27/06/2026
📸 Tingnan | MLC Basic Formation:
Naganap ngayong araw ang MLC Basic Formation sa Saint Therese Mission Headquarters, kung saan nagsama-sama ang mga kasapi ng Ministry of Lectors and Commentators upang higit pang mapalalim ang kanilang kaalaman, pananampalataya, at bokasyon sa paglilingkod.
Bilang mga lingkod ng Salita ng Diyos, ang ganitong mga formation ay mahalagang pagkakataon upang patuloy tayong mahubog hindi lamang sa ating gampanin bilang mga lector at commentator, kundi maging sa ating buhay Kristiyano.
Narito ang ilan sa mga kuhang larawan mula sa nasabing formation. Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng makabuluhang araw na ito. Nawa’y ang mga natutunan ay magsilbing gabay sa ating patuloy na tapat at mapagkumbabang paglilingkod sa Panginoon.
📖 “Speak, Lord, for your servant is listening.” (1 Samuel 3:10)