Virgen de los Remedios de Navotas

Virgen de los Remedios de Navotas DEVOTEES OF VIRGEN DE LOS REMEDIOS DE NAVOTAS

07/04/2026

Official Statement of the Diocese of Kalookan on the Salubong Celebration

Matagumpay na naisakatuparan ng Busog-Puso Volunteers, sa pakikipagtulungan ng ilang mga pilantropo at ng MC Maryknoll -...
05/04/2026

Matagumpay na naisakatuparan ng Busog-Puso Volunteers, sa pakikipagtulungan ng ilang mga pilantropo at ng MC Maryknoll - Miriam Identity, Spirituality, and Mission Office, ang isang organisasyon para sa pamamahagi ng donasyon.

Sa nasabing aktibidad, naghandog ang MISMO ng kabuuang 300 laruan ngayong linggo para sa mga bata. Bukod sa mga laruan, hinandugan din ng spaghetti at biscuit na mula sa tulong ng mga Benefactors, Reb. Pad. Wilfredo Samson, Reb. Pad. Aniceto Paciente at sa lubhang kagalang galang Cardinal Ambo David para sa mga batang dumalo at nakiisa sa pagdiriwang ng Children’s Mass

Ang inisyatibong ito ay naglalayong maghatid ng kagalakan at suporta sa mga bata bilang bahagi ng patuloy na misyon ng grupo sa paglilingkod sa kapwa.

TINGNAN: Ang Prusiyon ng Paglilibing sa Mahal na Señor ngayong Biyernes Santo ay hindi lamang isang tradisyon, kundi isa...
04/04/2026

TINGNAN:

Ang Prusiyon ng Paglilibing sa Mahal na Señor ngayong Biyernes Santo ay hindi lamang isang tradisyon, kundi isang banal na pakikiisa sa huling hantungan ng ating Panginoong Jesucristo na nag-alay ng Kanyang buhay para sa ating katubusan.

Sa gitna ng katahimikan at liwanag ng mga kandila, sinasamahan natin ang Santo Entierro at ang Mahal na Birheng Mater Dolorosa sa isang taimtim na pagninilay, bitbit ang ating mga panalangin at pagsisisi sa bawat hakbang. Nawa’y ang pag-alalang ito sa Kanyang pagkamatay at paglilibing ay magsilbing paanyaya sa atin na talikuran ang kasalanan, upang tayo ay maging karapat-dapat na makihati sa kaluwalhatian ng Kanyang muling pagkabuhay.

Sa tradisyon ng Simbahang Katoliko, ang paghuhugas ng paa o Mandatum tuwing Huwebes Santo ay ang konkretong pagpapahayag...
02/04/2026

Sa tradisyon ng Simbahang Katoliko, ang paghuhugas ng paa o Mandatum tuwing Huwebes Santo ay ang konkretong pagpapahayag ng pag-ibig ni Kristo na handang maglingkod at magpakababa hanggang sa kamatayan.

Ang ritwal na ito, na hango sa Ebanghelyo ni San Juan, ay hindi lamang pag-alaala sa ginawa ng Panginoon sa Huling Hapunan, kundi isang hamon sa bawat binyagan na tularan ang Kanyang halimbawa ng "diwa ng paglilingkod" sa ating kapwa.

Bilang mga Katoliko, tinatawag tayo na makita ang mukha ni Kristo sa mga nasa laylayan, na ang pagpapakababa ay hindi tanda ng kahinaan kundi ng pinakamataas na uri ng pagmamahal na nagbubukas ng daan patungo sa kabanalan.

Ang ating Altar of Repose ngayong Huwebes Santo ay bukas ngayong 7:00 ng gabi hanggang 12:00 ng hating-gabi.Sa katahimik...
02/04/2026

Ang ating Altar of Repose ngayong Huwebes Santo ay bukas ngayong 7:00 ng gabi hanggang 12:00 ng hating-gabi.

Sa katahimikan ng gabi, sabay-sabay tayong nakiisa sa pananatili sa piling ni Hesus, sa sandaling Siya ay nananalangin sa Halamanan ng Getsemani, nagdurusa, at naghahanda para sa Kanyang pagpapakasakit.

Ang Altar of Repose ay isang sagradong lugar ng pananalangin at pagninilay kung saan inilalagak ang Banal na Sakramento bilang paggunita sa paghihirap ni Kristo.

02/04/2026
Narito ang ilang mga simbahan na maaring mabisita ngayong Visita Iglesia 2026
02/04/2026

Narito ang ilang mga simbahan na maaring mabisita ngayong Visita Iglesia 2026

Maligayang pagbati sa muling pagsasariwa ng panunumpa bilang pari, Rev. Fr. Aniceto “Noi” Paciente, III!Buong galak pong...
02/04/2026

Maligayang pagbati sa muling pagsasariwa ng panunumpa bilang pari, Rev. Fr. Aniceto “Noi” Paciente, III!

Buong galak pong bumabati ang mga deboto ng Nuestra Señora de los Remedios. Maraming salamat po sa inyong tapat na paglilingkod sa ating mala-parokya at sa kawan ng Diyos. Ikaw ay pari magpakailanman!



TIGNAN | PAGHAHANDA PARA SA UNANG BANAL NA KOMUNYONNarito ang ilang larawang kuha sa ginanap na paghahanda para sa mga b...
25/02/2026

TIGNAN | PAGHAHANDA PARA SA UNANG BANAL NA KOMUNYON

Narito ang ilang larawang kuha sa ginanap na paghahanda para sa mga batang mag-First Communion mula sa Bangkulasi Elementary School.

TIGNAN | DAAN NG KRUS Narito ang ilang larawang kuha sa naganap na Istasyon ng Krus noong ika-20 ng Pebrero  ganap na al...
21/02/2026

TIGNAN | DAAN NG KRUS

Narito ang ilang larawang kuha sa naganap na Istasyon ng Krus noong ika-20 ng Pebrero ganap na alas 4 ng hapon sa mga lugar ng Lacson at Miguel St.

Address

442 North Bay Boulevard North
Navotas
1485

Opening Hours

Tuesday 8am - 12pm
2pm - 6pm
Wednesday 8am - 12pm
2pm - 6pm
Thursday 8am - 12pm
2pm - 6pm
Friday 8am - 12pm
2pm - 6pm
Saturday 8am - 12pm
2pm - 6pm
Sunday 7am - 12pm
2pm - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Virgen de los Remedios de Navotas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Virgen de los Remedios de Navotas:

Share