04/01/2026
๐ฏ๐๐๐๐ ๐ฌ๐๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐
๐๐! ๐๐๐
๐๐๐ค๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ค๐ข๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง | Enero 4, 2026
(๐๐ฑ๐ช๐ฑ๐ฉ๐ข๐ฏ๐บ ๐๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ข๐บ)
Narito ang mga kuhang larawan mula sa ๐๐๐ค๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ค๐ข๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง, isang banal na pagdiriwang na nagpapaalala sa atin ng paghahayag ni Hesukristo bilang Liwanag ng lahat ng mga bansa. Ang Banal na Misa na ito ay sa pinangunahan ng ating ๐๐๐ฃ๐๐ข๐๐๐๐ก ๐ฃ๐ ๐๐๐๐จ๐ฅ๐ค ๐ฃ๐ ๐พ๐๐๐๐ฃ๐๐ฉ๐ช๐๐ฃ, ๐๐ฎ๐. ๐๐ ๐ . ๐๐ซ๐ฎ๐๐๐ง๐๐ข๐จ ๐. ๐๐ง๐๐๐ฒ๐, ๐๐ซ., ๐๐๐๐, ๐๐ at ๐๐๐. ๐๐๐๐ซ๐ ๐๐๐ง๐ฃ๐๐ฆ๐ข๐ง ๐. ๐๐๐ฏ๐ข๐๐ซ ๐๐๐
Ang Kapistahang ito ay paanyaya sa bawat isa na, tulad ng Tatlong Hari, ay hanapin, kilalanin, at sambahin si Kristo sa ating buhay. Sa pamamagitan ng bituin ng pananampalataya, tayo ay inaakay upang ialay sa Kanya ang ating mga sariliโang ating oras, talento, at buong pusoโbilang handog ng pasasalamat at pagsunod sa kalooban ng Diyos. Ipinapaalala rin nito na si Hesus ay hindi lamang para sa iilan, kundi para sa lahat ng tao, anuman ang lahi o kalagayan sa buhay.
Nawaโy patuloy nating ipahayag si Kristo sa ating mga tahanan at pamayanan sa pamamagitan ng mabuting halimbawa, pagmamahal sa kapwa, at tapat na paglilingkod sa Simbahan. Sa liwanag ni Kristo, nawaโy mapawi ang dilim ng kasalanan, kawalan ng pag-asa, at pagkakahati-hati sa ating mundo.
Ang buong pamayanan po ng ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ผ๐ธ๐๐ฎ ๐ป๐ถ ๐ฆ๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐ฅ๐ผ๐๐ฎ ๐ฑ๐ฒ ๐๐ถ๐บ๐ฎ, sa pamumuno ng ating Kura Paroko, ๐๐๐จ. ๐. ๐๐๐ซ๐ค ๐. ๐๐ง๐๐ก๐๐ญ๐, at Katuwang na Pari, ๐๐๐จ. ๐. ๐๐๐ง๐ฃ๐๐ฆ๐ข๐ง ๐. ๐๐๐ฏ๐ข๐๐ซ ๐๐๐, kasama ang Sangguniang Pastoral ng Parokya, mga sityong nasasakupan ng parokya, WESTYF-Heads, mga pinuno ng LARM, at kasapi ng ibaโt ibang ministeryo, ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at tumulong sa matagumpay na pagdiriwang ng banal na kapistahang ito.
Maraming-maraming salamat po!
Pagpalain nawa tayo ng ating Panginoong Hesukristo, ang ๐๐ช๐ธ๐ข๐ฏ๐ข๐จ ๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐ฏ๐ญ๐ช๐ฃ๐ถ๐ต๐ข๐ฏ!