San Antonio De Padua - Noveleta

San Antonio De Padua - Noveleta Official page of San Antonio de Padua – Noveleta

𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗗𝗔𝗟𝗘𝗡𝗔 | 𝗢𝗣𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗟𝗩𝗢 𝟮𝟬𝟮𝟲 ✨Maraming salamat sa pagdaan at pagdalaw sa aming barangay, Mahal na Patrona, San...
27/06/2026

𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗗𝗔𝗟𝗘𝗡𝗔 | 𝗢𝗣𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗟𝗩𝗢 𝟮𝟬𝟮𝟲 ✨

Maraming salamat sa pagdaan at pagdalaw sa aming barangay, Mahal na Patrona, Santa Maria Magdalena.

Isang malaking biyaya at karangalan para sa aming pamayanan ang inyong pagbisita. Nawa’y patuloy ninyo kaming gabayan at ipanalangin.


𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗗𝗔𝗟𝗘𝗡𝗔 | 𝗢𝗣𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗟𝗩𝗢 𝟮𝟬𝟮𝟲 ✨Nakaabang na si San Antonio de Padua, kasama ang San Antonio Pastoral Council, s...
27/06/2026

𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗗𝗔𝗟𝗘𝗡𝗔 | 𝗢𝗣𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗟𝗩𝗢 𝟮𝟬𝟮𝟲 ✨

Nakaabang na si San Antonio de Padua, kasama ang San Antonio Pastoral Council, sa pagsalubong sa Orihinal at Matandang Imahen ng Mahal na Patrona, Santa Maria Magdalena.


𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗗𝗔𝗟𝗘𝗡𝗔 | 𝗢𝗣𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗟𝗩𝗢 𝟮𝟬𝟮𝟲 ✨Inaanyayahan po ang lahat ng ating mga kabarangay at mananampalataya na makiisa ...
26/06/2026

𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗗𝗔𝗟𝗘𝗡𝗔 | 𝗢𝗣𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗟𝗩𝗢 𝟮𝟬𝟮𝟲 ✨

Inaanyayahan po ang lahat ng ating mga kabarangay at mananampalataya na makiisa sa pagsalubong sa Orihinal at Matandang Imahen ng Mahal na Patrona, Santa Maria Magdalena, sa Kanyang pagdaan at pagdalaw sa Kapilya ni San Antonio de Padua bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pistang Magdalena 2026.

📅 Hunyo 27, 2026 (Sabado)
🕑 2:30 PM (inaasahang pagdating)

Magkakaroon ng maikling paghinto at panalangin sa ating kapilya bago ipagpatuloy ng motorcade ang paglalakbay nito.

Nawa’y ang Kanyang pagdalaw ay maghatid ng biyaya, kapayapaan, at pagpapala sa bawat isa.

18/06/2026

KARAKOL 2026 🌾

No copyright infringement intended. Audio belongs to its rightful owner.

𝐏𝐀𝐒𝐀𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓 🌾Mula po sa Pamunuan ng Pastoral Council ni San Antonio de Padua, kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa l...
14/06/2026

𝐏𝐀𝐒𝐀𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓 🌾

Mula po sa Pamunuan ng Pastoral Council ni San Antonio de Padua, kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging matagumpay at makabuluhan ang pagdiriwang ng Kapistahan ng ating mahal na Patron, si San Antonio de Padua.

Maraming salamat po sa lahat ng nakibahagi sa Novena Mayor, sa ating mga sponsor at mga nagkaloob ng pagkain para sa banda, sa mga tumulong sa paggagayak ng andas at karosa, sa mga naghanda at nag-asikaso ng karakol at prusisyon, gayundin sa lahat ng mga volunteer, deboto, at mananampalatayang naglaan ng kanilang oras, pagod, talento, at suporta para sa ating kapistahan.

Sa pamamagitan ng ating pagkakaisa, bayanihan, at pananampalataya, naging maayos, ligtas, at matagumpay ang pagdiriwang ng kapistahan ngayong taon. Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagtutulungan ng buong komunidad at ng biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng ating Patron na si San Antonio de Padua.

Muli, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong lahat. Nawa’y patuloy tayong pagpalain ng Poong Maykapal at gabayan ni San Antonio de Padua sa ating pang-araw-araw na buhay.

Viva San Antonio de Padua! ❤️🙏


𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐧𝐭𝐨𝐧𝐢𝐨 𝐃𝐞 𝐏𝐚𝐝𝐮𝐚 🌾Mga kuhang larawan mula sa isinagawang Banal na Misa at Prusisyon ...
14/06/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐧𝐭𝐨𝐧𝐢𝐨 𝐃𝐞 𝐏𝐚𝐝𝐮𝐚 🌾

Mga kuhang larawan mula sa isinagawang Banal na Misa at Prusisyon bilang pagdiriwang ng Kapistahan ni San Antonio de Padua.

Viva San Antonio de Padua!


Maraming salamat sainyo, Coro Della Croce 🤎💛
13/06/2026

Maraming salamat sainyo, Coro Della Croce 🤎💛

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | 𝐀𝐧𝐠 𝐀𝐥𝐭𝐚𝐫 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐧𝐭𝐨𝐧𝐢𝐨 𝐝𝐞 𝐏𝐚𝐝𝐮𝐚 🌾Nakahanda at nakayagak na ang altar ni San Antonio de Padua bilang paghahan...
13/06/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | 𝐀𝐧𝐠 𝐀𝐥𝐭𝐚𝐫 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐧𝐭𝐨𝐧𝐢𝐨 𝐝𝐞 𝐏𝐚𝐝𝐮𝐚 🌾

Nakahanda at nakayagak na ang altar ni San Antonio de Padua bilang paghahanda sa pagdiriwang ng kanyang kapistahan ngayong araw.

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa mga sumusunod na gawain:

4:00 PM – Banal na Misa
5:00 PM – Prusisyon

Viva San Antonio de Padua! 🙏


13/06/2026
TINGNAN | Mga kuhang larawan mula sa ginanap na Karakol bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ni San Antonio de Pad...
13/06/2026

TINGNAN | Mga kuhang larawan mula sa ginanap na Karakol bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ni San Antonio de Padua.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nakibahagi sa masayang pag-iindak at pagpapakita ng pananampalataya bilang pagpupugay sa ating mahal na patron.

Viva San Antonio de Padua! 🎉


Address

� San Antonio Noveleta Cavite
Noveleta
4105

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Antonio De Padua - Noveleta posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share