Nanay Paz - Reina de Noveleta

Nanay Paz - Reina de Noveleta Devotional Page for Nuestra Seรฑora de la Paz y Buen Viaje

24/05/2026

๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐๐† ๐๐„๐๐“๐„๐Š๐Ž๐’๐“๐„๐’
Mayo 24, 2026

Sa pagdating ng Espiritu Santo sa mga Apostol, isinilang ang Simbahan at nagsimula ang kanilang matapang na pagpapahayag ng Mabuting Balita. Ang Pentekostes ay paalala na ang Espiritu Santo ang nagbibigay-liwanag, lakas, at gabay sa bawat mananampalataya.

Ang Espiritu Santo ang ikatlong Persona ng Banal na Santatlo โ€” Siya ang nagbibigay-buhay at nagpapabanal sa atin upang mamuhay sa pag-ibig at katotohanan ng Diyos.

Nawaโ€™y muling pag-alabin ng Banal na Espiritu ang ating puso upang maging tapat na saksi ni Kristo sa ating buhay araw-araw.

โ€œHalina, Espiritu Santo, punuin Mo ang puso ng Iyong mga mananampalataya at pagningasin sa kanila ang apoy ng Iyong pag-ibig.โ€



23/05/2026

LINGGO NG PENTEKOSTES
Mayo 24, 2026 | 8:00 ng umaga

Live mula sa Parokya ng Santa Cruz de Noveleta



๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ก๐—จ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—˜๐™‰ฬƒ๐—ข๐—ฅ๐—” ๐——๐—˜๐—Ÿ ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—ง๐—œ๐—ฆ๐—œ๐— ๐—ข ๐—ฅ๐—ข๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ข, ๐—ฅ๐—˜๐—œ๐—ก๐—” ๐——๐—˜๐—Ÿ ๐—–๐—”๐—ฅ๐—”๐—–๐—ข๐—ŸPanalanginO mahal naming Ina, ipinaglihing walang ...
17/05/2026

๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ก๐—จ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—˜๐™‰ฬƒ๐—ข๐—ฅ๐—” ๐——๐—˜๐—Ÿ ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—ง๐—œ๐—ฆ๐—œ๐— ๐—ข ๐—ฅ๐—ข๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ข, ๐—ฅ๐—˜๐—œ๐—ก๐—” ๐——๐—˜๐—Ÿ ๐—–๐—”๐—ฅ๐—”๐—–๐—ข๐—Ÿ

Panalangin

O mahal naming Ina, ipinaglihing walang bahid ng kasalanan. Taglay mo ang mga biyayang namumukod tangi sa lahat ng mga babae. Ikaw ang aming mairuging Ina na handang kumupkop at kumandili sa aming nananabik na puso. Sa pamamagitan mo aming Ina, buong puso naming iniaalay sa iyong anak na si Jesus ang buo naming sarili, layunin, adhikain, gawain at mga pangamba sa aming buhay.

(Banggitin ang kahilingan)

Tulungan at dinggin mo kami aming Ina sa aming pagsusumamo at pagdalangin sa Ama upang kami na Kanyang mga anak dito ay maging malinis sa lahat ng aming kasalanan at matulad sa iyong kabanalan at kababaang-loob. Amen.

Mahal na Ina ng Santo Rosaryo,
Ipanalangin mo kami.



16/05/2026

DAKILANG KAPISTAHAN NG PAG-AKYAT SA LANGIT
Mayo 17, 2026 | 8:00 ng umaga

Live mula sa Parokya ng Santa Cruz de Noveleta



๐——๐—”๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ž๐—ฌ๐—”๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—งPanalanginPasayahin mo kami ng mga banal na kagalakan, makapangyarihang Diyos,...
16/05/2026

๐——๐—”๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ž๐—ฌ๐—”๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ง

Panalangin

Pasayahin mo kami ng mga banal na kagalakan, makapangyarihang Diyos, at pagalakin mo kami ng taimtim na pasasalamat, sapagkat ang Pag-akyat ni Kristo na iyong Anak ay aming kadakilaan, at, kung saan nauna ang Ulo sa kaluwalhatian, ang Katawan ay tinatawag upang sumunod nang may pag-asa. Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo, ang iyong Anak, na nabubuhay at naghahari kasama mo sa pagkakaisa ng Espiritu Santo, Diyos magpakailanman. Amen

๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—œ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐——๐—ฅ๐—ข ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—ฅ๐—”๐——๐—ข๐—ฅ๐˜”๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ 15PanalanginO Maluwalhating San Isidro Labrador, kastilang magbubukid, patron ng m...
14/05/2026

๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—œ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐——๐—ฅ๐—ข ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—ฅ๐—”๐——๐—ข๐—ฅ
๐˜”๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ 15

Panalangin

O Maluwalhating San Isidro Labrador, kastilang magbubukid, patron ng mga magsasaka. Kami ay pinaaalalahanan na ang iyong debosyon sa Banal na Misa ay sadyang malakas kung kaya't ikaw ay gumigising bago magliwanag upang dumalo nito bago simulan ang iyong gawain sa bukid. Humingi ka para sa amin ng katumbas na debosyon para sa Banal na Misa. Tulungan mo kaming mapagtanto na sa Banal na Misa, kami ay ay nag-aalay ng sarili sa Diyos kasama ni Kristo sa mga kamay ng Pari. Ipanalangin mo na balang araw kami ay maaaring umani sa langit ng gantimpala sa aming mabubuting gawa. Amen.

Mahal na Patrong San Isidro Labrador, Ipanalangin mo kami sa Diyos!



๐—ฃ๐—”๐—š๐—š๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—จ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—•๐—œ๐—ฅ๐—›๐—˜๐—ก ๐—ก๐—š ๐—™๐—”๐—ง๐—œ๐— ๐—”PanalanginO Maria, matamis na Birhen, Reyna ng Rosaryo, alang-a...
13/05/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐—š๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—จ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—•๐—œ๐—ฅ๐—›๐—˜๐—ก ๐—ก๐—š ๐—™๐—”๐—ง๐—œ๐— ๐—”

Panalangin

O Maria, matamis na Birhen, Reyna ng Rosaryo, alang-alang sa maka-inang pagdalaw mo sa Cova da Iria ng Fatima upang ipahayag ang makatarungang plano at pagmamahal ng Diyos sa lahat ng tao, kami ay lumalapit sa iyo at napaampon sa iyo bilang aming makalangit na Ina. Dala ng mahabang panahon na pakikipag-uganay ng aming parokya sa iyo, at sa iyong walang sawang pagdalangin para sa aming mga kahilingan, na nagpapahayag ng iyong maka-Inang paglingap sa amin ikaw ay nagkaroon ng bahagi sa aming puso. Noong ikaw ay nagpakita sa tatlong batang pastol, iyong ipinahayag ang araw-araw na pagdarasal ng rosary upang matamo ang kapayapaan ng daigdig, gayundin ang pagpapakasakit para sa ikapagbabalik-loob ng mga makasalanan at bilang pagbabayad-puri sa mga kalapastangang ginawa namin laban sa iyong Kalinis-linisang Puso.

Bilang pagtugon sa iyong kahilingan, kami ngayon ay nangangako na iaalay naming sa araw-araw ang mga pagpapakasakit na kaakibat ng aming pagganap sa aming banal na gawain; gayundin ang araw-araw na pagdarasal ng rosaryo kasama ang buong angkan habang pinagninilayan ang mga misteryo nito at laloโ€™t higit ang pagtatalaga ng aming sarili at pamilya sa iyong Kalinis-linisang Puso. Idalangin mo po kami na nawaโ€™y igawad ng Diyos sa amin ang kanyang dakilang habag at patawad sa lahat ng mga nagawa naming pagkakasala na labis na nakasasakit sa Kanyang kalooban. Tulungan mo kami mahabaging Ina na umiwas sa kasalanan na naglalayo sa amin sa Diyos na siyang maylalang sa ating lahat.

Sa iyong kalinis-linisang Puso, Mahal na Ina ng Fatima, kami ay nagtitiwala na matatagpuan naming ang awa at habag ng Diyos at makapamuhay kami sa kapayapaan, pagkakaisa, at pagmamahalan. Patuloy mong ipamalas ang iyong maka-Inang pagkandili sa aming lahat at ituro mo sa amin ang landas na patungo sa iyong Anak na si Jesus na aming Panginoon at Tagapagligtas na siyang pinagmumulan ng tunay na kapayapaan at pagmamahal. Sa iyong kandili pinakamamahal na Ina ng Banal na Rosaryo, huwag mong siphayuin ang aming mga pagsamo bagkus sa iyong habag ay ipagkaloob mo sa amin ang mga biyayang ipinakikiusap sa iyo lalung-lalo na ang mga kahilingang ito :

(banggitin ang mga kahilingan)

Dinggin mo ng buong giliw ang aming mga pagsamo sa iyong Kalinis-linisang Puso, O Mahal na Birhen. Siya Nawa.



13/05/2026
๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐† ๐๐”๐„๐’๐“๐‘๐€ ๐’๐„๐ฬƒ๐Ž๐‘๐€ ๐ƒ๐„ ๐‹๐Ž๐’ ๐ƒ๐„๐’๐€๐Œ๐๐€๐‘๐€๐ƒ๐Ž๐’โ€œ๐‹๐€ ๐†๐Ž๐๐„๐‘๐๐€๐ƒ๐Ž๐‘๐€ ๐ƒ๐„ ๐Œ๐€๐๐ˆ๐‹๐€โ€PanalanginAmpunin mo kami, o aming Ina at ami...
12/05/2026

๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐† ๐๐”๐„๐’๐“๐‘๐€ ๐’๐„๐ฬƒ๐Ž๐‘๐€ ๐ƒ๐„ ๐‹๐Ž๐’ ๐ƒ๐„๐’๐€๐Œ๐๐€๐‘๐€๐ƒ๐Ž๐’
โ€œ๐‹๐€ ๐†๐Ž๐๐„๐‘๐๐€๐ƒ๐Ž๐‘๐€ ๐ƒ๐„ ๐Œ๐€๐๐ˆ๐‹๐€โ€

Panalangin

Ampunin mo kami, o aming Ina at aming Patrona.
Ampunin mo ang aming pamilya,
ang aming pamayanan, sambayanan at ang sanlibutan.
Iadya mo kami sa mga digmaan at sigalot.
Pag-ugnayin mo ang mga pusong nagkakawalay
sapagkat kami ay iyong mga anak
na malapit sa iyong pagpapala.

Idulot mo sa mga nangangailangan
ang iyong pagbabasbas,
awa at bukal na pagmamahal.
Bigyan mo ang lahat ng makakain,
matutuluyan at tahanang punong-puno ng pagmamahal.
Dulutan ng lakas ang mga maysakit,
kapanatagan ang mga nagdurusa,
kaligayahan sa mga nangangailangan.
Iwaksi ang kasamaan
sa isip at kahinaan sa puso.
Tulungan magbago ang mga makasalanan
at akayin sa kabutihan ang mga naliligaw.

Hayaan kaming mabuhay na inaawit
ang mga papuri sa iyong ngalan.
Nais naming mamasdan ka sa kalangitan
ng iyong Anak na naghahari
sa sinapupunan ng kanyang Ama
at banal na Espiritu,
aming Panginoon magpakailanman.
Amen!

Mahal na Ina ng Walang Mag-Ampon,
Ipanalangin niyo kami!

๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—œ๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—š-๐—”๐— ๐—ฃ๐—ข๐—ก๐—•๐—ถ๐—ฟ๐—ต๐—ฒ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎPanalanginAve Maria, ikaw ang mapagmahal na Inang kumaka...
10/05/2026

๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—œ๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—š-๐—”๐— ๐—ฃ๐—ข๐—ก
๐—•๐—ถ๐—ฟ๐—ต๐—ฒ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎ

Panalangin

Ave Maria, ikaw ang mapagmahal na Inang kumakalinga sa aming lahat. Ikaw na mahabaging INA na kumukupkop sa mga Walang masilungan. Kami ay lumalapit sa iyo, bukod na pinagpalang Ina ng aming Panginoon.

Ikaw ang aming REYNA; pamunuan mo kami sa paglaban sa kasamaan. Ikaw ang aming G**O; papaglinawin mo ang aming isip sa panahong kapos kami sa pang-unawa. Ikaw ang aming ILAW; tanglawan mo kami nang 'di kami maligaw sa dilim.

Ikaw ang aming LUNAS; hilumin mo ang sakit ng aming mga kaluluwa at katawan.
Aming Ina, ipagtanggol mo kami sa aming pagkaapi. Aliwin mo kami sa aming pagkaalipin sa aming mga kahinaan. Inang mapagkawanggawa, ilahad mo ang iyong mga kamay sa mga kapus-palad na nangangailangan ng iyong tulong. Ina ng sangkatauhan, ipanalangin mo kami at akayin sa landas patungo kay Hesukristong Panginoon namin.

Amen.

Kami'y iyong ipanalangin, mahabaging Ina ng mga Walang Mag-ampon.

Address

Noveleta

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nanay Paz - Reina de Noveleta posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share