24/05/2026
𝐁𝐥𝐞𝐬𝐬𝐞𝐝 𝐒𝐮𝐧𝐝𝐚𝐲! ❤️❤️❤️
Topic: “𝐓𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐇𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐖𝐚𝐤𝐚𝐬: 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐦𝐩𝐚𝐥𝐚𝐭𝐚𝐲𝐚 𝐊𝐚𝐡𝐢𝐭 𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐠𝐮𝐭𝐚𝐧”
God’s Messenger: 𝐁𝐫𝐨. 𝐃𝐨𝐧𝐠 𝐌𝐢𝐫𝐚𝐧𝐝𝐚
Key Verses:
📖 𝐉𝐨𝐛 𝟐:𝟏-𝟏𝟎 𝐌𝐁𝐁
2 Muling humarap kay Yahweh ang mga anak ng Diyos, at naroon din si Satanas. 2 Tinanong ni Yahweh si Satanas, ang Tagapagparatang. “Saan ka nanggaling?” Sumagot si Satanas, “Nagpapabalik-balik at naglilibot ako sa buong daigdig.” “Napansin mo ba ang lingkod kong si Job?” tanong ni Yahweh. “Wala siyang katulad sa daigdig. Mabuti siyang tao, sumasamba sa akin, at umiiwas sa masamang gawain. Hinimok mo akong pinsalain siya kahit walang sapat na dahilan, subalit nananatili pa rin siyang tapat sa akin,” sabi pa ni Yahweh. 4 Sumagot si Satanas, “Kahit anong bagay ay ibibigay ng tao, huwag lamang siyang mamatay. 5 Subukin ninyong saktan ang kanyang katawan at sigurado kong susumpain niya kayo nang harap-harapan!” 6 Sinabi ni Yahweh, “Kung gayon, gawin mo ang gusto mong gawin sa kanya, huwag mo lamang siyang papatayin.” 7 Kaya umalis si Satanas sa harapan ni Yahweh at tinadtad ng nagnanaknak na sugat ang buo nitong katawan mula ulo hanggang talampakan. 8 Naupo si Job sa tabi ng basurahan at kinamot niya ng isang pirasong basag na palayok ang kanyang mga sugat. 9 Sinabi ng kanyang asawa, “Mananatili ka pa bang matuwid? Sumpain mo ang Diyos at nang mamatay ka na!” 10 Ang sagot ni Job, “Hindi mo naiintindihan ang iyong sinasabi. Pagpapala lang ba ang tatanggapin mo sa Diyos? Hindi ba natin tatanggapin kung bigyan niya tayo ng pagdurusa?” Sa kabila ng kanyang paghihirap, hindi nagsalita si Job ng laban sa Diyos.
---
Naranasan niyo na ba yung pakiramdam na parang sunod-sunod ang problema, at tila walang sagot ang Diyos sa inyong mga panalangin? Ang mensahe ng ating pag-aaral sa aklat ni Job ay napakalinaw: Ang tunay na pananampalataya ay nananatiling tapat sa Diyos kahit sa gitna ng matinding pagdurusa at kawalan ng kasagutan.
𝐌𝐠𝐚 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐮𝐧𝐚𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐮𝐧𝐭𝐨𝐬:
𝟏. 𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐮𝐛𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐓𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐌𝐨𝐭𝐢𝐛𝐨 𝐧𝐠 𝐏𝐮𝐬𝐨 - Ang tunay na pananampalataya ay nakaugat sa pag-ibig natin sa Diyos, at hindi lang sa mga biyayang natatanggap natin mula sa Kanya. Hindi dahil sa blessing, kundi dahil sa Diyos!
𝟐. 𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐢𝐛 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐡𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧 - Kapag nasa matinding pagsubok tayo, minsan ang pinakamalapit pa sa atin ang magbibigay ng maling payo. Kailangan nating mag-ingat kung kaninong tinig ang papakinggan natin kapag umuuga ang ating mundo.
𝟑. 𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐦𝐩𝐚𝐥𝐚𝐭𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐮𝐧𝐝𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 - Kahit hindi natin maintindihan ang mga nangyayari, ang pananampalataya sa Diyos ang ating sagot. Ito ang tunay na pananampalataya: "Lord, hindi ko maintindihan, umiiyak ako, nasasaktan ako, pero Ikaw pa rin ang Diyos ko."
𝟒. 𝐒𝐢 𝐂𝐫𝐢𝐬𝐭𝐨 𝐁𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐝𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐥𝐢𝐦𝐛𝐚𝐰𝐚 - Si Jesu-Cristo ang ultimate example ng katapatan; hindi Niya pinili ang comfort at convenience, kundi pinili Niya ang obedience at sacrifice sa krus para sa atin.
𝐂𝐡𝐚𝐥𝐥𝐞𝐧𝐠𝐞: 𝐇𝐮𝐰𝐚𝐠 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐮𝐛𝐨𝐤. 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐠 𝐝𝐮𝐦𝐚𝐫𝐚𝐚𝐧 𝐤𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐭𝐢𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠𝐬𝐮𝐛𝐮𝐤𝐚𝐧 𝐨 𝐩𝐫𝐨𝐛𝐥𝐞𝐦𝐚, 𝐡𝐮𝐰𝐚𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐮𝐦𝐮𝐤𝐨; 𝐡𝐮𝐦𝐮𝐠𝐨𝐭 𝐤𝐚 𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐤𝐚𝐲 𝐂𝐫𝐢𝐬𝐭𝐨 𝐧𝐚 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐛𝐮𝐦𝐢𝐭𝐚𝐰 𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐲𝐚 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐬𝐚 𝐤𝐫𝐮𝐬!
---
See you again next Sunday. God Bless your week, MLCI Maligaya Family! ❤️