23/08/2026
PARISH ADVISORY: Ang marikit na larawan ng ating Segunda Patrona ang Nuestra Señora de las Mesas ay pansamantala na munang mawawala ng dalawang (2) linggo sa ating Parokya.
Ang nasabing imahen ay isasaayos (restoration) at muling ipanunumbalik sa kanyang marilag na estado.
Sa pahintulot at basbas ng ating Kura-Paroko, Rev. Fr. Elpidio A. Erlano, Jr. Nagpapasalamat po kami sa inyong pang-unawa at pakikiisa.
Patuloy tayong manalangin sa matagumpay na pagsasaayos ng ating Segunda Patrona.
Viva la Virgen!