09/08/2026
Maligayang Araw ng mga Katutubo!
Ngayong Araw ng mga Katutubo, binibigyang-pugay natin ang ating mga kapatid na Katutubo kasama ang kanilang kultura, kasaysayan, tradisyon, at patuloy na pakikibaka upang mapangalagaan ang kanilang pagkakakilanlan at lupang ninuno.
Bilang kabataang Aglipayano, hindi lamang tayo tinatawag upang makinig. Tayo ay inaanyayahan na makialam, makiisa, at tumindig. Ibalik ang mga lupain sa mga katutubo! Ang paggalang sa kultura at karapatan ng ating mga kapatid na Katutubo ay bahagi ng ating pananampalataya at pagmamahal sa bayan.
Hindi man pare-pareho ang ating pinagmulan, iisa ang ating dignidad. At bilang kabataan, may bahagi tayo sa pagbuo ng isang lipunang walang naiiwan at walang tinig na binabalewala.
Kasama ang ating mga kapatid na Katutubo, patuloy tayong tumindig para sa dignidad, katarungan, at bayan. ๐ต๐ญ
Pro De et Patria! โ
๐จ: Vreanna Juliano
โ๏ธ: Maria Yna Castillo