23/05/2026
"๐๐ข๐ฏ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ข ๐๐ด๐ฑ๐ช๐ณ๐ช๐ต๐ถ, ๐ฑ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ช๐ฏ ๐ฎ๐ฐ ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ช ๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ช๐ธ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ด๐ถ๐ฏ๐ฐ๐ฅ ๐ด๐ข ๐ต๐ถ๐ณ๐ฐ ๐ข๐ต ๐ข๐ณ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ช ๐๐ฆ๐ด๐ถ๐ด ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐จ๐ด๐ช๐ญ๐ฃ๐ช ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ข๐ญ๐ช๐ฎ๐ฃ๐ข๐ธ๐ข ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฏ๐ข๐ญ๐ช๐ญ๐ช๐ต๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ฉ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ๐ข๐ฑ ๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ข๐ข๐ฏ ๐ต๐ถ๐ฏ๐จ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข ๐ธ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ข๐ฏ."
Nagsimula ang pagdiriwang sa pagdaraos ng Banal na Misa para sa Ika-siyam na Araw ng Nobena sa Karangalan ng Banal na Espiritu na pinangunahan ni Rev. Fr. Leo Fredeo A. Gajol. Sa kanyang homiliya, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pananampalataya, pagkakaisa, at patuloy na paggabay ng Banal na Espiritu sa bawat mananampalataya at sa buong pamayanan.
Kaalinsabay nito ang masayang pagdiriwang ng BaNaEs Festival, kung saan ipinamalas ng ibaโt ibang pamayanan at lokal na mga establisimyento ang kanilang taos-pusong debosyon sa pamamagitan ng makulay at tradisyunal na Parade of Saints. Tampok sa parada ang ibaโt ibang imahe ng mga santo na buong galang na inikot sa pamayanan bilang pagpapakita ng pananampalataya, pagkakaisa, at pasasalamat.
Naging bahagi rin ng pagdiriwang ang masigla at makulay na BANAES Street Dancing na pinangunahan ng Youth Ministry ng ating parokya. Sa pamamagitan ng sayaw, musika, at makukulay na kasuotan, ipinahayag ng mga kabataan ang kanilang sigla, talento, at matibay na pananampalataya sa Panginoon. Nagbigay ito ng dagdag na saya at inspirasyon sa buong pagdiriwang, habang pinatitibay ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan sa komunidad.