31/10/2020
Paano nga ba nating mailalarawan ang Santo Rosaryo?
Ginagamit natin ito hindi lamang gunitain ang naging buhay ng ating Panginoon, kundi upang iparanas sa atin ang wagas at di- nagmamaliw niyang pag- ibig para sa lahat. Ayon kay San Juan Pablo II, ang Santo Rosaryo ay ang pagtatalaga ng ating mga pagsubok at pagsusulit na nararanasan sa mahabagin at maawaing puso ni Jesus at ng ating Mahal na Inang si Maria. Kaya naman, sa araw na ito, ating itong darasalin upang dalhin sa ating Panginoon sa pamamagitan ni Maria ang lahat ng ating hinaing at mga nararanasan lalol ngayong panahon ng pandemya, na sa kanilang paggabay ay ating malampasan at mapagtagumpayan ang lahat ng ito. At sa katangi- tanging araw ding ito ay ating aalalahanin an gating mga yumaong mahal sa buhay, na dahil sa pandemyang kinakaharap natin ay hindi natin sila mabibisita sa mismong araw ng pag- alala sa kanila. Ngunit, sa pamamagitan ng ating pagdarasal ng Santo Rosaryo, maakay sila ni Maria na ating Ina, patungo sa walang hanggang pagmamahal, awa at kapayapaan sa piling ng Diyos.
Nawa sa gabing ito, ay ating mapagnilayan ang ating nagging karanasan sa buhay, gayundin ang alaala ng ating mga yumaong mahal sa buhay. Italaga lamang natin ang ating sarili sa mapagkalingang kamay ni Maria, na sa pamamagitan ng Santo Rosaryo, nakatitiyak tayong ang buhay natin at ng mga yumao ay lubusang makararanas ng tunay at wagas na pag- ibig mula sa kanyang anak, an gating Panginoong Jesukristo.
Inihahandog ng Parokya ng Sta. Cruz sa pangunguna ng Parish Commission on Youth, ang
"LIVING ROSARY & INMEMORIAM 2020"