FVR Chapel - Ina ng Laging Saklolo

FVR Chapel - Ina ng Laging Saklolo Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from FVR Chapel - Ina ng Laging Saklolo, Religious organisation, Norzagaray.

Noong araw ng Lunes, narito ang ilan sa mga larawang kuha habang patuloy na nakikiisa ang ating mga bata sa ating SIMBA-...
19/05/2026

Noong araw ng Lunes, narito ang ilan sa mga larawang kuha habang patuloy na nakikiisa ang ating mga bata sa ating SIMBA-ARALAN. Nawa’y matapos nila ito na may dagdag na kaalaman,mabubuting aral, at masasayang alaala. Sila Po ay nasa ikatlong linggo na Po.

Sa lahat po ng patuloy na nagbibigay ng kanilang tulong at suporta, maraming maraming salamat po. Dahil po sa inyo ay may napagsasaluhan at naipaparamdam na pagmamahal ang ating mga bata. Ang ating Poong Maykapal na po ang bahalang magbalik ng inyong kabutihan at pagpapala

Noong nakaraang araw, Mayo 13, araw ng Miyerkules, ay nagkaroon ng masayang sorpresa sa ating chapel dahil sa biglaang p...
18/05/2026

Noong nakaraang araw, Mayo 13, araw ng Miyerkules, ay nagkaroon ng masayang sorpresa sa ating chapel dahil sa biglaang pagbisita ng ating Kura Paroko upang kumustahin at makasama ang ating mga bata sa ating SIMBA-ARALAN. Lubos na ikinatuwa ng mga kabataan ang kanilang pagdating, at naging mas makahulugan ang araw dahil sa kaniyang suporta, pagbabahagi ng oras, at pagmamahal sa mga bata. Tunay na ang ganitong simpleng pagdalaw ay nagbibigay inspirasyon at nagpapalakas ng pananampalataya at pagkakaisa sa ating munting komunidad.

Maraming salamat po sa mga taong hinahaplos ni Jesus upang makabahagi ng kanilang suporta para magkaruon ng konting pagsasalo ang mga bata. Pagpalain pa po kayo.

Simba-Aralan | Mayo 05, 2026Tunghayan ang pangalawang araw ng Simba-aralan sa ating Chapel - SPPC Ina ng Laging Saklolo....
05/05/2026

Simba-Aralan | Mayo 05, 2026

Tunghayan ang pangalawang araw ng Simba-aralan sa ating Chapel - SPPC Ina ng Laging Saklolo. Ang Simba-Aralan ay isang programa upang mahubog ang mga kabataan, mapalapit sa Poong Maykapal, mapalawak ang kanilang kaalaman at mas lumalim ang kanilang espirituwalidad.

Maraming salamat po sa mga magulang sa pagsuporta sa kanilang mga anak na palapitin at magkaruon ng kaalanan sa ating maykapal.

Maraming salamat din Po sa mga
Sponsor para magkaruon ng meryenda Ang ating mga Mag-aaral.

04/05/2026

Simba-Aralan | Mayo 04, 2026

Tunghayan ang unang araw ng Simba-aralan sa ating Chapel - SPPC Ina ng Laging Saklolo. Ang Simba-Aralan ay isang programa upang mahubog ang mga kabataan, mapalapit sa Poong Maykapal, mapalawak ang kanilang kaalaman at mas lumalim ang kanilang espirituwalidad.

Maraming salamat po sa mga magulang sa pagsuporta sa kanilang mga anak na palapitin at magkaruon ng kaalanan sa ating maykapal.

Maraming salamat din Po sa mga
Sponsor para magkaruon ng meryenda Ang ating mga Mag-aaral.

Simba-Aralan | Mayo 04, 2026Tunghayan ang unang araw ng Simba-aralan sa ating Chapel - SPPC Ina ng Laging Saklolo. Ang S...
04/05/2026

Simba-Aralan | Mayo 04, 2026

Tunghayan ang unang araw ng Simba-aralan sa ating Chapel - SPPC Ina ng Laging Saklolo. Ang Simba-Aralan ay isang programa upang mahubog ang mga kabataan, mapalapit sa Poong Maykapal, mapalawak ang kanilang kaalaman at mas lumalim ang kanilang espirituwalidad.

Maraming salamat po sa patuloy na pakikiisa sa ating programa. Ang registration ay nananatiling bukas, makipag-ugnayan lamang po sa ating SPPC.

05/02/2026Pangalawang  araw ng pagrorosaryo  sa Mahal na Birhen. Sa pangunguna ng mga kabataan ng Ina ng Laging Saklolo,...
02/05/2026

05/02/2026

Pangalawang araw ng pagrorosaryo sa Mahal na Birhen. Sa pangunguna ng mga kabataan ng Ina ng Laging Saklolo, sama-sama nating simulan ang banal na pagrorosaryo bilang tanda ng pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamahal sa Diyos.

Halinat makiisa sa Isang buwang pagrorosaryo sa ating Mahal na Birhen.

Narito ang ilang kuha ng kabataan habang sila ay taimtim na nagrorosaryo.

Maraming salamat sa mga Kabataang nakiisa at sa mga makikiisa bukas Po Ang ating bisita sa mga nais.

05/01/2026Unang araw ng buwan ng Mayo—simula ng ating pag-aalay ng debosyon sa Mahal na Birhen. Sa pangunguna ng mga kab...
01/05/2026

05/01/2026

Unang araw ng buwan ng Mayo—simula ng ating pag-aalay ng debosyon sa Mahal na Birhen. Sa pangunguna ng mga kabataan ng Ina ng Laging Saklolo, sama-sama nating sinimulan ang banal na pagrorosaryo bilang tanda ng pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamahal sa Diyos.

Halinat makiisa sa Isang buwang pagrorosaryo sa ating Mahal na Birhen.

Narito ang ilang kuha ng kabataan habang sila ay taimtim na nagrorosaryo.

Maraming salamat sa mga Kabataang nakiisa.

Tara na, mga bata!Matuto, magdasal, at magsaya ngayong tag-init sa SIMBA-ARALAN.Isang makabuluhang Summer Catechetical P...
26/04/2026

Tara na, mga bata!

Matuto, magdasal, at magsaya ngayong tag-init sa SIMBA-ARALAN.

Isang makabuluhang Summer Catechetical Program na maghuhubog sa murang puso’t isipan sa liwanag ng Salita ng Diyos.

Para sa mga batang:
• 7–9 years old (Pre-Communicants)
• 10–12 years old (Post-Communicants)

Buong buwan ng Mayo (Monday–Friday)
3:00 PM – 5:00 PM

Available sa:
• Christ The King Parish
• SPPC Tigbe Gulod
• SPPC Tigbe Proper
• SPPC C/D
• SPPC NHV
• SPPC FVR

Sama-sama nating palalimin ang pananampalataya habang nag-eenjoy kasama ang bagong kaibigan.

Sa mga interesado, maaring magpatala sa ating parish office o sa ating mga SIMBA ARALAN Coordinators

ENROLL NOW!

Visita Iglesia 2026🩵Muli ay isinagawa ng Kabataan ng FVR chapel ang taunang pag bisita sa pitong simbahan sa tuwing sasa...
04/04/2026

Visita Iglesia 2026🩵

Muli ay isinagawa ng Kabataan ng FVR chapel ang taunang pag bisita sa pitong simbahan sa tuwing sasapit ang Mahal na Araw.🙏
💙 Patunay na ang kabataan ay hindi lang sa saya, kundi higit sa lahat sa pananampalataya. Sama-samang naglalakbay, naglilingkod, at patuloy na lumalapit sa Diyos. 🙏✨


Narito ang Pitong Simbahang aming binisita.

Unang simbahan
St. John of God Parish
(San rafael bulacan)

Pangalawang simbahan
Diocesan shrine and Parish of the Sagrado Corazon de Jesus
(San Rafael Bulacan)

Pangatlong Simbahan
Mahal na señior Sto.Cristo Parish
(San Rafael Bulacan)

Pang-apat na Simbahan
Diocesan Shrine and Parish of San Miguel Arcagel
(Poblacion,San Miguel, Bulacan)

Panglimang Simbahan
Our Lady of Remedies Parish
(San Miguel Bulacan)

Pang anim na Simbahan
Sacred Heart of Jesus Parish
(San Miguel Bulacan)

Pang-Pitong Simbahan
Miñor Basilica & National Shrine of La Virgen Divina Pastora
(Gapan City, nueva Ecija)
Sama-samang naglakbay, nagdasal💙🙏

Taos-pusong pagbati sa ating mga kabataang lingkod ng simbahan na nagkamit ng may Mataas na Karangalan at May Karangalan...
01/04/2026

Taos-pusong pagbati sa ating mga kabataang lingkod ng simbahan na nagkamit ng may Mataas na Karangalan at May Karangalan!
Kayo ay tunay na inspirasyon—patunay na kayang pagsabayin ang pag-aaral at ang tapat na paglilingkod sa Diyos.
Nawa’y magpatuloy kayong maging ilaw at gabay sa kapwa kabataan. Ipinagmamalaki namin kayo! 💖🙏

𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃Bilang paghahanda sa nalalapit na Miyerkules ng Abo sa darating na ika-18 ng Pebrero, inaanyayahan ang...
07/02/2026

𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃

Bilang paghahanda sa nalalapit na Miyerkules ng Abo sa darating na ika-18 ng Pebrero, inaanyayahan ang bawat mananampalataya na dalhin ang mga lumang palaspas sa ating Parokya. Ang mga ito ay susunugin at gagamitin sa pagpapahid ng abo bilang tanda ng pagsisisi at pagbabalik-loob.

Maaaring dalhin ang mga lumang palaspas sa Parish Office sa mga darating na mga araw bago ang ika-17 ng Pebrero, ang araw na isasagawa ang Rito ng Sunog Sala.

Inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya na maki-isa sa banal na paghahanda para sa pagpapakasakit at muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesu-Kristo, na may pusong nagsisisi at nagpapatawad.

Maraming Salamat po!

Address

Norzagaray

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when FVR Chapel - Ina ng Laging Saklolo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share