The Diocesan Shrine and Parish of San Jose de Navotas

The Diocesan Shrine and Parish of San Jose de Navotas This is the official page of the Diocesan Shrine and Parish of San Jose de Navotas

Sa huling araw ng ating nobenaryo, tinatapos natin ang paglalakbay na hinubog ng panalangin at pananampalataya. Si San J...
01/05/2026

Sa huling araw ng ating nobenaryo, tinatapos natin ang paglalakbay na hinubog ng panalangin at pananampalataya. Si San Jose—tahimik na lingkod at mapagkalingang ama—ay nananatiling paalala na ang tunay na kabanalan ay natatagpuan sa tapat na pagsunod at buong pusong pag-aalay ng sarili sa Diyos.

Ngayong ikasiyam na araw ng Nobenaryo alay sa Dakilang Kapistahan ni San Jose de Navotas, ang banal na misa ay pangungunahan ni Msgr. Rolando Dela Crus mula sa Manila Cathedral, bukas, May 2, 6:00 PM.

Mga Ka-Parokya, sama-sama nating ipagbunyi ang kapistahan, dala ang pasasalamat sa lahat ng biyayang tinanggap, at ang panibagong lakas upang magpatuloy sa landas ng pag-ibig at paglilingkod.

Viva San Jose, Viva!

01/05/2026

IKAWALONG ARAW NG MISA NOBENARYO SA DAKILANG KAPISTAHAN NI SAN JOSE DE NAVOTAS | May 1, 2026 | 6:00 PM

Tagapamuno: Rbd. Pdr. Allan Lopez, OP

Follow us on:
Twitter: twitter.com/IteAdIosef
Instagram: instagram.com/iteadiosef
Youtube: youtube.com/channel/UCg0N82XLrFK-JLQ7O03yCvw

Facebook: The Diocesan Shrine and Parish of San Jose de Navotas

IKAWALONG ARAW NG MISA NOBENARYO | MAY 1, 2026 | 6:00 PMPhotographers: Clarence Lapuz
01/05/2026

IKAWALONG ARAW NG MISA NOBENARYO | MAY 1, 2026 | 6:00 PM

Photographers: Clarence Lapuz



01/05/2026

IKAWALONG ARAW NG MISA NOBENARYO SA DAKILANG KAPISTAHAN NI SAN JOSE DE NAVOTAS | May 1, 2026 | 6:00 PM

Tagapamuno: Rbd. Pdr. Allan Lopez, OP

Follow us on:
Twitter: twitter.com/IteAdIosef
Instagram: instagram.com/iteadiosef
Youtube: youtube.com/channel/UCg0N82XLrFK-JLQ7O03yCvw

Facebook: The Diocesan Shrine and Parish of San Jose de Navotas

BINGO-SAYA | APRIL 30, 2026 | 7PMPhotographer: Mary Grace Perez
01/05/2026

BINGO-SAYA | APRIL 30, 2026 | 7PM

Photographer: Mary Grace Perez



MALIGAYANG ANIBERSARYO BILANG DAMBANANgayong araw ay ating ipinagdiriwang ang ikalimang anibersaryo ng pagtatalaga ng Pa...
01/05/2026

MALIGAYANG ANIBERSARYO BILANG DAMBANA

Ngayong araw ay ating ipinagdiriwang ang ikalimang anibersaryo ng pagtatalaga ng Pandiyosesanong Dambana at Parokya ng San Jose de Navotas.

Limang taong biyaya, pagmamahal, at pagbubuklod ng mga pusong tapat na naglilingkod. Ito'y hindi lamang isang simbahan, kundi isang tahanan ng ating pamnanampalataya.

Patuloy nawa nating palalimin ang ating pananampalataya at palakasin ang paglilingkod upang tayo'y manatiling nagbubuklod bilang isang sambayanang navoteño.

Viva San Jose de Navotas, Viva!



O MALUWALHATING SAN JOSE, HINIRANG KAYO NG DIYOS NA MAGING AMA SA TURING NI HESUS, KALINIS-LINISANG KABIYAK NI MARIA, AN...
01/05/2026

O MALUWALHATING SAN JOSE, HINIRANG KAYO NG DIYOS NA MAGING AMA SA TURING NI HESUS, KALINIS-LINISANG KABIYAK NI MARIA, ANG WALANG HANGGANG BIRHEN PUNO NG BANAL NA MAG-ANAK. PINILI PO KAYO NG KAHALILI NI KRISTO SA LUPA NA MAGING MAKALANGIT NA TAGAPAGTANGKILIK
AT TAGAPAGTANGGOL NG SIMBAHANG ITINATAG NI KRISTO.
KUPKUPIN PO NINYO ANG STO. PAPA, ANG AMA NG SAMBAYANAN NI KRISTO SA LUPA, ANG LAHAT NG MGA OBISPO'T PARI NA KAISA NIYA.
KALINGAIN PO NINYO ANG LAHAT NANAGSISIKAP PARA SA MGA KALULUWA SA GITNA NG MGA PAGSUBOK AT KAHIRAPANNG BUHAY NA ITO. HILINGIN PO NINYO NA ANG LAHAT NG TAO SA DAIGDIG NA ITO AY MAKASUNOD KAY KRISTO AT SA SIMBAHANG ITINAYO NIYA.

MAHAL NA PATRONG SAN JOSE, TANGGAPIN PO NINYO ANG AMING MGA ALAY SA INYO. KAYO PO NAWA'Y MAGING AMA PARA SA AMIN, TAGAPAGTANGGOL AT GABAY SA LANDAS NG KALIGTASAN. IPAGKAMIT PO NINYO PARA SA AMIN ANG KALINISAN NG PUSO AT PAGMAMAHAL SA BUHAY ESPIRITWAL KAPARIS NG INYONG HALIMBAWA, UPANG ANG LAHAT NG AMING MGA GAWA AY MATUNGO LAGI SA IKARARANGAL NG DIYOS, KAISA NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS, NG KALINIS-LINISANG PUSO NI MARIA, AT NG INYONG MAKA-AMANG PUSO. SA KATAPUSAN, IPANALANGIN PO NINYO NA KAMI'Y MAKIBAHAGI SA INYONG MAPAYAPA AT KASIYA-SIYANG BANAL NA KAMATAYAN.

AMEN



IKAPITONG ARAW NG MISA NOBENARYO | APRIL 30, 2026 | 6:00 PMPhotographers: Joel Jay Sengco & Althea Velasco
30/04/2026

IKAPITONG ARAW NG MISA NOBENARYO | APRIL 30, 2026 | 6:00 PM

Photographers: Joel Jay Sengco & Althea Velasco



Sa papalapit na kaganapan ng dakilang pagdiriwang, si San Jose ay nananatiling ilaw sa landas ng pananampalataya—isang h...
30/04/2026

Sa papalapit na kaganapan ng dakilang pagdiriwang, si San Jose ay nananatiling ilaw sa landas ng pananampalataya—isang huwaran ng pusong marunong magtiwala sa gitna ng hindi tiyak, at magmahal nang tahimik ngunit ganap. Sa kanyang buhay, natutunghayan natin ang lakas ng pananalig na hindi naghahanap ng paliwanag, kundi buong pusong sumusunod sa kalooban ng Diyos.

Sa Ikawalong araw ng ating Nobenaryo alay sa Dakilang Kapistahan ni San Jose de Navotas, ang banal na misa ay pangungunahan ni Rbd. Pdr. Allan Lopez, OP, kura Paroko ng San Lorenzo Ruiz & Companion Martyrs Parish bukas, May 1, 2026 5:00 PM

Ihandog natin ang ating mga sarili sa dambana—dala ang ating pasasalamat at pag-asa. Sa paglapit natin sa Diyos, nawa’y lalo pang tumibay ang ating pananampalataya at pag-ibig na handang maglingkod.



Mga Ka-Parokya!Sa ating paghahanda at pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ni San Jose de Navotas, amin kayong inaanyayaha...
30/04/2026

Mga Ka-Parokya!

Sa ating paghahanda at pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ni San Jose de Navotas, amin kayong inaanyayahang makiisa at patuloy na magbayanihan sa ating minamahal na lungsod ng Navotas.

Maaari kayong makabili ng ating Pistang Bayan Shirt, na may tatak ng ating Pistang Bayan logo at Shrine logo. Ito'y mabibili sa halagang 250-270 pesos.

Sa mga nagnanais bumili, maari po kayo magtungo sa ating Dambana.

Tayo na, makiisa, makisaya, at magbayanihan nang may ngiti sa ating mga puso't diwa

Viva San Jose de Navotas, Viva!



30/04/2026

IKAPITONG ARAW NG MISA NOBENARYO SA DAKILANG KAPISTAHAN NI SAN JOSE DE NAVOTAS | April 30, 2026 | 6:00 PM

Tagapamuno: Most Rev. Ramon Arguelles, D.D

Follow us on:
Twitter: twitter.com/IteAdIosef
Instagram: instagram.com/iteadiosef
Youtube: youtube.com/channel/UCg0N82XLrFK-JLQ7O03yCvw
Facebook: The Diocesan Shrine and Parish of San Jose de Navotas

Address

M. Naval Street San Jose Navotas City
Navotas
1485

Opening Hours

Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Diocesan Shrine and Parish of San Jose de Navotas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to The Diocesan Shrine and Parish of San Jose de Navotas:

Share