Parish Commission on Youth - Obando, Bulacan

Parish Commission on Youth - Obando, Bulacan This is the official page of the Parish Commission of Youth (PCY) of the San Pascual Baylon Parish OFFICERS:

Parish Youth Coordinator: Sis. Fr. Proceso Espiritu

The Parish Commission of Youth is a group of people who are 13-39 years of age, working together to serve the church and its people. Anne Clarisse Santos

Parish Youth Assistant Coordinator: Bro. Villy Joe Flores

Parish Youth Secretary: Sis. Zaira Ysabel Anastacio

Parish Youth Treasurer: Bro. John Edward Raymundo


Social Formation:
Sis. Mary Antonette Espiritu

Spiritual Formation:
Sis. Vanessa

Grace Batadhay
Bro. John Riel Dela Cruz

Pastoral Formation:
Sis. Catalina Pamela Grace Basco

Intellectual Formation:
Bro. Jeffrey MiraΓ±a

Parish Youth Chairman/Spiritual Director:
Rev. Ramon B**g Sabangan

Parish Priest:
Rev.

β€ŽIsang mapagpala at mabiyayang kaarawan ang aming handog na pagbati sa ating minamahal na Committee Head on Liturgy and ...
26/08/2026

β€ŽIsang mapagpala at mabiyayang kaarawan ang aming handog na pagbati sa ating minamahal na Committee Head on Liturgy and Worship, Elijah Louise LlantadaπŸŽ‰
β€Ž
β€ŽLubos kaming nagpapasalamat sa iyong kababaang-loob, kabutihan, at tapat na puso sa paglilingkod. Buong puso mong iniaalay ang iyong sarili para sa Diyos at hindi ka nagsasawang maglingkod sa Kanya sa kabila ng mga pagod at hamon na iyong nararanasan. Ang iyong dedikasyon at pagmamahal sa gawain ng Panginoon ay tunay na inspirasyon sa iba.
β€Ž
β€ŽNawa’y patuloy kang gabayan, palakasin, at pagpalain ng Diyos sa bawat araw ng iyong buhay.
β€Ž
β€ŽHappy birthday, Eli!
β€ŽPinapahalagahan at minamahal ka ng PCY Obando!πŸ₯³
β€Ž
β€Ž
β€Ž

β€œKayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay.”— Mateo 16:16Noong Ika-23 ng Agosto ay Ika-21 na Linggo sa Karaniwang P...
26/08/2026

β€œKayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay.”
β€” Mateo 16:16

Noong Ika-23 ng Agosto ay Ika-21 na Linggo sa Karaniwang Panahon at ikaapat na Misa pang kabataan sa buwan ng Agosto.

Sa pamamagitan ng sinabi ni Pedro, naipahayag ang tunay na pagkakakilanlan ni Hesus bilang Kristo at Anak ng Diyos. Ipinakita rin dito ang pag-usbong ng Simbahang itatatag ni Hesus at ang mahalagang papel ni Pedro bilang pundasyon nito. Ipinapaalala nito na hindi lamang Siya dapat kilalanin bilang isang mabuting g**o, kundi bilang Tagapagligtas at Panginoon ng bawat tao.

Ang pagkilala kay Hesus ay dapat makita sa paraan ng pamumuhay at pagsunod sa Kanya. Nawa’y patuloy na lumalim ang pananampalataya at pang-unawa ng bawat isa upang manatiling tapat at matatag sa paglalakbay kasama si Kristo

𝕿𝖔 𝕲𝖔𝖉 π–‡π–Š π–™π–π–Š π–π–Žπ–Œπ–π–Šπ–˜π–™ π–Œπ–‘π–”π–—π–ž! 🀍
β€Ž
β€Žπ™Ώπ™²πšˆ 𝙾𝙱𝙰𝙽𝙳𝙾 πšπ™΄π™²πšπš„π™Έπšƒπ™Όπ™΄π™½πšƒ πš…π™Έπ™³π™΄π™Ύ 2025
β€ŽπŸŽ¬: https://www.facebook.com/share/v/1Z4NnsPtMV/
β€Žβœ‰οΈ: https://www.facebook.com/share/p/1CDTZUdLER/
β€Ž
β€Ž
β€Ž
β€Ž

β€Ž"At sinabi sa kanya ni Jesus, β€œGinang, napakalaki ng iyong pananampalataya! Mangyayari ang hinihiling mo.” At noon di'y...
17/08/2026

β€Ž"At sinabi sa kanya ni Jesus, β€œGinang, napakalaki ng iyong pananampalataya! Mangyayari ang hinihiling mo.” At noon di'y gumaling ang kanyang anak."
β€Ž- Mateo 15: 28
β€Ž
β€ŽKahapon ay Ika - 20 na Linggo sa Karaniwang Panahon at ikalawang misang pang kabataan sa buwan ng Agosto.
β€Ž
β€ŽIpinapaalala sa atin ng Ebanghelyo na hindi sapat ang ating sariling kakayahan, kaya kailangan nating lumapit at manalig sa Diyos. Tulad ng babaeng Cananea, maging matatag tayo sa pananalangin at huwag mawalan ng tiwala kay Jesus. Nawa’y hindi lamang para sa ating sarili ang ating mga panalangin, kundi pati na rin para sa mga taong nangangailangan at naghihirap.
β€Ž
β€Žπ•Ώπ–” 𝕲𝖔𝖉 π–‡π–Š π–™π–π–Š π–π–Žπ–Œπ–π–Šπ–˜π–™ π–Œπ–‘π–”π–—π–ž! 🀍
β€Ž
β€Žπ™Ώπ™²πšˆ 𝙾𝙱𝙰𝙽𝙳𝙾 πšπ™΄π™²πšπš„π™Έπšƒπ™Όπ™΄π™½πšƒ πš…π™Έπ™³π™΄π™Ύ 2025
β€ŽπŸŽ¬: https://www.facebook.com/share/v/1Z4NnsPtMV/
β€Žβœ‰οΈ: https://www.facebook.com/share/p/1CDTZUdLER/
β€Ž
β€Ž
β€Ž
β€Ž
β€Ž

β€ŽNgunit nang mapansin niya ang hangin, siya’y natakot at nagsimulang lumubog. β€œSagipin ninyo ako, Panginoon!” sigaw niya...
10/08/2026

β€ŽNgunit nang mapansin niya ang hangin, siya’y natakot at nagsimulang lumubog. β€œSagipin ninyo ako, Panginoon!” sigaw niya. Agad siyang inabot ni Hesus. β€œNapakaliit ng iyong pananalig!” sabi niya kay Pedro. β€œBakit ka nag-alinlangan?” Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin. At sinamba siya ng mga nasa bangka. β€œTunay na kayo ang Anak ng Diyos!” sabi nila.
β€Ž- Mateo 14: 30-33
β€Ž
β€ŽKahapon ay Ika - 19 na Linggo sa Karaniwang Panahon at ikalawang misang pang kabataan sa buwan ng Agosto.
β€Ž
β€ŽTulad ni Pedro, tayo rin ay minsan natatakot sa mga pagsubok at pag-aalinlangan sa buhay. Ngunit ipinapaalala sa atin ng Ebanghelyo na kapag nagtitiwala tayo sa Panginoon, hinding-hindi Niya tayo pababayaan. Sa halip, inaabot Niya ang Kanyang kamay upang tayo ay ibangon at tulungan. Nawa’y lagi nating piliing magtiwala sa Diyos sa bawat hamon na ating kinakaharap, sapagkat sa Kanya natin matatagpuan ang tunay na lakas at pag-asa. Sapagkat walang imposible sa Panginoon.
β€Ž
β€Žπ•Ώπ–” 𝕲𝖔𝖉 π–‡π–Š π–™π–π–Š π–π–Žπ–Œπ–π–Šπ–˜π–™ π–Œπ–‘π–”π–—π–ž! 🀍
β€Ž
β€Žπ™Ώπ™²πšˆ 𝙾𝙱𝙰𝙽𝙳𝙾 πšπ™΄π™²πšπš„π™Έπšƒπ™Όπ™΄π™½πšƒ πš…π™Έπ™³π™΄π™Ύ 2025
β€ŽπŸŽ¬: https://www.facebook.com/share/v/1Z4NnsPtMV/
β€Žβœ‰οΈ: https://www.facebook.com/share/p/1CDTZUdLER/
β€Ž
β€Ž
β€Ž
β€Ž
β€Ž

Isang mapagpala at mabiyayang kaarawan ang aming handog na pagbati sa ating minamahal na miyembro, Sis. Alexa Mae Joaqui...
05/08/2026

Isang mapagpala at mabiyayang kaarawan ang aming handog na pagbati sa ating minamahal na miyembro, Sis. Alexa Mae Joaquin
β€Ž
β€ŽNagpapasalamat kami sa Diyos dahil naging bahagi ka ng ating samahan. Maraming salamat sa iyong oras, pagsisikap, at pagiging handang makibahagi sa mga gawain. Nawa'y manatili kang masaya at patuloy na lumago sa iyong pananampalataya at paglilingkod.

Dalangin namin na patuloy kang gabayan, ingatan, at pagpalain ng Panginoon sa bawat araw ng iyong buhay. Nawa'y matupad ang mga hangarin ng iyong puso ayon sa Kaniyang kalooban.
β€Ž
β€ŽHappy birthday, Alexa! Pinapahalagahan at minamahal ka ng PCY Obando!πŸ₯³
β€Ž
β€Ž

NEWLY APPOINTED PARISH YOUTH COORDINATING COUNCILTaos-puso naming binabati ang ating mga bagong talagang pamunuan ng Par...
05/08/2026

NEWLY APPOINTED PARISH YOUTH COORDINATING COUNCIL

Taos-puso naming binabati ang ating mga bagong talagang pamunuan ng Parish Youth Coordinating Council.

Ang inyong pagtanggap sa panibagong tungkulin ay hindi lamang isang karangalan, kundi isang pagtugon sa tawag ng Panginoon na maglingkod sa Simbahan at sa kapwa kabataan. Nawa’y patuloy Niya kayong gabayan sa bawat pasya at hakbang na inyong tatahakin bilang mga lingkod-lider.

Dalangin namin na mamuno kayo nang may pananampalataya, pagmamahal, pang-unawa, pagmamalasakit, at pagpapakumbaba. Nawa’y maging inspirasyon kayo sa inyong kapwa kabataan at maging daan upang mas marami pang kabataan ang makilala, mahalin, at paglingkuran si Kristo.

Kasama ninyo ang aming panalangin at suporta sa inyong bagong yugto ng paglilingkod. Pagpalain nawa kayo ng Diyos at ng Mahal na Birheng Maria sa inyong paglilingkod.

β€Žβ€œThey all ate and were satisfied, and the disciples picked up what was left over of the broken pieces twelve baskets fu...
03/08/2026

β€Žβ€œThey all ate and were satisfied, and the disciples picked up what was left over of the broken pieces twelve baskets full.”
β€” Matthew 14:20

Yesterday is the 18th sunday in Ordinary Time and the first youth mass of the commission for the month of August

Jesus shows His compassion by taking care of people even when they do not have a lot. The five loaves and two fish teach people that what they think is not enough can become plenty when they give it to God.

People sometimes feel like they do not have energy or things to deal with their problems. They may feel like they do not have hope. The miracle of Jesus shows them that God can make even small things into big things if they have faith and are willing to give. This makes people want to trust God share what they have and know that everything is useful when they give it with love.
β€Ž
β€Žπ•Ώπ–” 𝕲𝖔𝖉 π–‡π–Š π–™π–π–Š π–π–Žπ–Œπ–π–Šπ–˜π–™ π–Œπ–‘π–”π–—π–ž! 🀍
β€Ž
β€Žπ™Ώπ™²πšˆ 𝙾𝙱𝙰𝙽𝙳𝙾 πšπ™΄π™²πšπš„π™Έπšƒπ™Όπ™΄π™½πšƒ πš…π™Έπ™³π™΄π™Ύ 2024
β€ŽπŸŽ¬: https://www.facebook.com/share/v/1Z4NnsPtMV/
β€Žβœ‰οΈ: https://www.facebook.com/share/p/1CDTZUdLER/
β€Ž
β€Ž
β€Ž
β€Ž
β€Ž

Pagbati po ng Maligayang Araw ng mga Pari sa ating minamahal na Kura Paroko at Rektor, Rdo. Padre Proceso Espiritu, at s...
02/08/2026

Pagbati po ng Maligayang Araw ng mga Pari sa ating minamahal na Kura Paroko at Rektor, Rdo. Padre Proceso Espiritu, at sa ating Katuwang na Pari, Rdo. Padre Juvenson Alarcon!

Maraming salamat po sa inyong tapat na paglilingkod at sa pagmamahal na patuloy ninyong ipinapakita sa aming parokya. Salamat po sa paggabay sa aming pananampalataya, sa inyong mga panalangin, at sa pagiging buhay na saksi ng pag-ibig ng Diyos.

Bilang mga kabataan, nagpapasalamat po kami dahil hindi ninyo kami pinagsasawaang samahan, unawain, at hikayatin na mas mapalapit sa Panginoon. Ang inyong buhay at bokasyon ay tunay na inspirasyon sa amin. Dalangin namin na patuloy kayong pagpalain ng Diyos ng mabuting kalusugan, karunungan, lakas, at kagalakan sa inyong paglilingkod.

Happy Priests’ Day po! Maraming salamat sa inyong walang sawang pagmamahal at paglilingkod. Mahal po namin kayo!

On this Sunday before the feast of Saint John Marie Vianney, we pray for the sacred presbyteral ministry of our diocesan clergy.

To our beloved priests, Father Proceso Espiritu and Father Juvenson Alarcon, a blessed priests' day! May the good Lord continue to grant you strength and wisdom as you carry out your work in His vineyard.

β€œAng paghahari ng Diyos ay katulad ng kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nahukay ito ng isang tao at tinabunan uli. Sa ...
27/07/2026

β€œAng paghahari ng Diyos ay katulad ng kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nahukay ito ng isang tao at tinabunan uli. Sa laking tuwa, siya’y humayo at ipinagbili ang lahat ng ari-arian niya at binili ang bukid na iyon.”
β€” Mateo 13:44

Kahapon ay Ika-17 ng Linggo sa Karaniwang Panahon at ikaapat na Misa pang kabataan sa buwan ng Hulyo.

Ipinakita ni Hesus na ang Kaharian ng Diyos ang tunay na pinakamahalagang kayamanan. Ngunit higit pa rito, ipinapaalala rin nito kung gaano tayo kahalaga sa Diyos. Hindi nagbenta si Hesus ng anumang ari-arian upang tayo'y makuha sa halip, nagpakababa Siya at inialay ang Kanyang buhay para sa atin. Tayo ang mahalagang perlas at nakatagong kayamanan na Kanyang hinanap, tinubos, at iniligtas. Kung ganoon ang pagpapahalaga ng Diyos sa atin, nawa'y ganoon din ang ating pagpapahalaga at pagmamahal sa Kanya.

𝕿𝖔 𝕲𝖔𝖉 π–‡π–Š π–™π–π–Š π–π–Žπ–Œπ–π–Šπ–˜π–™ π–Œπ–‘π–”π–—π–ž! 🀍
β€Ž
β€Žπ™Ώπ™²πšˆ 𝙾𝙱𝙰𝙽𝙳𝙾 πšπ™΄π™²πšπš„π™Έπšƒπ™Όπ™΄π™½πšƒ πš…π™Έπ™³π™΄π™Ύ 2025
β€ŽπŸŽ¬: https://www.facebook.com/share/v/1Z4NnsPtMV/
β€Žβœ‰οΈ: https://www.facebook.com/share/p/1CDTZUdLER/
β€Ž
β€Ž
β€Ž
β€Ž

β€Ž "Ipag-uutos ng Anak ng Tao sa kanyang mga anghel na tipunin nila mula sa kanyang kaharian ang lahat ng nagiging sanhi ...
20/07/2026

β€Ž "Ipag-uutos ng Anak ng Tao sa kanyang mga anghel na tipunin nila mula sa kanyang kaharian ang lahat ng nagiging sanhi ng pagkakasala at ang lahat ng gumagawa ng masama. Ihahagis nila ang mga ito sa lumalagablab na pugon at doon ay mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin. Ngunit ang mga gumagawa ng matuwid ay magliliwanag na parang araw sa kaharian ng kanilang Ama. Makinig ang may pandinig!”
β€Ž- Mateo 13:36-43
β€Ž
β€ŽNoong Ika-19 ng Linggo sa Karaniwang Panahon at ikatlong misa pang kabataan sa buwan ng Hulyo. Ginanap din ang Pagtatalaga ng mga kabataan.

β€ŽHindi man agad makita ang bunga ng kabutihan, hindi ito kailanman nakakaligtaan ng Diyos. Sa mundong puno ng mabuti at masama, tinatawag Niya tayong manatiling tapat, mamuhay nang may pag-ibig, at piliing gawin ang tama. Sa tamang panahon, ang mga nananatiling matuwid ay magliliwanag sa Kanyang kaharian.

β€Žπ•Ώπ–” 𝕲𝖔𝖉 π–‡π–Š π–™π–π–Š π–π–Žπ–Œπ–π–Šπ–˜π–™ π–Œπ–‘π–”π–—π–ž! 🀍
β€Ž
β€Žπ™Ώπ™²πšˆ 𝙾𝙱𝙰𝙽𝙳𝙾 πšπ™΄π™²πšπš„π™Έπšƒπ™Όπ™΄π™½πšƒ πš…π™Έπ™³π™΄π™Ύ 2025
β€ŽπŸŽ¬: https://www.facebook.com/share/v/1Z4NnsPtMV/
β€Žβœ‰οΈ: https://www.facebook.com/share/p/1CDTZUdLER/
β€Ž
β€Ž
β€Ž
β€Ž
β€Ž

Address

Pag-asa, Bulacan
Obando
3021

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parish Commission on Youth - Obando, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Parish Commission on Youth - Obando, Bulacan:

Shortcuts

Share