taus-puso nating binabati ang lahat ng mga pari na buong pusong naglilingkod kay Kristo at sa Kanyang Simbahan. Sa pagdiriwang na ito, ating ginugunita si San Juan Maria Vianney, Patron ng mga Pari, na naging huwaran ng kabanalan, kababaang-loob, at tapat na paglilingkod.

Lalo nating isama sa ating mga panalangin ang ating mga pari habang ginaganap nila ang kanilang Annual Clergy Retreat ngayong buwan ng Agosto. Nawa’y maging panahon ito ng mas malalim na pakikipagtagpo sa Panginoon, pagpapanibago ng kanilang bokasyon, at pagpapatibay sa kanilang misyon bilang mga pastol ng Sambayanan ng Diyos.

Patuloy nating ipanalangin ang ating mga pari upang patuloy silang pagkalooban ng Panginoon ng lakas, karunungan, kabanalan, at katapatan sa kanilang banal na paglilingkod.

Paring Bulakenyo, Pari ni Kristo!

=================
Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!

Website: https://dioceseofmalolos.ph/
Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos
Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos
YouTube: https://www.youtube.com/c/angsandiganmalolos
TikTok: https://www.tiktok.com/

𝗠𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗜, 𝗣𝗔𝗗𝗥𝗘 𝗚𝗔𝗥𝗥𝗬!Buong pusong nagpupugay at nagpapasalamat ang buong parokya sa ating minamahal ...
02/08/2026

𝗠𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗜, 𝗣𝗔𝗗𝗥𝗘 𝗚𝗔𝗥𝗥𝗬!

Buong pusong nagpupugay at nagpapasalamat ang buong parokya sa ating minamahal na Kura Paroko, Padre Garry M. Clemente RN, sa kanyang tapat, mapagkumbaba, at masigasig na paglilingkod sa Diyos at sa Kanyang Simbahan.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang paggabay, pamumuno, at pagmamahal sa ating pamayanan. Sa pamamagitan ng inyong buhay at ministeryo, patuloy ninyo kaming inaakay tungo sa mas malalim na pananampalataya at mas malapit na pakikipag-ugnayan sa Panginoon.

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng Diyos ng mabuting kalusugan, karunungan, lakas, at masaganang biyaya upang maipagpatuloy ang inyong banal na misyon bilang tapat na lingkod ng Simbahan.

Tinitiyak po namin ang aming patuloy na panalangin para sa inyo at sa inyong misyon.

Ad multos annos!

𝗠𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗔𝗥𝗔𝗪𝗔𝗡, 𝗕𝗥𝗢. 𝗥𝗢𝗠𝗘𝗢 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗟𝗔𝗬𝗦𝗔𝗬!Sa ngalan ng PPC Family, taos-puso naming binabati ang aming PPC Vice Chair s...
01/08/2026

𝗠𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗔𝗥𝗔𝗪𝗔𝗡, 𝗕𝗥𝗢. 𝗥𝗢𝗠𝗘𝗢 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗟𝗔𝗬𝗦𝗔𝗬!

Sa ngalan ng PPC Family, taos-puso naming binabati ang aming PPC Vice Chair sa inyong kaarawan.

Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Diyos ng mabuting kalusugan, karunungan, at lakas sa inyong tapat na paglilingkod sa Simbahan. Nawa'y patuloy din kayong gabayan at ingatan ng Mahal na Birhen ng Salambao, ang ating mahal na Patrona.

Maligayang kaarawan! Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon.

31/07/2026

𝗦𝗔𝗡𝗗𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗟𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗔𝗡

Mga gawain sa Diyosesis ng Malolos ngayong Buwan ng 𝐀𝐆𝐎𝐒𝐓𝐎 𝟐𝟎𝟐𝟔

AUGUST 1
COMMISSION ON LITURGY
General Assembly of Ministry of Greeters and Collectors
National Shrine and Parish of the Divine Mercy
Marilao, Bulacan
7:00 AM to 2:00 PM

AUGUST 3–6
COMMISSION ON CLERGY
Clergy Retreat

AUGUST 11
DIOCESAN CHANCELLOR
Parish Secretaries Seminar on catholicrecords.ph Version 2.0

AUGUST 17–20
COMMISSION ON CLERGY
Clergy Retreat

AUGUST 17–26
COMMISSION ON EVANGELIZATION (BIBLE APOSTOLATE)
Celebration of the Feast of Our Lady of the Bible

AUGUST 21
COMMISSION ON EVANGELIZATION (PREX)
Parish Renewal Experience Program (PREX) Retreat

AUGUST 21–23
COMMISSION ON SOCIAL COMMUNICATIONS
FOCUS PRO MAX: Annual Retreat, Evaluation, and Planning
MAPSA Holistic Development Center, Silang, Cavite

AUGUST 26
COMMISSION ON BASIC ECCLESIAL COMMUNITIES
Training for Lay BEC Counselling and Wellness Advocates
9:00 AM

AUGUST 29
COMMISSION ON SOCIAL ACTION
PPCRV Seminar


=================
Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!
Website: https://dioceseofmalolos.ph
Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos
Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos
Youtube: https://www.youtube.com/c/angsandiganmalolos

𝐏𝐀𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐓𝐀 𝐊𝐈𝐍𝐀 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐌𝐀𝐑𝐓𝐀, 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀, 𝐀𝐓 𝐒𝐀𝐍 𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑𝐎 | 𝐇𝐔𝐋𝐘𝐎 𝟐𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟔Sa paggunita natin kina Santa Marta, Santa Maria,...
30/07/2026

𝐏𝐀𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐓𝐀 𝐊𝐈𝐍𝐀 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐌𝐀𝐑𝐓𝐀, 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀, 𝐀𝐓 𝐒𝐀𝐍 𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑𝐎 | 𝐇𝐔𝐋𝐘𝐎 𝟐𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Sa paggunita natin kina Santa Marta, Santa Maria, at San Lazaro, nawa’y maging huwaran sila ng ating pananampalataya, pagtitiwala, at tapat na paglilingkod sa Panginoon. Sa pamamagitan ng kanilang halimbawa ng pagtanggap kay Kristo sa kanilang tahanan at buhay, nawa’y patuloy din nating buksan ang ating mga puso sa Kanyang presensya at pag-ibig.

Santa Marta, Santa Maria, at San Lazaro, ipanalangin ninyo kami.




𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐀 𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐊𝐋𝐎𝐋𝐎 | 𝐇𝐔𝐍𝐘𝐎 𝟐𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔Sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birheng Maria, I...
27/06/2026

𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐀 𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐊𝐋𝐎𝐋𝐎 | 𝐇𝐔𝐍𝐘𝐎 𝟐𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birheng Maria, Ina ng Laging Saklolo, sama-sama nating ipagkatiwala sa kanyang mapag-arugang pagkalinga ang ating mga pamilya, mga pangarap, at mga pagsubok.

Nawa'y patuloy niya tayong akayin patungo sa kanyang Anak, si Hesukristo, at maging inspirasyon ng ating pananampalataya at pag-asa.

𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐈𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐤𝐥𝐨𝐥𝐨, 𝐢𝐩𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐤𝐚𝐦𝐢. 🙏

𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 𝐉𝐔𝐀𝐍 𝐁𝐀𝐔𝐓𝐈𝐒𝐓𝐀 | 𝐇𝐔𝐍𝐘𝐎 𝟐𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟔Sa paggunita sa pagsilang ni San Juan Bautista, pi...
24/06/2026

𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 𝐉𝐔𝐀𝐍 𝐁𝐀𝐔𝐓𝐈𝐒𝐓𝐀 | 𝐇𝐔𝐍𝐘𝐎 𝟐𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Sa paggunita sa pagsilang ni San Juan Bautista, pinapaalalahanan tayong ihanda ang ating mga puso para sa Panginoon at maging tapat sa misyong ipinagkakatiwala sa atin ng Diyos.

Nawa’y maging huwaran sa atin ang kanyang kababaang-loob at matapang na pagsaksi sa katotohanan, upang sa ating mga salita at gawa ay maihatid natin ang iba kay Kristo.

𝕰𝖈𝖈𝖊 𝕬𝖌𝖓𝖚𝖘 𝕯𝖊𝖎
Masdan ang Kordero ng Diyos.




𝐏𝐀𝐆𝐏𝐔𝐏𝐔𝐆𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐇𝐀𝐋𝐈𝐆𝐈 𝐀𝐓 𝐈𝐋𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍𝐀𝐍 | 𝐉𝐔𝐍𝐄 𝟐𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔Sa diwa ng pasasalamat at pagkilala, ating pinararangalan ang...
21/06/2026

𝐏𝐀𝐆𝐏𝐔𝐏𝐔𝐆𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐇𝐀𝐋𝐈𝐆𝐈 𝐀𝐓 𝐈𝐋𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍𝐀𝐍 | 𝐉𝐔𝐍𝐄 𝟐𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Sa diwa ng pasasalamat at pagkilala, ating pinararangalan ang mga ama at ina na nagsisilbing matatag na haligi at tanglaw ng bawat tahanan. Sa kanilang walang sawang pagmamahal, sakripisyo, at paggabay, naitataguyod nila ang pananampalataya, pagkakaisa, at kabutihan sa kanilang mga pamilya.

Nawa’y patuloy silang pagpalain ng Poong Maykapal ng lakas, karunungan, at mabuting kalusugan upang maipagpatuloy ang kanilang mahalagang misyon bilang gabay at inspirasyon ng tahanan at pamayanan.




Address

Obando
3021

Opening Hours

Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestra Señora de Salambao Mission Parish - Binuangan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Nuestra Señora de Salambao Mission Parish - Binuangan:

Shortcuts

Share