Cofradia de Nuestra Señora delos Remedios de Navotas

Cofradia de Nuestra Señora delos Remedios de Navotas This page is primarily created to propagate devotion to Nuestra Senora delos Remedios de Navotas...

"The priesthood is the love of the Heart of Jesus”.— St. John Marie VianneyMaligayang Araw ng mga Pari,Reb. Pd. Aniceto ...
02/08/2026

"The priesthood is the love of the Heart of Jesus”.
— St. John Marie Vianney

Maligayang Araw ng mga Pari,
Reb. Pd. Aniceto "Fr. Noi" Paciente III

Maraming salamat po sa inyong tapat na paglilingkod, panalangin, at mabuting halimbawa. Sa pamamagitan po ninyo, aming nararanasan ang pagmamahal at presensya ni Hesus sa bawat Banal na Misa.

Pagpalain pa po kayo ng Panginoon at ng mahal na birheng maria ang Inang Mapanglunas sa inyong banal na bokasyon.

Banal na Misa na inialay ng Cofradia de Nuestra Señora de los Remedios de Navotas para sa ikapapayapa ng kaluluwa ng ami...
15/07/2026

Banal na Misa na inialay ng Cofradia de Nuestra Señora de los Remedios de Navotas para sa ikapapayapa ng kaluluwa ng aming kapatid, Bro. Alexander Israel.

Maraming salamat po sa aming Spiritual Adviser, Rev. Fr. Paul Woo, sa pamumuno sa pagdiriwang ng Banal na Misa. Patuloy po nating ipanalangin ang walang hanggang kapahingahan ni Bro. Alexander.

14/07/2026

Ang Buong Komunidad ng CATHOLICS PH ay buong pusong nakikiisa sa pagdadalamhati ng pamilya, mga kaibigan, at buong Cofradía de la Nuestra Señora de los Remedios de Navotas sa pagpanaw ng kanilang minamahal na Alexander B. Israel, Founding Member ng samahan.

Nawa'y tanggapin siya ng Panginoon sa Kanyang walang hanggang kaharian at pagkalooban ng kapayapaan ang kanyang kaluluwa. Dalangin din namin na ang Mahal na Birheng Maria, Nuestra Señora de los Remedios, ay patuloy na yumakap at umaliw sa kanyang mga naulila sa panahong ito ng pagdadalamhati.

Samahan natin sila sa panalangin para sa walang hanggang kapahingahan ng kanyang kaluluwa.

Eternal rest grant unto him, O Lord, and let perpetual light shine upon him. May he rest in peace. Amen.

Requiescat in Pace, Alexander B. Israel. 🕊️

Ang Cofradia de Nuestra Señora de los Remedios de Navotas ay taos-pusong nakikiisa sa pagdadalamhati sa pagpanaw ng amin...
13/07/2026

Ang Cofradia de Nuestra Señora de los Remedios de Navotas ay taos-pusong nakikiisa sa pagdadalamhati sa pagpanaw ng aming minamahal na kasamahan, G. Alexander B. Israel.

Aming taos-pusong pakikiramay sa kanyang anak, mga kapatid, buong pamilya, mga kaibigan, at mga kasamahan sa Simbahan. Nagpapasalamat kami sa Diyos sa biyaya ng kanyang buhay at sa kanyang tapat na paglilingkod.

"Ipagkaloob nawa ng Panginoon ang walang hanggang kapahingahan kay G. Alexander B. Israel, at nawa'y sumilang sa kanya ang liwanag na walang hanggan. Amen."

Maligayang pagbati, Fr. Paul Woo!Malugod naming ipinapaabot ang taos-pusong pagbati sa aming minamahal na Spiritual Advi...
13/07/2026

Maligayang pagbati, Fr. Paul Woo!

Malugod naming ipinapaabot ang taos-pusong pagbati sa aming minamahal na Spiritual Advisor ng Cofradia de Nuestra Señora de los Remedios de Navotas. Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong tapat na paggabay, walang sawang paglilingkod, at inspirasyong ibinabahagi ninyo sa aming samahan at sa bawat mananampalataya.

Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng ating Panginoon at ng Birheng Mapanglunas ng higit pang karunungan, kaalaman, lakas, mabuting kalusugan, at marami pang taon ng masagana at mabungang paglilingkod sa Kanyang banal na ubasan. Patuloy nawa kayong pagkalooban ng biyaya at patnubay ng Diyos upang maging ilaw at huwaran ng pananampalataya sa lahat.

Muli maligayang pagbati sa iyo anibersaryo sa pagkapari at pagpalain pa po kayo ng Diyos!

Ad multos annos!

𝐇𝐀𝐏𝐏𝐘 𝐄𝐏𝐈𝐒𝐂𝐎𝐏𝐀𝐋 𝐀𝐍𝐍𝐈𝐕𝐄𝐑𝐒𝐀𝐑𝐘 𝐂𝐀𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐋 𝐀𝐌𝐁𝐎 𝐃𝐀𝐕𝐈𝐃!Nawa'y pagkalooban pa kayo ng Diyos ng maraming taon ng mabunga at mapag...
10/07/2026

𝐇𝐀𝐏𝐏𝐘 𝐄𝐏𝐈𝐒𝐂𝐎𝐏𝐀𝐋 𝐀𝐍𝐍𝐈𝐕𝐄𝐑𝐒𝐀𝐑𝐘 𝐂𝐀𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐋 𝐀𝐌𝐁𝐎 𝐃𝐀𝐕𝐈𝐃!

Nawa'y pagkalooban pa kayo ng Diyos ng maraming taon ng mabunga at mapagpalang paglilingkod. Nawa'y patuloy kayong bigyan ng panginoon at ng birheng mapanglunas ng mabuting kalusugan, masaganang biyaya, panibagong lakas, at nag-uumapaw na kagalakan habang patuloy ninyong ginagabayan ang Sambayanan ng Diyos nang may kababaang-loob, pag-asa, at di-natitinag na katapatan sa Ebanghelyo.

Ad multos annos, Your Eminence!

Happy 23rd anniversary, Diocese of kalookan
28/06/2026

Happy 23rd anniversary, Diocese of kalookan

Twenty-three years of grace.
Twenty-three years of mission.
Twenty-three years of walking with the people of God.

As we celebrate the 23rd Anniversary of the Diocese of Kalookan, we look back with gratitude at the many moments, faces, and stories that have shaped our young local Church.

Marami na tayong pinagdaanan bilang isang diyosesis sa mga parokya, mission stations, komunidad, pamilya, kabataan, mangingisda, mga pari, relihiyoso at relihiyosa, at lay faithful na patuloy na naglilingkod.

At 23, we give thanks for all that has been, and we entrust to God all that is still ahead.

Happy 23rd Anniversary, Diocese of Kalookan.

Sa pagdiriwang ng ika-23 anibersaryo ng ating diyosesis, inihandog  ni Cardinal Ambo David kay Pope Leo XIV ang ang isan...
28/06/2026

Sa pagdiriwang ng ika-23 anibersaryo ng ating diyosesis, inihandog ni Cardinal Ambo David kay Pope Leo XIV ang ang isang coffee table book na AGOS, ang aklat na naglalaman ng kasaysayan, paglalakbay ng pananampalataya, at misyon ng Diocese of Kalookan.

Mula sa isang batang diyosesis na isinilang sa puso ng CAMANA, Nawa’y patuloy tayong umaagos sa biyaya ng Diyos: kasama ang mga maralita, ang mga mangingisda, ang mga pamilya, ang kabataan, at ang buong sambayanan ng Diyos.

Ang simpleng handog na ito ay tanda ng ating pasasalamat at pakikiisa sa Santo Papa at sa buong Simbahan.

Sa loob ng 23 taon, marami na ang pinagdaanan. Marami pa ang tatahakin. Ngunit patuloy tayong aagos sa pananampalataya, pag-asa, at pagmamahal.

Happy 23rd Anniversary, Diocese of Kalookan.

26/06/2026

Pilgrimage at Nuestra Señora delos Remedios Quasi-Parish

YouTube link: https://youtu.be/Wdhin4wpDzU?si=jZgyzo5sTduEnxaL

Superlate upload ahah,balikan natin ang napakagandang debosyon ng mga taga Navotas sa Nuestra Señora delos Remedios. Makikita sa video ang pagsalubong at pagdiriwang nila ng kanilang kapistahan sa karangalan ng mahal na ina.

02/06/2026

BALIKAN | Panoorin ang ilan sa mga kaganapan kasama ang ating minamahal na Patrona sa nagdaang prusisyong panapos at Cotillion de Maria, na bahagi ng pagdiriwang ng May Flower Devotion sa Parokya ni San Antonio de Padua, Malabon.

Taos-pusong pasasalamat muli sa Parokya ni San Antonio de Padua at kay G. Remil S. Mangali para sa mga bulaklak ng karosa, at sa lahat ng nakiisa at tumulong sa gawaing ito.

Viva La Virgen de los Remedios de Navotas!

Address

North Bay Boulevard North
Navotas

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cofradia de Nuestra Señora delos Remedios de Navotas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share