02/07/2025
Salamat po sa Panginoon Diyos sa biyaya ng pagkakaroon ng Segunda Patrona sa Parokya ni San Roque de Navotas, walang iba kundi ang Nuestra Señora de las Mesas o ang Birhen ng Hapag 🩵🙏🏻🩵
Viva La Virgen!
RESOLUSYON-PAMPASTORAL BLG. 1 S. 2025: RESOLUSYON UKOL SA PAGHIRANG SA MAHAL NA BIRHEN NG HAPAG (NUESTRA SEÑORA DE LAS MESAS DE NAVOTAS) BILANG SEGUNDA PATRONA NG PAROKYA NI SAN ROQUE DE NAVOTAS
Sa taos-pusong pagpapasya ng buong Konseho Pastoral at alinsunod sa Resolusyon-Pampastoral Blg. 1 S. 2025, opisyal na ipinahahayag sa buong Bayan ng Diyos sa pangunguna ng ating kura-paroko, Reb. Padre Elpidio Erlano, Jr. ang pagkilala sa Mahal na Birhen ng Hapag o ang Nuestra Señora de las Mesas bilang Ikalawang Patrona ng Parokya ni San Roque de Navotas, Diyosesis ng Kalookan.
Ang pagkilalang ito'y hindi nangangahulugan ng pasasantabi natin kay San Roque bilang Pangunahing Patron, sa halip tayo'y nagpapailalim sa pagkakandili ng ating Inang Birhen tulad ng pananalangin ng mga magulang ni San Roque sa titulo ng Nuestra Señora de las Mesas upang maipagkaloob at makipamayan ang kaniyang lingkod na si San Roque.
Ang resolusyon na ito'y pormal na ipahahayag sa lahat sa darating na Hulyo 26, 2025, araw ng Sabado sa pagdiriwang ng banal na misa ng 6:00 ng gabi.
Halina't magalak at magsaya sa biyayang ito ng Diyos! Viva la Virgen!
Follow us on Facebook and Instagram: San Roque de Navotas - Diocese of Kalookan