04/10/2026
Tara, mga kapatid! Sama-sama nating simulan ang Misa Nobenaryo para sa karangalan ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje.
Sa unang araw ng ating nobena, makiisa tayo sa panalangin at Banal na Misa kasama si Rev. Fr. Randy Leonardo, habang sama-sama nating isinasabuhay ang tema:
“Sa gabay ni Maria, sama-samang naglalakbay tungo kay Kristo sa kapayapaan at pag-asa.”
Oktubre 4, 2026
6:00 PM – Nobena at Banal na Santo Rosario
7:00 PM – Banal na Misa
Halina’t makiisa! Sama-sama tayong maglakbay, manalangin, at lumapit kay Kristo sa gabay ni Maria.
VIVA LA VIRGEN!