16/08/2026
𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐓𝐑𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍 𝐑𝐎𝐐𝐔𝐄 𝐝𝐞 𝐊𝐀𝐋𝐎𝐎𝐊𝐀𝐍!
Halina’t makiisa, makibahagi, at magdiwang ngayong Kapistahan ng Mahal na Patrong San Roque de Kalookan. Si San Roque ay namuhay sa diwa ng kababaang-loob at malasakit. Ang kanyang peregrinong landas ay naging saksi ng pag-ibig ni Kristo sa mga nagdurusa, at sa kanyang sariling karamdaman, ipinakita niya na ang tunay na lakas ay nagmumula sa pagtitiwala sa Diyos.
Nawa’y sa ating kapistahan, muling sumibol ang diwa ng pagkakaisa at malasakit, at maging paanyaya ito sa bawat isa na isabuhay ang pananampalataya sa araw-araw—sa simpleng gawa ng kabutihan, sa pagtulong sa mahihirap, at sa pagbibigay ng pag-asa sa mga may sakit.
𝐌𝐀𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘 𝐊𝐀 𝐀𝐌𝐈𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐓𝐑𝐎𝐍, 𝐒𝐀𝐍 𝐑𝐎𝐐𝐔𝐄!
𝐕𝐈𝐕𝐀 𝐒𝐀𝐍 𝐑𝐎𝐐𝐔𝐄!