Partida UMC

Partida UMC Partida UMC official page
📍 A local Church of United Methodist Church in Partida, Norzagaray, Bulacan

🌞 Join us! Vacation Church School 2026 is here!📣 Calling all kids ages 3–13!Come and be part of a fun-filled, faith-buil...
04/05/2026

🌞 Join us! Vacation Church School 2026 is here!
📣 Calling all kids ages 3–13!

Come and be part of a fun-filled, faith-building experience this summer at Partida United Methodist Church! ⛪️

📝 Theme: We Are God’s Family
📅 Date: May 11–16, 2026
⏰ Time: 8AM – 11AM
📍 Diliman, Partida, Norzagaray Bulacan
🎉 FREE Registration!

📖 “Let the little children come to me… for the kingdom of heaven belongs to such as these.”
— Matthew 19:14

Let your children grow in God’s love, build friendships, and enjoy exciting lessons, games, and activities! 💕

📩 Message us now to register or for more details!
👉 Invite your friends and family, see you there!

📖 Isaias 5:2Inalagaan ng Diyos ang Kanyang ubasan...inaasahan Niya itong mamunga,pero ligaw na ubas ang lumabas.Minsan, ...
26/04/2026

📖 Isaias 5:2
Inalagaan ng Diyos ang Kanyang ubasan...
inaasahan Niya itong mamunga,
pero ligaw na ubas ang lumabas.

Minsan, ganito rin tayo.
Binigyan tayo ng Diyos ng buhay,
pero nakakalimutan natin Siya.

Bawat hininga natin, galing sa Kanya.
Pinoprotektahan Niya tayo kahit hindi natin napapansin.
Pinagagaling Niya tayo.
Hindi dahil sa sarili nating lakas...
kundi dahil sa Kanyang biyaya.

Pero may mga panahon na mas inuuna natin ang ibang bagay kaysa sa Diyos.

Ang punong hiwalay sa ugat, natutuyo.
Ganyan din tayo kapag lumalayo tayo sa Kanya.

Ang totoo, may karapatan ang Diyos sa buhay natin.
Hindi lang ang oras natin, kundi pati talento at lakas... lahat ay sa Kanya.

Tinatawag Niya tayong bumalik.
Hindi bukas. Hindi “kapag ready na.”
Ngayon.

Sa gitna ng problema, huwag tayong mainip.
Magtiwala tayo sa Kanya.
Hinuhubog Niya tayo para mamunga...
para magbago, at mamuhay ayon sa Kalooban Niya.

Ang Diyos ay makatarungan.
At ang Kanyang tawag ay malinaw:
Bumalik ka. Mamunga ka. Magtiwala ka.

🤍 Huwag na nating ipagpaliban ang Diyos.

21/04/2026

Paghahandog ng Awit

Credits:
🎶 Can’t Take That Away
By Mariah Carey

Unang Bunga: Pagtitiwala sa DiyosSa Bible, inaalay ng mga tao ang kanilang unang bunga sa Diyos...hindi dahil may sobra ...
21/04/2026

Unang Bunga: Pagtitiwala sa Diyos

Sa Bible, inaalay ng mga tao ang kanilang unang bunga sa Diyos...
hindi dahil may sobra sila,
kundi dahil nagtitiwala sila sa Kanya.
📖 Nehemias 10:35–36

Ang first fruit ay hindi tungkol sa value o percentage.
Ito ay tungkol sa halaga nito sa puso mo.
Ito ang una at pinaka-the best.

Halimbawa:
• Pagkagising mo, Diyos agad — panalangin at Salita Niya
• Unang araw ng linggo — inilalaan natin sa Kanya

Ang tithes ay 10% pagkatapos ng ani.
At ang first fruit, ibinibigay bago pa dumating ang ani.
Ibig sabihin nito ay “Lord, nagtitiwala ako sa’Yo, hindi sa sarili kong kakayanan.”

📖 Exodo 23:19 — ibigay ang pinakamainam na unang bunga

Kapag inuna natin ang Diyos,
parang ibinibigay natin sa Kanya ang isang bahagi at Siya na ang bahala sa kabuuan.

Tulad ni Abraham, walang pagdadalawang isip na
ibibigay niya si Isaac, ang kanyang una at pinaka-mahal na anak.

At dahil doon, pinagpala siya ng Diyos ng higit pa.

📝 Reminder today:
Ano ang kaya mong ibigay kay Lord na “una” at “pinakamabuti”?

Hindi ito tungkol sa laki kundi ito ay tungkol sa puso at tiwala.

God is faithful.
At kapag Siya ang inuna natin,
Siya na ang bahala sa lahat. ❤️

Speaker: Brother Jun Marcial

16/04/2026

🎶 Kailangan Kita Panginoon
by Partida UMYF

📝 Lyrics originally written by Gerry San Antonio

⛪️ Midweek Service 🕐 Wednesday, 4PM
16/04/2026

⛪️ Midweek Service
🕐 Wednesday, 4PM

God’s Grace is Enough“You are a forgiving God, gracious and compassionate, slow to anger and abounding in love…”📖 Nehemi...
14/04/2026

God’s Grace is Enough
“You are a forgiving God, gracious and compassionate, slow to anger and abounding in love…”
📖 Nehemias 9:17

Grace means undeserved favor.
Hindi dahil mabuti tayo kaya tayo minamahal ng Diyos...
kundi nagiging mabuti tayo dahil minamahal Niya tayo.

Araw-araw, binibigyan Niya tayo ng panibagong pagkakataon.

Hindi lang Niya ibinibigay ang gusto natin...
ibinibigay Niya ang kailangan natin.

Sa panahon ngayon, ramdam natin ang hirap...
mataas ang bilihin, maraming uncertainty.

Pero sa kabila ng lahat, nakakaraos tayo.
Buhay tayo. May pagkain. May lakas.
Dahil sa provision ng Diyos.

Maaaring may mga taong umalis sa buhay natin,
pero ang Diyos—hinding hindi tayo iiwan.

At tulad ng pagpapatawad Niya sa atin,
tinatawag din Niya tayong magpatawad.

God is good all the time. 🤍
At sapat ang Kanyang biyaya sa bawat araw. 🙏

⛪️ Midweek Service🕐 Wednesday 4PM
11/04/2026

⛪️ Midweek Service
🕐 Wednesday 4PM

Siya ay Buhay!“Huwag kayong matakot… Wala na siya rito sapagkat siya’y muling nabuhay.”📖 Mateo 28:5–6Sa gitna ng takot a...
10/04/2026

Siya ay Buhay!
“Huwag kayong matakot… Wala na siya rito sapagkat siya’y muling nabuhay.”
📖 Mateo 28:5–6

Sa gitna ng takot at lungkot,
dumating ang magandang balita...
buhay si Jesus.

Hindi natapos ang kwento sa krus.
May kasunod itong pag-asa, tagumpay, at bagong buhay.

Kung may pinagdadaanan ka ngayon,
tandaan mo ito:

Ang Diyos na muling nabuhay si Jesus
ay kaya ring magbigay ng bagong simula sa’yo.

📝 Reminder today:
Huwag matakot.
Buhay ang ating Diyos at kasama mo Siya. 🤍

Address

Diliman, Partida
Norzagaray
3013

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Partida UMC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share