Walang natatalang kasaysayan kung paanong ang mapaghimalang larawan ng Mahal na Poong Santa Cruz ay nakarating sa ating minamahal na pamayanan. Sinasabing ang kahoy na Krus na yari sa kamagong, ay namataang palutang-lutang sa ilog na pumapagitna sa mga sitio ng Tanza at Tangos noong ika-18 siglo. Ito ay "nahuli" ng isang mangingisda at itinanghal sa lugar na ang tawag ngayon ay Tanza Kaliwa. May m
ga nagsasabing ito raw ay maliit noon at mapaghimalang lumalaki sa pagtagal ng panahon. Nagdulot rin ito ng kagalingan sa iba't-ibang mga may karamdaman. Di-nagtagal, kinailangang magpatayo ng isang mas malaking kapilya sa lugar na malapit sa mamamayan, kaya napagdesisyunang ilipat ang simbahan mula sa Tanza Kaliwa patungo sa Gasak, sa lugar na kinatirikan ng lumang simbahan. Nang maitatag ang Parokya ng San Jose de Navotas noong 1857, kabilang ang Sitio Tanza sa mga nasasakupan nito. Nagtagal ito hanggang noong 1951, nang magsarili ang Parokya ng San Roque de Navotas. Sa matagal na panahon, tinatawid ng mga pari ang ilog mula sa bayan upang makarating sa sitio ng Tanza at doon makapagmisa. Sa pagnanais na makapaghandog ng nararapat na serbisyong liturhikal sa mga mamamayan ng Tanza, hiniling kay Jaime Cardinal Sin, noo'y Arsobispo ng Maynila, na magsarili ang pamayanan ng Tanza at maging isang parokya sa pagtangkilik ng Mahal na Poong Santa Cruz. Noong taong 1990, naging malaparokya (Quasi-parish) ito sa pangunguna nu Rdo. Hindi nagtagal, noong Ika-28 ng Abril 1993, kanonikal na itinatag ang Parokya ng Sta. Cruz sa Tanza, Navotas, Kalakhang Maynila. Noong taong 2003, itinalaga si Rdo. Elpidio Erlano, Jr. bilang ikalawang kura paroko. Sa ilalim ng kanyang pamamahala, napaganda ang matandang simbahan, at naipatayo ang kumbento ng parokya sa Kalye Sampaguita, kung saan nakatayo ang noo'y Sto. Niño Chapel. Nagkaroon rin ng pagsasaayos ng Konseho Pastoral ng parokya, at umusbong ang karisma ng Daang Neokatekumenado. Humalili sa kanya si Rdo. Ildefonso de Guzman noong 2009. Sa loob ng panahong ito, nagkaroon ng kakaibang sigla ang parokya, sa pagpapasimula ng Munting Sambahayang Kristiyano (BEC) sa iba't-ibang panig ng parokya. Nagkaroon rin ng mga bagong samahan tulad ng Catholic Women's League (CWL). Sa kasalukuyan, si Rdo. Romeo Tuazon ang tumatayong ama ng Parokya ng Sta. Sa kanyang pamamahala ay itinataguyod ang programang balik-handog sa pamamagitan ng Sambayanihan at Mission Partner 25-1. Sa kanyang pangunguna at sa pagtutulungan ng Konseho Pastoral at ng mga kaparokya, itinibag ang noo'y Sto. Niño Chapel at ang lumang kumbento noong 2019 upang mapasimulan ang isang mas malaking bahay-dalanginan handog sa Diyos sa karangalan ng Mahal na Poong Sta. Ito ay naipatapos at pormal na binuksan noong 13 Disyembre 2020, at itatalaga sa darating na Ika-22 ng Pebrero 2021.