Holy Grace Christian Church

Directions

Holy Grace Christian Church Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Holy Grace Christian Church, Christian church, 15 S. Roldan Street Tangos, Navotas.

Holy Grace Christian Church exist to glorify God in proclaiming the BLOOD OF CHRIST, to the salvation of the lost, and to the building up of the believers, based on the Word of God.

Membership Sunday | September 6, 2026
26/09/2026

Membership Sunday | September 6, 2026

26/09/2026

BUKAS NA!!!

Sama-sama po nating ipagdiwang ang kabutihan at grasya ng Panginoon sa loob ng 26 years sa ating iglesiya.

Magkita-kita po tayo ng 4:30pm bukas para sa ating Church Anniversary Celebration :)

See you po!!


🎉 26TH CHURCH ANNIVERSARY 🎉HGCC joyfully invites you to celebrate with us as we give thanks to God for 26 years of His f...
24/09/2026

🎉 26TH CHURCH ANNIVERSARY 🎉

HGCC joyfully invites you to celebrate with us as we give thanks to God for 26 years of His faithfulness, grace, and blessings! 🙏✨

📅 September 27, 2026
🕟 4:30 PM
📍 HGCC Jerusalem Hall

Come and celebrate this special milestone with us!
Let us gather in worship, thanksgiving, and fellowship as we honor the One who has been faithful through every season. ❤️

“Great is Thy Faithfulness!”
🙌 To God be all the glory!

Everyone is warmly invited. See you there! 💒✨




Magandang araw po mga kapatid 🤗Magresume na po muli ang ating Saturday Catechism ngayong araw.Magkita-kita po muli tayo ...
12/09/2026

Magandang araw po mga kapatid 🤗

Magresume na po muli ang ating Saturday Catechism ngayong araw.

Magkita-kita po muli tayo mamayang alas sais (6pm) para sa ating gawain na ito.

See you po 😊

📢 MEMBERSHIP SUNDAY | Tomorrow, 7AM (umaga) | HGCC TangosAno nga ba ang “Church Membership?” Ito ay ang pagpapahayag nat...
05/09/2026

📢 MEMBERSHIP SUNDAY | Tomorrow, 7AM (umaga) | HGCC Tangos

Ano nga ba ang “Church Membership?” Ito ay ang pagpapahayag natin, bilang iniligtas ng dugo ni Kristo, na tayo ay bahagi ng katawan/pamilya ni Kristo. Dahil dito, tayo’y nangangako sa isa’t isa na mamumuhay ayon sa Mabuting Balita — kung saan tuturuan, gagabayan, at itutuwid natin ang isa't isa sa diwa ng tunay na pag-ibig.

“Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at magkakaiba ang gawain ng mga ito, gayundin naman, kahit na tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat ay bahagi ng isa't isa.”
- Roma 12:4-5

Sama-sama natin itong alamin at pag-usapan bukas nang mas malalim! See you, 7AM!

👋🏻 Magandang gabi, mga kapatid sa Holy Grace Church Tangos!We are inviting you all sa ating Membership Sunday, 7AM. Ito ...
02/09/2026

👋🏻 Magandang gabi, mga kapatid sa Holy Grace Church Tangos!

We are inviting you all sa ating Membership Sunday, 7AM. Ito ay pagkakataon para maunawaan natin nang mas malalim kung ano ang plano ng Panginoong Hesus para sa Kanyang church.

At mapag-uusapan din natin ang kagandahan ng tungkulin ng bawat isa sa atin bilang bahagi ng katawan ni Kristo. Kaya, we dearly invite you na ilaan ang umaga ng Sunday para sama-samang ideklara ang ating covenant/tipan bilang church, kay Kristo na ulo ng ating iglesya. Kita-kita po tayo! 💛

Mapagpalang Araw po mga kapatid!Kumusta po kayo?Sana po ay nasa maayos po kayong kalagayan, sa kabila ng masamang panaho...
29/08/2026

Mapagpalang Araw po mga kapatid!

Kumusta po kayo?
Sana po ay nasa maayos po kayong kalagayan, sa kabila ng masamang panahon na ating nararanasan!

Tayo po ay nasa huling linggo na po ng buwan, kaya naman po ang ating gawain bukas ay gaganapin ng alas singko ng hapon.
Inaanyayahan po namin kayo na dumalo at makilahok sa ating gawain na ito, pakihanda po ang ating mga puso para sa ating pagpupuri at pakikinig ng salita ng ating Panginoon.

Gayon din po, pakihanda po ang ating mga puso sa ating paglahok sa hapag ng Panginoon.

See you po mga kapatid!
Magbatian po tayo ng may mga ngiti sa ating labi, at huwag po natin kalilimutang sabihan ang isa't isa na "Mahal Kita sa Panginoon"

SUNDAY WORSHIP SERVICE | WATER BAPTISMAug 2, 2016
19/08/2026

SUNDAY WORSHIP SERVICE | WATER BAPTISM

Aug 2, 2016

Maulang hapon mga kapatid!Kamusta po kayo?Sana po ay maayos po ang inyong kalagayan sa kabila ng sama ng panahon na patu...
05/08/2026

Maulang hapon mga kapatid!

Kamusta po kayo?
Sana po ay maayos po ang inyong kalagayan sa kabila ng sama ng panahon na patuloy nating nararanasan.

At dahil po sa masamang panahon dulot ng bagyo at habagat, minabuti po muna naming ikansela ang ating prayer evening ngayong araw. Gayon pa man, patuloy po tayong manalangin sa ating mga kanya-kanyang tahanan.

Huwag na po tayong lumabas kung hindi naman kinakailangan, stay dry and keep safe always mga kapatid!

See you po sa ating online FiRST sa friday at sa ating Saturday Catechism! :)

Magandang araw po mga kapatid 🤗Kumusta po kayo?Sana po ay nasa maayos po kayong kalagayan, at sana rin po ay patuloy po ...
01/08/2026

Magandang araw po mga kapatid 🤗

Kumusta po kayo?
Sana po ay nasa maayos po kayong kalagayan, at sana rin po ay patuloy po tayong namumuhay sa katuwiran ng ating Panginoon.

Kay bilis po ng araw, ngunit masaya po kami dahil muli na naman po tayong magkakasama-sama upang magpuri, sumamba at maglingkod sa Panginoon, sana po ay kayo rin.

Kaya naman po, malugod po namin kayong inaanyayahan para sa ating gawain bukas sa ganap na alas otso y medya ng umaga.
Pakihanda po sa pamamagitan ng panalangin ang ating mga puso para sa ating pagsamba sa ating Panginoon.

Gayon din po ay pakisama po sa ating mga panalangin ang ating mga kapatiran na magpapahayag ng kanilang pagkilala at pananampalataya sa Panginoon sa pamamagitan ng bautismo sa tubig, nawa po ay maging mabuting patotoo po sila sa ating Panginoon.

Magkita-kita po tayo mga kapatid bukas, at huwag kalilimutang magbatian ng may ngiti sa ating mga labi :)

Address

15 S. Roldan Street Tangos
Navotas
1489

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Holy Grace Christian Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share