01/04/2026
Mga Ka-Parokya,
Bukas, Abril 2, ating gugunitain ang Huwebes Santo, ang unang araw ng Triduo Paschal—ang banal na tatlong araw na nagbibigay-pugay sa pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo.
Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa mga gawain sa araw na ito, lalo na sa Misa ng Huling Hapunan, kung saan ginugunita ang pagtatatag ng Banal na Eukaristiya at ang halimbawa ng mapagkumbabang paglilingkod ni Kristo sa pamamagitan ng paghuhugas ng paa.
Nawa’y ihanda natin ang ating mga puso sa taimtim na pananalangin, pagninilay, at pakikiisa sa mga banal na gawain ng ating Simbahan. Sama-sama nating pagnilayan ang dakilang pag-ibig ng Diyos na inalay para sa ating kaligtasan.
Maraming salamat po at pagpalain tayong lahat.