01/09/2026
𝐋𝐔𝐂𝐀𝐒 21:25-33
v25 Magkakaroon ng mga tanda sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat.
v26 Ang mga tao’y hihimatayin sa takot sa pag-iisip sa mga sakunang darating sa sanlibutan; sapagkat mayayanig at mawawala sa kani-kanilang landas ang mga planeta at iba pang katulad nito na nasa kalawakan.
v27 Sa panahong iyon, ang Anak ng Tao’y makikita nilang dumarating na nasa alapaap, may dakilang kapangyarihan at malaking karangalan.
v28 Kapag nagsimula nang mangyari ang mga bagay na ito, magalak kayo sapagkat malapit na ang pagliligtas sa inyo.
v29 At sinabi sa kanila ni Jesus ang isang talinghaga: Tingnan ninyo ang puno ng igosat ibang punongkahoy.
v30 Kapag nagdadahon na ito, alam ninyong malapit na ang tag-araw.
v31 Gayon din naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga ito, malalaman ninyong malapit nang maghari ang Diyos.
v32 Tandaan ninyo: Magaganap ang lahat ng ito bago mamatay ang lahat ng taong nabubuhay sa ngayon.
v33 Mawawala ang langit at ang lupa, ngunit ang mga Salita ko’y hindi magkakabula.
𝙅𝙪𝙖𝙣 14:29; 𝙇𝙪𝙘𝙖𝙨 21:31
- Sinabi na ni Jesus ang mga bagay bago pa mangyari upang tayo ay manalig sa Kanya.
- Kapag dumating ang mga pangyayari, huwag matakot kundi manalig sa Diyos.
- Maaaring mawala ang langit at lupa, ngunit ang Salita ng Diyos ay mananatiling totoo.
- Magtiwala tayo sa mga pangako ng Diyos.
𝙇𝙪𝙘𝙖𝙨 21:11
Magkakaroon ng malalakas na lindol, magkakagutom at magkakasalot sa ibat-ibang dako. May lilitaw na mga kakila-kilabot na bagay at mga kagila-gilalas na tanda buhat sa langit.
1. 𝙆𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙝𝙖𝙣𝙙𝙖
MATEO 24:44; HEBREO 11:7
- Maging laging handa dahil darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi natin inaasahan.
- Manampalataya at makinig sa babala ng Diyos, tulad ni Noe.
- Kumilos ayon sa pananampalataya, kahit hindi pa natin nakikita ang mangyayari.
- Ang paghahanda ay nangangailangan ng pananampalataya, pagsunod, at pagtitiwala sa Diyos.
2. 𝙈𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙥𝙖𝙜𝙗𝙖𝙣𝙩𝙖𝙮 𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙥𝙖𝙣𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣𝙞𝙣
LUCAS 21:36
- Maging handa sa lahat ng oras.
- Laging manalangin at humingi ng lakas sa Diyos.
- Manatiling mapagbantay sa mga mangyayari.
- Magtiwala sa Diyos upang makayanan ang lahat ng pagsubok at makaharap sa Anak ng Tao.
1 𝙅𝙪𝙖𝙣 3:1; 𝙍𝙤𝙢𝙖 8:17
- Mahal tayo ng Ama at tinatawag Niya tayong mga anak ng Diyos.
- Bilang mga anak ng Diyos, tayo ay mga tagapagmana ng Diyos.
- Tayo ay kasamang tagapagmana ni Cristo.
- Kaya, mamuhay tayo bilang mga anak ng Diyos, na nagtitiwala sa Kanya.
𝘾𝙊𝙇𝙊𝙎𝘼𝙎 4:5
Maging matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi sumasampalataya. Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon.