18/05/2025
SUNDAY SERVICE
May 18, 2025
THEME:
All for Jesus; We give glory to Jesus by Shining the Light of Christ Jesus
TITLE:
"SHINE BRIGHT LIKE JESUS"
TEXT:
1 Juan 1:5-10 ASND
[5] Ito ang mensaheng narinig namin mula kay Jesu-Cristo at ipinapahayag naman namin sa inyo: Ang Dios ay liwanag at sa kanya ay walang anumang kadiliman.
[6] Kung sinasabi nating may pakikiisa tayo sa kanya ngunit namumuhay naman tayo sa kadiliman, nagsisinungaling tayo at hindi namumuhay nang ayon sa katotohanan.
[7] Ngunit kung namumuhay tayo sa liwanag, tulad ng Dios na nasa liwanag, may pagkakaisa tayo, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kanyang Anak sa lahat ng kasalanan.
[8] Kung sinasabi nating wala tayong kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at wala sa atin ang katotohanan.
[9] Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Dios ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin niya ang ating mga kasalanan at lilinisin tayo sa lahat ng uri ng kasamaan dahil matuwid siya.
[10] Kung sinasabi nating wala tayong kasalanan, ginagawa nating sinungaling ang Dios, at wala sa atin ang kanyang salita.
---
INTRODUCTION:
Sa panahon ngayon, mas lumalala ang dilim ng kasamaan, kasinungalingan, at paglayo ng mga tao sa Diyos. Bilang mga mananampalataya, tayo'y tinawag hindi upang itago ang liwanag, kundi upang ito'y ipakita sa gitna ng dilim.
---
BACKGROUND:
Ang sulat ni Apostol Juan ay isinulat upang ipagtanggol ang tunay na ebanghelyo laban sa mga maling katuruan, partikular ng mga Gnostic na naniniwalang ang laman ay masama at ang espiritu lamang ang mahalaga.
Sa 1 Juan 1:5-10, inilalarawan ni Juan ang katangian ng Diyos bilang liwanag—walang bahid ng kasamaan o kadiliman sa Kanya. Itinuturo niya na ang paglakad sa liwanag ay hindi lamang teorya kundi aktwal na pagsasabuhay ng kabanalan, katotohanan, at pagsisisi. Hindi maaaring sabihing tayo’y may pakikisama sa Diyos kung patuloy tayong namumuhay sa kasalanan. Ngunit sa pagpapahayag ng ating mga kasalanan, tapat ang Diyos na tayo'y patawarin at linisin sa lahat ng kalikuan.
---
PROPOSITIONAL STATEMENT:
Bilang mga sumasampalataya sa Panginoong Jesus, ang pagiging ilaw sa mundo ay nangangahulugang pamumuhay ayon sa katangian ni Cristo na siyang liwanag, sa pamamagitan ng kabanalan, katapatan, at pakikipagkasundo sa Diyos.
---
INTERROGATIVE STATEMENT:
Paano ba natin maisasabuhay ang pagiging ilaw na nagpapakita ng liwanag ni Cristo sa mundong nababalot ng kasalanan?
---
MESSAGE:
1. SA PAMAMAGITAN NG PAGKILALA SA TUNAY NA LIWANAG NG KATOTOHANAN (v.5)
Hindi natin maaaring sabihing tayo’y kabilang sa Diyos kung ang ating pamumuhay ay taliwas sa Kanyang liwanag. Ang paglakad sa liwanag ay nangangahulugang pagsunod sa Kanyang mga utos at pamumuhay nang may katapatan
Suportang Talata:
Juan 8:12 ASND
[12] Muling nagsalita si Jesus sa mga tao, “Ako ang ilaw ng mundo. Ang sumusunod sa akin ay hindi na mamumuhay sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw na nagbibigay-buhay.”
Efeso 5:8-9 ASND
[8] Dati, namumuhay kayo sa kadiliman, pero ngayon ay naliwanagan na kayo dahil kayo ay nasa Panginoon na. Kaya ipakita sa pamumuhay nʼyo na naliwanagan na kayo. [9] (Sapagkat kung ang isang tao ay naliwanagan na, makikita sa kanya ang kabutihan, katuwiran, at katotohanan.)
-----
2. SA PAMAMAGITAN NG PAGKAKAROON NG TAMANG RELASYON SA DIYOS AT SA KAPWA (v.6-7)
Ang pamumuhay sa liwanag ay nagbubunga ng tunay na pakikisama—una sa Diyos, at pangalawa sa kapwa mananampalataya. Ito'y isang buhay na bukas, mapagpatawad, at puno ng pag-ibig.
Suportang Talata:
Hebreo 10:24-25 ASND
[24] At sikapin nating mahikayat ang isaʼt isa sa pagmamahalan at sa paggawa ng kabutihan. [25] Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng bawat isa, lalo na ngayong nalalapit na ang huling araw.
Colosas 3:13 ASND
[13] Magpasensiyahan kayo sa isaʼt isa at magpatawaran kayo kung may hinanakit kayo kaninuman, dahil pinatawad din kayo ng Panginoon.
------
3 SA PAMAMAGITAN NG PAGPAPAHAYAG NG ATING MGA KASALANAN AT MAMUHAY NANG MAY PAGSISISI (vv.8-10)
Ang tunay na anak ng Diyos ay hindi nagbubulag-bulagan sa kanyang pagkakasala. Sa halip, siya’y nagpapakumbaba, nagpapahayag ng kasalanan, at nagtitiwala sa pagpapatawad ng Diyos.
Suportang Talata:
Kawikaan 28:13 ASND
[13] Hindi ka uunlad kung hindi mo ipapahayag ang iyong mga kasalanan, ngunit kung ipapahayag mo ito at tatalikdan, kahahabagan ka ng Dios.
Gawa 3:19 ASND
[19] Kaya ngayon, kailangang magsisi na kayo at lumapit sa Dios, para patawarin niya ang inyong mga kasalanan,
---
Ang salitang “PAGSISISI” o “REPENTANCE” ay isa sa pinaka-misinterpreted o maling pagkaunawang salita sa Bibliya dahil madalas itong iniisip na simpleng paghingi lang ng tawad o pagiging emosyonal sa kasalanan. Ngunit ayon sa Biblia, ang tunay na pagsisisi ay pagbabago ng isip at puso na humahantong sa pagbabago ng buhay — isang pagtalikod sa kasalanan at paglapit sa Diyos.
NARITO ANG ILANG DAHILAN KUNG BAKIT ITO MADALAS NA-MISINTERPRET:
A. INIISIP NA SAPAT NA ANG LUNGKOT O GUILT.
Akala ng iba, kapag nalungkot ka sa kasalanan mo, nagsisi ka na. Pero sa 2 Corinto 7:10, malinaw na may kaibahan ang “kalungkutang makadiyos” na nagdudulot ng tunay na pagsisisi, at ang “kalungkutang makasanlibutan” na walang bunga kundi kamatayan.
2 Corinto 7:10 ASND
[10] Sapagkat ang kalungkutang ayon sa kalooban ng Dios ay nagdadala sa atin sa pagsisisi, at nagdudulot ng kaligtasan. Hindi pinagsisihan ang ganitong kalungkutan. Ngunit ang kalungkutan ng mga taong makamundo ay nagdadala sa kanila sa kamatayan.
B. WALANG KASUNOD NA PAGBABAGO.
Marami ang nagsasabing nagsisi sila, pero patuloy pa rin sa dating pamumuhay. Sa Mateo 3:8 ASND,
[8] Kung tunay na nagsisisi kayo sa inyong mga kasalanan, patunayan ninyo ito sa inyong mga gawa."
-hiniling ni Juan Bautista na magbunga ng mga gawa na karapat-dapat sa pagsisisi — ibig sabihin, dapat may ebidensya sa buhay.
C. NAIUUGNAY LANG SA EMOSYON.
Ang pagsisisi ay hindi lang emosyonal na reaksyon; ito ay isang desisyon ng kalooban — isang turning point. Sa wikang Griyego, ang “repent” ay metanoia, ibig sabihin “pagbabago ng isip.” Hindi lang “naramdaman mo,” kundi “pinili mong magbago.”
Roma 12:2 ASND
[2] Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Dios sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, para malaman ninyo ang kalooban ng Dios – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.
D. AKALA NG IBA, ISANG BESES LANG ITO KAILANGAN.
Ang totoo, ang buhay-Kristiyano ay buhay ng araw-araw na pagsisisi. Patuloy tayong tinatawag ng Diyos na magsisi habang nililinis Niya tayo at hinuhubog ayon sa Kanyang kalooban.
SA MADALING SALITA:
Ang pagsisisi ay hindi lang pagtigil sa paggawa ng masama, kundi pagtalikod sa kasalanan at paglapit sa Diyos na may pusong handang sumunod. At dahil mali ang pagkaunawa rito ng marami, madalas ring hindi nila nararanasan ang tunay na pagbabago.
---
CONCLUSION:
Ang Diyos ay liwanag, at bilang Kanyang mga anak, tayo rin ay dapat mamuhay bilang ilaw sa mundong madilim. Hindi ito madali, ngunit sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, ang liwanag ni Cristo ay maaaring magningning sa ating buhay—upang makita ng mundo ang Kanyang kabanalan, katotohanan, at pag-ibig.
---
APPLICATION:
Tanungin mo ang iyong sarili: May bahagi ba ng buhay mo na nananatili sa dilim? Panahon na upang ito’y ihayag sa liwanag ng Diyos. Simulan mo sa pamamagitan ng paglapit sa Kanya, pagpapahayag ng iyong kasalanan, at pagsunod sa Kanyang kalooban.
---
REFLECTION:
Anong katangian ng Panginoong Jesus ang dapat magliwanag sa buhay ko?
---
PRAYER:
Ama naming nasa Langit, salamat sa Iyong liwanag na nagbigay liwanag sa amin na dating nasa kadiliman. Patawarin Mo kami kung minsan kami’y namumuhay sa kasinungalingan at kasalanan. Linisin Mo po kami at tulungan Mo kaming mamuhay sa Iyong liwanag. Nawa'y makita sa aming mga buhay si Cristo, at sa aming pagsunod ay magningning ang Iyong liwanag sa gitna ng kadiliman ng mundong ito. Gamitin Mo kami bilang patotoo ng Iyong pag-ibig at katotohanan. Sa pangalan ni Jesus, Amen.
---------------------------------------------------------
SCHEDULES OF SERVICES:
Prayer Meeting: Friday - 6pm
Sunday Service: Sunday - 9:30am
To know more about our Ministry, kindly visit and message us on our
page: All for Jesus Family Ministries
Thank you and God bless!🤍😇