30/04/2026
๐๐๐ซ๐๐ค๐จ๐ฅ ๐ง๐ข ๐๐๐ง๐ญ๐ ๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐ซ๐ฎ๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ฐ๐๐ฅ๐ก๐๐ญ๐ข๐๐ง, ๐๐ง๐จ ๐ญ๐๐ซ๐?
TARA NA! MAKI-ISA, MAKI-INDAK AT MAKI-SALOK NA! A Dos de Mayo ay sasapit na, ang Karakol ng Bayan sa karangalan ng pinipintuho at iginagalang na Pintakasi ng buong bayan ng Noveleta - Ang Patrona't Emperatriz Santa Elena at ang Krus ng Kaluwalhatian.
Halina't sama-samang sumayaw sa saliw ng tugtuging Karakol dala ang ating mga panalangin at sumigaw ng "Viva Santa Elena! Viva Santa Cruz!" bilang parangal at pasasalamat sa kanilang walang hanggang biyaya't paggabay sa ating Bayan. Makilakbay at samahan si Santa Elena at ang Poong Santa Cruz sa kanilang muling paglibot sa buong Bayan ng Noveleta.
Ang Karakol ng Bayan sa karangalan ng Mahal na Patrona Santa Elena at Poong Krus ng Kaluwalhatian ay pasisimulan sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa ganap na ika-6:30 ng umaga na pangungunahan ni Reb. Pd. Eric Orcullo, Kura Paroko ng Parokya ng Mabathalang Awa - Silang, Cavite. Sa ganap na ika-7:30 ng umaga ang pagsisimula ng Karakol. Matapos ang tanghalian sa San Jose 2 Brgy. Hall, ipagpapatuloy ang Karakol sa ganap na ika-3 ng hapon.
________________________________________
๐๐๐ต๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ง๐ฅ๐๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก, ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ๐ด๐น๐ฎ๐ต๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐๐ข๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ถ๐บ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐-๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ก๐๐๐ก!
๐๐๐ซ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐๐ก๐๐ฃ๐!
๐๐๐ซ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐พ๐ง๐ช๐ฏ!