17/08/2026
[SHARE]
LIVE NOW: Nasa harap na ng Kanyang Dambana ang Mahal na Birhen ng Bayang San Mateo, Nuestra Señora de Aranzazu. Ating isama sa ating panalangin na tayong lahat ay bigyan ng proteksyon sa malakas na Habagat.
Tayo’y Manalangin;
Amang Makapangyarihan,
Itinataas namin sa lyo ang aming mga pusong nagpapasalamat sa kagandahan ng lyong nilikha kung saan kami ay bahagi, sa pagkalinga Mong nagtataguyod sa aming mga pangangailangan at sa karunungan mong gumagabay sa takbo ng daigdig.
Kinikilala namin ang aming pagkakasala sa lyo at sa sangnilikha. Hindi kami naging mabuting katiwala ng kalikasan. Pinagkamali namin ang lyong utos na pangasiwaan ang daigdig.
Ang kapaligiran ay nagdurusa sa aming kamalian at ngayon ay aming inaani ang aming pagmamalabis at kawalang pakialam.
Ang mga lindol, bagyo, pagbaha, tagtuyot, pagputok ng bulkan at iba pang kalamidad ay patuloy na tumitindi sa pananalanta.
Lumalapit kami sa lyo, mapagmahal na Ama, at humihingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan.
Hinihiling namin na kami, kasama ang aming mga mahal sa buhay at pinagpagurang ari-arian ay ipag-adya sa banta ng mga kalamidad, likas man o kagagawan ng tao.
Iniluluhog namin na kami'y gawing mapanagutang katiwala ng lyong nilikha at maging bukas-palad na kapwa sa mga nangangailangan.
Idinadalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Nuestra Señora de Aranzazu, patrona laban sa Kalamidad,
Ipanalangin mo kami. Amen.
📸: de Nuestra Señora de Aránzazu