Hesus Tanging Pag-asa Christian Church, Inc.

Hesus Tanging Pag-asa Christian Church, Inc. We are the Body of Christ—called to spread hope, extend grace, and make Jesus known. It is our supreme authority in all matters of faith, doctrine, and conduct.

Our mission is to reflect His love in everything we do, bringing light to the world and pointing hearts to the Savior. HTP Statement of Faith: The Bible

We believe that the Bible (66 books: 39 Old Testament books and 27 New Testament books) is the Word of God – supernaturally inspired, inerrant, and infallible. We also affirm its sufficiency, clarity, and necessity for genuine Christian living.

Daily Grace - May 27, 2026Today's Scripture : Zechariah 1313 Sinabi pa ni Yahweh, “Sa panahong iyon, lilitaw ang isang b...
26/05/2026

Daily Grace - May 27, 2026
Today's Scripture : Zechariah 13

13 Sinabi pa ni Yahweh, “Sa panahong iyon, lilitaw ang isang bukal at lilinisin nito ang kasalanan at karumihan ng sambahayan ni David at ng mga taga-Jerusalem.

2 “Aalisin ko sa lupain ang lahat ng diyus-diyosan at mapapawi sila sa alaala habang panahon. Aalisin ko na rin ang mga bulaang propeta at masasamang espiritu. 3 Sakali mang may lumitaw na bulaang propeta, sasabihin ng kanyang mga magulang na hindi siya dapat mabuhay, pagkat ginagamit pa niya sa kasinungalingan ang pangalan ni Yahweh. At ang mga magulang niya mismo ang papatay sa kanya sa sandaling siya'y magpahayag. 4 Sa araw ngang iyon, wala nang magmamalaking siya ay propeta, wala nang magdadamit-propeta ni magkukunwaring propeta. 5 Sa halip, sasabihin nilang sila'y hindi propeta kundi mga hamak na magbubukid lamang mula sa kanilang kabataan. 6 Kung may magtanong sa kanya tungkol sa mga pilat niya sa dibdib, sasabihin niyang iyon ay likha ng mga nagmamahal sa kanya.”

Ang Pagpatay sa Pastol ni Yahweh
7 Ito ang sinasabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat: “Tabak, kumilos ka laban sa tagapangalaga ng aking mga tupa, laban sa aking lingkod. Patayin mo ang pastol upang magkawatak-watak ang mga tupa; lilipulin ko naman pati ang maliliit. 8 Malilipol ang dalawang ikatlong bahagi ng naninirahan sa lupain; ikatlong bahagi lamang ang matitira. 9 Ang mga ito'y padadaanin ko sa apoy upang dalisayin, tulad ng pagdalisay sa pilak at ginto. Tatawag sila sa akin at akin namang diringgin. Sasabihin kong sila ang aking bayan. Sasabihin naman nilang ako ang kanilang Diyos.”

Daily Grace - May 26, 2026Today's Scripture : Zechariah 12Ang Pagliligtas na Gagawin sa Jerusalem12 Ito ang mensahe ni Y...
25/05/2026

Daily Grace - May 26, 2026
Today's Scripture : Zechariah 12

Ang Pagliligtas na Gagawin sa Jerusalem
12 Ito ang mensahe ni Yahweh para sa Israel, ang Diyos na gumawa ng langit at lupa, at nagbigay-buhay sa tao: 2 “Ang Jerusalem ay gagawin kong parang isang mangkok na puno ng alak upang ang sinumang maghangad lumusob dito ay maging parang lasing na susuray-suray. Ang pagkubkob sa Jerusalem ay pagkubkob na rin sa buong Juda. 3 Sa araw na iyon, ang mga bansa ay magkakaisa laban sa Jerusalem ngunit gagawin ko itong tulad sa isang malaking bato na mahirap galawin. Sinumang gumalaw nito ay naghahanap ng sakit ng katawan. 4 Tatakutin ko ang kanilang mga kabayo at magugulo ang mga kawal na sakay nito. Babantayan ko ang Juda at bubulagin ang mga kabayo ng kaaway. 5 Dahil dito, sasabihin ng mga taga-Juda na ang lakas ng Jerusalem ay buhat kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, ang kanilang Diyos.

6 “Sa araw na iyon, ang Juda ay gagawin kong parang apoy na tutupok sa kakahuyan at sulo na susunog sa ginapas na palay. Lilipulin niya ang mga karatig-bansa at ang Jerusalem naman ay muling titirhan ng mga tao.

7 “Ang unang pagtatagumpayin ko ay ang mga sambahayan ng Juda upang ang karangalan ng angkan ni David at ng mga taga-Jerusalem ay hindi humigit sa ibang bayan ng Juda. 8 Sa araw na iyon, palalakasin ko ang mga taga-Jerusalem upang pati ang mga mahihina ay magiging sinlakas ni David. Ang sambahayan ni David ay magiging makapangyarihang tulad ng Diyos, tulad ng anghel ni Yahweh na nanguna sa kanila. 9 At sa araw na iyon, mawawasak ang alinmang bansang mangangahas sumakop sa Jerusalem.

10 “Ang lahi ni David at ang mga taga-Jerusalem ay gagawin kong mahabagin at mapanalanginin. Sa gayon, kapag pinagmasdan nila ang kanilang sinaksak ng sibat ay tatangisan nila itong parang kaisa-isang anak o anak na panganay. 11 Sa araw na iyon, ang iyakan sa Jerusalem ay matutulad sa nangyari noon sa Hadad-rimon sa kapatagan ng Megido. 12 Tatangis ang buong lupain, ang bawat sambahayan, ang lahi ni David, pati ang kababaihan doon, ang lahi ni Natan, pati ang sambahayan doon, 13 ang lahi ni Levi, pati ang kababaihan doon, ang lahi ni Simei, pati ang kababaihan doon, 14 at ang iba pang lahi, pati ang kanilang kababaihan.”

Daily Grace - May 25, 2026Today's Scripture: Zechariah 1111 Pintuan mo ay ibukas, lupain ng Lebanon,    upang lamunin ng...
24/05/2026

Daily Grace - May 25, 2026
Today's Scripture: Zechariah 11

11 Pintuan mo ay ibukas, lupain ng Lebanon,
upang lamunin ng apoy ang iyong mga sedar.
2 Magsitaghoy kayo, mga puno ng sipres
pagkat bumagsak na ang sedar,
ang mararangal na punong iyon.
Managhoy rin kayo, mga ensina ng Bashan,
pagkat nahawan na ang madilim na kagubatan.
3 Gayon na lamang ang pagtangis ng mga pinuno,
pagkat karangalan nila'y parang biglang naglaho.
Atungal ng mga leon, iyong pakinggan,
pagkat gubat ng Jordan ay nasira na't nahawan.

Ang mga Pastol na Walang Kabuluhan
4 Sinabi sa akin ni Yahweh na aking Diyos, “Ikaw ang mag-alaga sa mga tupa kong papatayin. 5 Pinapatay lamang sila ng nag-aalaga sa kanila ngunit hindi napaparusahan ang mga ito. Ang karne ay ipinagbibili at pagkatapos ay kanilang sinasabi, ‘Purihin si Yahweh! Mayaman na tayo ngayon.’ Maging ang mga pastol ay hindi rin naawa sa kanila. 6 Hindi ko na kahahabagan ang mga tao sa lupaing ito. Pababayaan ko silang mahulog sa kamay ng kanilang kapwa. Wawasakin nila ang lahat ng bansa, isa ma'y wala akong ililigtas!”

7 Kinuha ako ng mga mamimili upang mag-alaga sa binili nilang tupang papatayin. Kumuha ako ng tungkod; ang isa'y pinangalanan kong Kabutihang Loob, at ang isa nama'y Pagkakaisa. At inalagaan ko nga ang kawan. 8 Sa loob ng isang buwan, tatlong pastol na ang pinaalis ko pagkat naubos na ang pasensiya ko sa kanila. Sila naman ay nasuklam sa akin. 9 Sinabi ko sa kawan, “Mula ngayon, di ko na kayo aalagaan, mamatay na kung sino ang mamamatay sa inyo at mapahamak na kung sino ang mapapahamak. At ang matira ay pababayaan kong mag-away-away. 10 Binali ko ang tungkod na tinawag kong Kabutihang Loob upang ipakilalang wala nang kabuluhan ang kasunduan namin ng mga mamimili. 11 Nang araw ngang yaon, sinira ko ang tipan at nalaman ng mga mamimiling nanonood sa akin noon na ang sinabi ko'y buhat kay Yahweh. 12 Sinabi ko sa kanila, “Kung gusto ninyong ibigay ang aking sahod, salamat; kung ayaw ninyo, sa inyo na lang.” At binigyan nila ako ng tatlumpung pirasong pilak bilang sahod.

13 Pagkatapos, sinabi sa akin ni Yahweh, “Ilagay mo iyan sa kabang-yaman ng Templo.”[a] Kaya't kinuha ko ang tatlumpung pirasong pilak bilang pasahod nila sa akin, at ganoon nga ang aking ginawa. 14 Pagkatapos, binali ko rin ang tungkod na tinawag kong Pagkakaisa upang ipakitang wala nang pagkakaisa ang Juda at Israel.

15 Sinabi sa akin ni Yahweh, “Mag-ayos kang tulad ng isang pastol na walang kabuluhan. 16 Ang bayan ay bibigyan ko ng isang pastol na walang pagpapahalaga sa mga nawawala, hindi maghahanap sa naligaw, hindi hihilot sa napilayan, ni mag-aalaga sa maysakit. Bagkus, uubusin niya ang matataba, saka itatapon ang buto nito. 17 Kawawa ang pastol na walang kabuluhan at nagpapabaya sa kawan. Isang tabak ang tatama sa kanyang kamay at kanang mata. Ang kamay niya'y mawawalan ng lakas, at mabubulag ang kanang mata.”

Sa pagdiriwang ng aming ika-25 anibersaryo, buong kagalakan naming inihahandog ang isang natatanging pagtatanghal—“Josep...
24/05/2026

Sa pagdiriwang ng aming ika-25 anibersaryo, buong kagalakan naming inihahandog ang isang natatanging pagtatanghal—“Joseph the Dreamer: Panaginip The Musical.”

Isang makapangyarihang kuwento ng pananampalataya, pagtitiis, at katapatan sa Diyos. Tulad ni Jose, na dumaan sa pagtataksil, pagsubok, at paghihirap, ngunit hindi kailanman binitawan ang pangakong ibinigay sa kanya ng Panginoon.

Sa huli, ipinakita ng Diyos na ang bawat panaginip na nagmumula sa Kanya ay may layunin at katuparan.

Ang musical na ito ay hindi lamang isang palabas, ito ay isang paalala na kahit sa gitna ng pagsubok, ang Diyos ay patuloy na kumikilos. Ang bawat pangarap na inilalagay Niya sa ating puso ay may tamang panahon ng katuparan.

Inaanyayahan namin kayong makiisa sa gabing puno ng inspirasyon, awit, at mensahe ng pag-asa. Sama-sama nating ipagdiwang ang kabutihan ng Diyos sa loob ng 25 taon ng Kanyang katapatan sa aming iglesia.

📅 Mayo 28–29, 2026 | 6:00 PM
📍 San Rafael 3, Noveleta, Cavite

Halina at tunghayan ang isang kwentong magpapaalala sa atin na ang mga panaginip na ipinagkakatiwala ng Diyos ay tiyak na matutupad sa Kanyang tamang panahon.

Kilalanin ang mga taong naging bahagi ng paglalakbay ni Joseph, mga karakter na nagbigay kulay sa kanyang kwento ng pags...
24/05/2026

Kilalanin ang mga taong naging bahagi ng paglalakbay ni Joseph, mga karakter na nagbigay kulay sa kanyang kwento ng pagsubok, pananampalataya, at tagumpay.

May mga taong naniwala sa kanya, may mga tumulong, may mga naging dahilan ng kanyang pagdurusa, at may mga ginamit ng Diyos upang itaas siya sa tamang panahon. Sa likod ng bawat tagpo ay mga pusong may kanya-kanyang hangarin, kahinaan, at papel sa plano ng Diyos.

Mula kina Asenath, Ephraim, at Manases, ang pamilyang naging bunga ng kanyang bagong simula, hanggang sa mga salamangkero, mga bilanggo, si Potiphar, ang asawa ni Potiphar, at si Paraon na naging daan upang mabago ang kanyang buhay.

Sa musical na ito, mas makikilala natin ang mga taong naging bahagi ng kwento ni Joseph, mga karakter na nagpapaalala na sa bawat pagsubok, may layunin ang Diyos, at sa bawat yugto ng buhay, may kamay Siyang kumikilos.

Kilalanin sila. Pakinggan ang kanilang mga kwento. At tunghayan kung paano ginamit ng Diyos ang bawat isa upang maisakatuparan ang Kanyang dakilang plano.

24/05/2026

It is our privilege to agree with you in Prayer send your prayer requests here: https://bit.ly/HTPPrayerRequest

If Jesus has done something marvelous in your life, give God the glory and tell us about it! Share your testimony via this link: https://bit.ly/HTPTestimonies

Join our team! Multimedia Registration is open : https://bit.ly/MultimediaRegistration

---------------------------
Connect with us today!
---------------------------

Like us on our following pages
YOUNITE : https://bit.ly/YouniteOfficial
HTP Official : https://bit.ly/HTPOfficial
HTP Sunday School : https://bit.ly/HTPSundaySchoolOfficial
Hulmahan : https://bit.ly/HulmahanOfficial

Follow us on Instagram
htpcciofficial : https://bit.ly/HTPInstagram

Subscribe on Youtube!
hesustangingpagasachurch : https://bit.ly/HTPYoutubeChannel
No Copyright Infringement Intended

25 years of God’s faithfulness, grace, and unending goodness. 🙌✨What started with faith and a heart for Jesus has now be...
24/05/2026

25 years of God’s faithfulness, grace, and unending goodness. 🙌✨

What started with faith and a heart for Jesus has now become a testimony of lives changed, prayers answered, and people continually drawn closer to Him. As we celebrate the 25th Anniversary of Hesus Tanging Pag-asa Christian Church, we don’t just look back at the journey, we honor the One who sustained it all through every season.

This is a reminder that Jesus remains our true hope, yesterday, today, and forever. 🤍

Join us this May 31, 2026 as we come together in worship, thanksgiving, and unity under one theme: EXALT JESUS! 🔥

Come and celebrate with us. See you there! 🙏

Daily Grace - May 24, 2026Today's Scripture: Zechariah 10Ang Pagliligtas ni Yahweh sa Kanyang Bayan10 Humingi kayo ng ul...
23/05/2026

Daily Grace - May 24, 2026
Today's Scripture: Zechariah 10

Ang Pagliligtas ni Yahweh sa Kanyang Bayan
10 Humingi kayo ng ulan kay Yahweh, sa panahon ng tagsibol.

Sa kanya na lumilikha ng ulap at hamog na nagpapasariwa sa mga pananim.
2 Ang mga diyus-diyosan ay wala ng kabuluhan;
ang pangitain ng mga manghuhula ay pawang kasinungalingan;
ang mga panaginip nila'y walang katotohanan;
ang kanilang sinasabi'y wala ring kabuluhan.
Kaya't mga tao'y parang tupang naliligaw,
pagkat walang pastol na sa kanila'y umaakay.

3 Ang mga pastol ay aking kinapopootan,
at ang mga pinuno ay aking paparusahan.
Mahal ko ang Juda, kaya siya'y iingatan,
palalakasin ko silang parang kabayo sa digmaan.
4 Sa kanila magmumula ang batong-panulukan;
sa kanila manggagaling ang tulos ng tolda;
sa kanila magmumula ang panang panudla,
mula rin sa kanila ang pinunong mamamahala.
5 Ang mga anak ng Juda ay mabubuo at sila'y magiging isang malakas na hukbo.
Ang kaaway nila'y kanilang yuyurakan, kanilang tatapakan sa maputik na lansangan.
Sila ay lalaban sapagkat si Yahweh ang kanilang patnubay;
ibabagsak nila ang mga kawal na kabayuhan.

6 “Ang sambahayan ni Juda'y bibigyan ko ng lakas;
ang sambahayan ni Jose'y aking ililigtas.
Ibabalik ko sila sa dating tirahan;
sapagkat sila ay aking kinahabagan, na para bang di ko sila pinabayaan.
Ako si Yahweh, ang kanilang Diyos,
aking diringgin ang kanilang dalangin.
7 Ang mga taga-Efraim ay magdiriwang, katulad nila'y kawal na nagtagumpay.
Aawit sila sa galak na parang nakainom ng alak.
Makikita ito ng mga anak nila at matutuwa,
si Yahweh ay pupurihin sapagkat siya ang gumawa.

8 “Tatawagin ko sila at muling titipunin,
sa mga kaaway sila'y aking tutubusin;
at tulad noong una, sila'y pararamihin.
9 Bagaman sila'y pinangalat ko sa iba't ibang mga bansa,
hindi nila ako malilimutan doon,
sila at ang mga anak nila'y maliligtas at makakabalik sa kanilang tahanan.
10 Sila'y aking ibabalik mula sa Egipto,
at aking titipunin mula sa Asiria;
upang iuwi sa Gilead at Lebanon,
hanggang ang lupain ay mapuno ng tao.
11 Tatawid sila sa dagat ng Egipto,
at papayapain ko ang malalaking alon nito;
aking tutuyuin ang Ilog Nilo.
Ibabagsak ko ang Asiria na palalo,
maging setro ng Egipto'y tiyak na maglalaho.
12 Ang aking bayan ay aking palalakasin,
susundin nila ako at sasambahin.”

Ako si Yahweh, ang nagsabi nito.

This Sunday, come and experience the presence of God together with us!A place of worship, healing, prayer, and renewed h...
23/05/2026

This Sunday, come and experience the presence of God together with us!

A place of worship, healing, prayer, and renewed hope awaits you. ❤️

Join us this May 24 for our Sunday Service at Hesus Tanging Pag-asa Christian Church! 🙌

📍 DREAM HOMES CHURCH
⏰ 8:00 AM – 10:30 AM

📍 HTP MAIN CHURCH
⏰ 2:00 PM – 4:30 PM

Come as you are, and let God move in your life. See you there! ✨🙏

23/05/2026

Bale na ang leeg???? 😂 Proof na kahit anong concept, ipupush basta para sa anniversary. 😂 hindi po ito ritual, anniversary teaser lang. 🙏☺️

see you at our 25th anniversary celebration!

Daily Grace - May 23, 2026Today's Scripture: Zechariah 9Ang Parusa sa mga Bansa sa Paligid9 Ito ang ipinapasabi ni Yahwe...
22/05/2026

Daily Grace - May 23, 2026
Today's Scripture: Zechariah 9

Ang Parusa sa mga Bansa sa Paligid
9 Ito ang ipinapasabi ni Yahweh: “Itinakda ko na ang parusa sa lupain ng Hadrac at sa lunsod ng Damasco. Ang mga lunsod ng Aram ay akin, kung paanong ang lahat ng lipi ni Israel ay akin. 2 Akin din ang Hamat na nasa hangganan ng Hadrac, gayon din ang Tiro at Sidon, bagaman sila'y napakarunong. 3 Ang Tiro ay napapaligiran ng matibay na pader. Nag-ipon siya ng makapal na pilak at gintong sindami ng alabok sa lansangan. 4 Ngunit ngayon, kukunin ni Yahweh ang lahat niyang ari-arian at ihahagis lahat sa dagat. Ang lunsod naman ay ipatutupok niya sa apoy.

5 “Makikita ito ng Ashkelon at siya ay mangingilabot. Manginginig rin sa takot ang Gaza, at mawawalan ng pag-asa ang Ekron. Mawawalan ng hari ang Gaza at wala nang maninirahan pa sa Ashkelon. 6 Paghaharian ng mga dayuhan ang Asdod. Ibabagsak ko ang palalong Filistia. 7 Hindi na sila kakain ng dugo o anumang ipinagbabawal na pagkain. Ang matitira ay mapapabilang sa aking bayan at ituturing na isa sa mga angkan ni Juda. Ang mga taga-Ekron ay mapapabilang din sa aking bayan, tulad ng nangyari sa mga Jebuseo. 8 Babantayan ko ang aking bayan upang hindi ito mapasok ng kaaway. Hindi ko na papahintulutang lupigin pa sila ng iba, sapagkat nakita ko na ang kanilang paghihirap.”

Ang Magiging Hari ng Zion
9 O Zion, magdiwang ka sa kagalakan!
O Jerusalem, ilakas mo ang awitan!
Pagkat dumarating na ang iyong hari
na mapagtagumpay at mapagwagi.
Dumarating siyang may kapakumbabaan,
batang a**o ang kanyang sinasakyan.
10 “Ipapaalis niya ang mga karwahe sa Efraim,
gayundin ang mga kabayong pandigma ng Jerusalem.
Panudla ng mga mandirigma ay mawawala,
pagkat paiiralin niya'y ang pagkakasundo ng mga bansa.
Hangganan ng kaharian niya'y dagat magkabila,
mula sa Ilog Eufrates hanggang dulo ng lupa.”

Muling Aayusin ang Zion
11 Sinabi pa ni Yahweh,
“Alang-alang sa ating tipan na pinagtibay ng dugo,
ibabalik ko ang mga anak mong itinapon sa balong tuyo.
12 Kayo, mga bilanggo, na di nawalan ng pag-asa,
ay maaari nang bumalik sa inyong lupain.
Ang magandang kalagayan ninyo noong unang panahon,
ay aking hihigitan at pag-iibayuhin.
13 Binanat ko ang Juda gaya ng isang pana,
at ang Efraim naman ang aking panudla.
Kayong mga taga-Zion ay aking isasagupa
laban sa mga anak ng mga taga-Grecia;
gaya ng tabak ng isang mandirigma,
sila'y gagawin kong aking sandata.”

14 Si Yahweh ay magpapakita sa kanyang bayan,
at ang palaso niya'y parang kidlat na sisibat;
trumpeta ng Panginoong Yahweh, kanyang hihipan
at sila'y parang ipu-ipong sasalakay sa katimugan.
15 Si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, sa kanila'y mag-iingat;
sa pagdumog sa kaaway sila'y di maaawat.
Dugo ng mga ito'y kanilang paaagusin,
gaya ng mga handog na sa altar inihain.

16 Sa araw na iyon, ililigtas sila ni Yahweh na kanilang Diyos
pagkat sila'y kanyang kawan, iniibig na lubos.
Sa buong lupain ay magniningning sila,
parang batong hiyas ng isang korona.
17 Mararanasan nila'y kagandaha't kasaganaan;
pagkain at alak, may taglay na kalakasan,
para sa kabinataan at mga kadalagahan.

Address

San Rafael Lll, Cavite
Noveleta
4105

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hesus Tanging Pag-asa Christian Church, Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Hesus Tanging Pag-asa Christian Church, Inc.:

Share