14/04/2026
Minsan dumarating tayo sa mga panahon na parang disyerto ang pakiramdam ng buhay.
Hindi laging malinaw kung ano ang ginagawa ng Diyos, at may mga pagkakataon na tila tahimik ang lahat.
Pero sa ganitong season tayo mas tinuturuan kung paano magtiwala at sumunod sa Kanya.
Sa kwento natin, hindi agad nagbigay ang Diyos ng tubig.
Inutusan muna silang maghukay.
At kung iisipin, parang hindi ito praktikal.
Bakit ka maghuhukay kung wala namang ulan?
Pero doon pumapasok ang pananampalataya.
Yung pagsunod na kahit hindi pa malinaw kung paano kikilos ang Diyos.
Minsan hinihintay natin ang provision bago tayo kumilos.
Pero kadalasan, ang gusto ng Diyos ay makita muna ang obedience natin bago Niya ibuhos ang Kanyang pagpapala.
Hindi dahil kailangan Niya ng tulong natin, kundi dahil hinahanda Niya ang puso natin.
Habang naghihintay tayo, may mga bagay na pinapalalim sa atin.
Ang panalangin, pagtitiwala, pagpapatawad, at paglilingkod.
Hindi ito aksaya.
Ito ang mga hukay na inihahanda para sa darating na paggalaw ng Diyos.
At ang kagandahan pa nito, ang Diyos ay hindi limitado ng mga pagkukulang natin.
Nanatili Siyang tapat kahit tayo ay nagkukulang.
Ang Kanyang awa ay hindi napipigilan ng ating pagkakamali, at ang Kanyang plano ay hindi nakakansela ng ating kahinaan.
Kaya kung nasa ganitong season ka ngayon, maaaring hindi mo pa nakikita ang kasagutan.
Pero hindi ibig sabihin ay walang ginagawa ang Diyos.
Maaaring ang hinihingi Niya lang saβyo ngayon ay magpatuloy, maghukay, magtiwala, at sumunod.
Sa tamang panahon, pupunuin Niya ang mga inihanda mo.