07/05/2023
Isang mapagpalang gabi sa ating lahat kapag dumaan ito sa newsfeed niyo gusto ko sana maglaan kayo dito ng konting oras upang basahin itong mensahe ng Panginoon para sa lahat ito'y binahagi lamang sakin na ibinabahagi ko naman sainyo na sa ito'y maunawan at ipaunawa sainyo ng banal sa espiritu santo.
Mateo 10:32-33
“Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. Ngunit ang sinumang ikahiya ako sa harap ng mga tao ay ipapahiya ko rin sa harap ng aking Ama na nasa langit.”
Mga Taga-Roma 1:16
Hindi ko ikinahihiya ang Magandang Balita, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan ng bawat sumasampalataya, una'y sa mga Judio at gayundin sa mga Griego.
Verse: Kaya't sinabi sa kanya ng ibang mga alagad, “Nakita namin ang Panginoon!” Sumagot si Tomas, “Hindi ako maniniwala hangga't hindi ko nakikita at nahahawakan ang butas ng mga pako sa kanyang mga kamay, at hangga't hindi ko naisusuot ang aking daliri sa mga sugat na iyon at sa kanyang tagiliran.” Makalipas ang isang linggo, muling nagkatipon sa loob ng bahay ang mga alagad at kasama nila si Tomas. Nakasara ang mga pinto, ngunit nakapasok si Jesus at tumayo sa kalagitnaan nila. Sinabi niya, “Sumainyo ang kapayapaan!” At sinabi niya kay Tomas, “Tingnan mo ang aking mga kamay. Ilagay mo ang iyong kamay sa aking tagiliran at huwag ka nang mag-alinlangan pa, sa halip ay maniwala ka.” Sumagot si Tomas, “Panginoon ko at Diyos ko!” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako? Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.”
Mga kapatid gusto ng Lord na magkaroon ka ng paniniwala sa espiritually at hindi sa physical na pagkatao at ayaw niya na nagaalala ka habang nasa puder ka niya ayaw niya nagaalinlangan ka gusto niya nakafocus sakanya na lahat ng bagay posible kapag ito'y nais niya at kalooban niya, tsaka yung mga pag aalinlangan pagkawala ng tiwala umaasa na makita ang Lord physically ngunit di naman buo ang pagtitiwala sa kanyang puso mabilis lang yan madaya ng gawa ng kaaway sapagka't kung ano nga daw ang ginawa mong mabuti at kalugod lugod sa Diyos ay ganun din ang itutumbas niya sa taong iyon mga kapatid
Gusto niya na magtiwala ka kasi gusto niya na magkaroon ka ng paniniwala at katumbas naman nito ay ang pagkakaroon ng isang matibay na relasyon na di kayang gibain ninuman sa mundong ito,
Pinakita na niya ang kanyang kapangyarihan simula pa nung una at patuloy siyang kumikilos sa buhay ng bawat isa kaya wala na dapat tayong kundisyon
Bakit ko nasabi na pinakita niya ang kaniyang kapangyarihan? At ito ang sagot saan ba nagmula ang daigdig? Saan nagmula ang tao hindi ba't sakanya dahil anim na araw niyang ginawa ang lahat at sa ikapitong araw siya'y nagpahinga, marami pa siyang ginawang kamanghamangha na mababasa sa bibliya, mapalad daw po ang naniniwala sakanya kahit hindi natin siya nakikita kasi doon masusubok at malalaman kung totoo talagang sumasampalataya ka na merong Diyos at hindi ka nagpapabulag sa kasinungalingan.❤️
Sumainyo nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Diyos Amen.