09/11/2025
ππππππ ππππππππ πππππππ ππ πππππ
Amang Makapangyarihan,
hindi mo kailanman ninais na kami'y mapahamak.
Ngayong kami'y nahaharap sa bagyong Uwan,
pawiin Mo ang aming takot at pangamba,
ipagsanggalang kami sa hagupit ng unos at pinsalang dulot nito,
Sa lyong kapangyarihan, ibalik ang kaayusan at kapayapaan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.
N. Panginoon naming Diyos, ipakita mo na ang pag-ibig mong wagas.
B. Kami ay lingapin at sa kahirapan ay iyong iligtas.
Maria, Ina ng Simbahan, ipanalangin mo kami.
San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Roque, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.
Sama-sama tayong maghanda, tumulong, at magdasal sa pagharap sa mga pagsubok na hatid ng kalikasan. Kasihan nawa tayo ng Mahal na Birhen at ipagsanggalang ni San Miguel Arkanghel.
Ang pagdarasal ng Oratio Imperata na ito ay bilang pagtugon sa paanyaya ni Obispo Dennis C. Villarojo laban sa paparating na Bagyong Uwan.