16/06/2026
Isang Taos pusong pasasalamat po Rdo. P. Jerome Robles sa inyong panandaliang paglilingkod sa aming Bisita. Bagamat maikli ang panahong inilagi ninyo sa amin, ang inyong mga homilya at presensya ay nag-iwan ng malalim na inspirasyon sa aming puso. Dalangin po namin ang patuloy na pagpapala ng Diyos at Gabay ng Espiritu Santo
Ang inyong mga salita ay nagsilbing lakas at paalala sa amin na patuloy na lumakad sa pananampalataya. Hinding-hindi po namin kayo kalilimutan sa aming mga panalangin. Pagpalain po kayo ng Poong Maykapal