14/08/2026
๐๐ธ๐ฟ๐ฎ๐ท๐ช๐ป๐ฒ๐ธ ๐น๐ช๐ป๐ช ๐ด๐ช๐ ๐ข๐ช๐ท ๐ฃ๐ช๐ป๐ฌ๐ฒ๐ผ๐ฒ๐ธ
ikasiyam na Araw
๐จ๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ฒ๐๐ ๐บ๐๐ ๐ฑ๐๐๐ 15: 1-4
โAko ang tunay na puno ng ubas, at ang Aking ama ang Tagapangalaga. Pinuputol Niya ang bawat sangang hindi namumunga at kanya namang pinuputulan at nililinis ang bawat sangang namumunga upang dumami ang bunga. Nalinis na kayo sa pamamagitan ng salitang sinabi Ko sa inyo. Manatili kayo sa Akin at mananatili Ako sa inyo. Hindi makapamumunga ang sangang hindi nakakabit sa puno. Gayundin naman, hindi kayo makapamumunga kung hindi kayo mananatili sa Akin.โ
๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Si San Tarcisio ay isang magandang halimbawa ng namumungang sanga ng ating Panginoong Jesus. Lagi siyang nakakapit sa ating Panginoon. Sa pagtulad natin sa mga magandang halimbawa si San Tarcisio, makita nawa sa atin ang tunay na kaanyuan ni Kristo upang tayo ay hindi kailanman mahiwalay sa Kanya. Sa pamamagitan nito, tayo rin ay makakapamunga nang sagana bunsod ng inspirasyon ng ating magiting na batang santo.
๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Aming San Tarcisio, huwaran at magiting na bayani ni Kristo, mabuting halimbawa ng mga kabataan, ikaw ay kaparis ng sanga na puno ng bunga. Ipanalangin mo kaming lagi upang makapamunga kami ng mabubuting gawa sa ikalulugod ng aming kapwa at higit sa lahat ng Diyos. Lagi mong isubaybay sa amin ang iyong makapangyarihang panalangin upang huwag kaming malapitan ng masama at kumapit kami kay Jesus at makapaglingkod kami sa Kanya para sa kadakilaan ng Ama. Amen.