Parroquia de Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje de Wawa - RCALipa

Parroquia de Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje de Wawa - RCALipa The Official page of Parroquía de Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje, Brgy. Wawa, Nasugbu, Batangas

Parish Priest: Rev. Fr. Julius C. Lacaran

Sa darating na Agosto 29–30, buong galak at debosyon nating sasalubungin sa ating parokya ang Relikya at Pilgrim Image n...
11/08/2026

Sa darating na Agosto 29–30, buong galak at debosyon nating sasalubungin sa ating parokya ang Relikya at Pilgrim Image ni Sta. Teresita ng Batang Hesus at ng Banal na Mukha.

Halina’t makiisa, manalangin, at samahan natin ang banal na paglalakbay na ito.

📍 Parroquia Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje de Wawa
📅 Agosto 29–30, 2026






Maligayang Araw ng mga Pari, Padre!Sa aming minamahal na Kura Paroko, Rev. Fr. Julius C. Lacaran, maraming salamat po sa...
04/08/2026

Maligayang Araw ng mga Pari, Padre!

Sa aming minamahal na Kura Paroko, Rev. Fr. Julius C. Lacaran, maraming salamat po sa inyong walang sawang paglilingkod, paggabay, pananalangin, at pagmamahal sa aming komunidad.

Sa bawat Misa, payo, pagod, at sakripisyo, patuloy ninyong ipinapaalala sa amin ang presensya at pagmamahal ng Diyos. 🙏

Nawa’y patuloy kayong bigyan ng Panginoon ng lakas, karunungan, kalusugan, at pusong laging handang maglingkod.

Salamat sa pagiging pastol na kasama namin sa bawat paglalakbay.
Patuloy po namin kayong ipinagdarasal. 🤍

Happy Priest’s Day, Padre!

Despite the effects of Typhoon Luis, the Ministry on Social Services, together with the Daughters of Mary Immaculate (DM...
04/08/2026

Despite the effects of Typhoon Luis, the Ministry on Social Services, together with the Daughters of Mary Immaculate (DMI), Knights of Columbus, Stewardship Ministry, Youth Ministry, and PSAC, continued its mission of service by conducting a simple feeding and lunch distribution activity at the Daycare Center in Sitio Sisa, Barangay Wawa, Nasugbu, Batangas.

The activity benefited four batches of daycare students who received packed lunches consisting of rice, chicken adobo, boiled egg, and a pack of juice. In addition, several tricycle drivers from Wawa TODA also received packed lunches as a gesture of support and appreciation for their service to the community.

We would also like to express our sincere gratitude to Jollibee Corporation for their generous donation during the LASAC activity. Their support enabled us to prepare and share meals with those in need, especially during this time of inclement weather.

This simple act of kindness reflects the spirit of solidarity and compassion among our parish ministries and volunteers. We remain committed to serving our community, particularly those who need care and assistance the most.





𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖. 𝐃𝐀𝐌𝐀𝐘. 𝐃𝐀𝐒𝐀𝐋Patuloy ang pagganap ng ating Ka-Viaje sa misyon ng apostolate sa pag-abot ng tulong at pagmamahal sa...
02/08/2026

𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖. 𝐃𝐀𝐌𝐀𝐘. 𝐃𝐀𝐒𝐀𝐋

Patuloy ang pagganap ng ating Ka-Viaje sa misyon ng apostolate sa pag-abot ng tulong at pagmamahal sa ating mga kababayan. Noong Hulyo 31, 2026, limang (5)pamilya sa Brgy. Looc ang pinagpala at binigyan ng tulong sa pamamagitan ng ating mga gawain.

Isang malaking pasasalamat sa lahat ng tumulong at naging daan para maibahagi ang biyayang ito. Sama-sama nating ipagpatuloy ang paglilingkod na may tapat at busilak na puso.





𝗨𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗯𝗮𝗱𝗼 𝗻𝗴 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲Araw ng Pagdedebosyon sa Mahal na Birhen ng Wawa𝐏𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐭𝐫𝐨𝐧𝐚, 𝐍𝐮𝐞𝐬...
31/07/2026

𝗨𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗯𝗮𝗱𝗼 𝗻𝗴 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲
Araw ng Pagdedebosyon sa Mahal na Birhen ng Wawa

𝐏𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐭𝐫𝐨𝐧𝐚, 𝐍𝐮𝐞𝐬𝐭𝐫𝐚 𝐒𝐞ñ𝐨𝐫𝐚 𝐝𝐞 𝐥𝐚 𝐏𝐚𝐳 𝐲 𝐁𝐮𝐞𝐧 𝐕𝐢𝐚𝐣𝐞 𝐝𝐞 𝐖𝐚𝐰𝐚
Ang Patrona ng Parokya sa Kanlurang Nasugbu (Wawa, Natipuan, Balaytigue, Calayo, Looc, Bulihan at Papaya)

𝘔𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘗𝘢𝘵𝘳𝘰𝘯𝘢, 𝘕𝘶𝘦𝘴𝘵𝘳𝘢 𝘚𝘦ñ𝘰𝘳𝘢 𝘥𝘦 𝘭𝘢 𝘗𝘢𝘻 𝘺 𝘉𝘶𝘦𝘯 𝘝𝘪𝘢𝘫𝘦 𝘥𝘦 𝘞𝘢𝘸𝘢, 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢𝘩𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘣𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘮𝘢-𝘴𝘢𝘮𝘢.
𝘗𝘪𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘭𝘢 𝘮𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘴𝘢 𝘵𝘶𝘸𝘪𝘯𝘢 𝘢𝘵 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘥𝘢𝘮𝘢 𝘮𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘮𝘪𝘯
𝘢𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨𝘢 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘵𝘯𝘶𝘣𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘣𝘢𝘺.

𝘚𝘢 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘩𝘢𝘮𝘰𝘯 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘴𝘶𝘣𝘰𝘬 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘢𝘺 𝘪𝘯𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪;
𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘵𝘶𝘸𝘢 𝘢𝘵 𝘵𝘢𝘨𝘶𝘮𝘱𝘢𝘺 𝘢𝘺 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘨𝘪 𝘬𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯.
𝘗𝘪𝘯𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘨 𝘮𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘮𝘱𝘢𝘱𝘢𝘭𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢,
𝘱𝘪𝘯𝘢𝘭𝘢𝘬𝘢𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘰𝘰𝘣, 𝘵𝘪𝘯𝘶𝘳𝘶𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘮𝘢 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘳𝘢𝘳𝘢𝘱𝘢𝘵,
𝘢𝘭𝘪𝘯𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘯𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘺𝘢𝘱𝘢𝘬 𝘯𝘨 𝘐𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘈𝘯𝘢𝘬.

𝘚𝘢 𝘵𝘶𝘸𝘪𝘯𝘢 𝘢𝘺 𝘪𝘯𝘪𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘮𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘴𝘢 𝘒𝘢𝘯𝘺𝘢, 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘢𝘵 𝘏𝘶𝘸𝘢𝘳𝘢𝘯,
𝘢𝘵 𝘵𝘪𝘯𝘶𝘳𝘶𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘩𝘢𝘬𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘒𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘯𝘥𝘢𝘴.

𝘐𝘵𝘶𝘭𝘰𝘵 𝘱𝘰 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘳𝘪𝘯 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘣𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘸𝘢
𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘯𝘢 𝘪𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘶𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘯𝘢 𝘩𝘦𝘯𝘦𝘳𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯
𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨𝘢 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭, 𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘭𝘰𝘰𝘣𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘈𝘮𝘢 𝘢𝘵 𝘴𝘪𝘨𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘯𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘌𝘴𝘱𝘪𝘳𝘪𝘵𝘶.

𝘔𝘢𝘯𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘸𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘶𝘴𝘰
𝘢𝘯𝘨 𝘒𝘢𝘱𝘢𝘺𝘢𝘱𝘢𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘶𝘭𝘰𝘵 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘴𝘢 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴,
𝘵𝘶𝘭𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺,
𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘗𝘢𝘨𝘥𝘢𝘥𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨-𝘵𝘢𝘰 𝘬𝘢𝘺 𝘏𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘒𝘢𝘭𝘣𝘢𝘳𝘺𝘰 𝘢𝘵 𝘒𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘔𝘶𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘨𝘬𝘢𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺. 𝘈𝘮𝘦𝘯.

𝘼𝙗𝙖 𝙂𝙞𝙣𝙤𝙤𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙧𝙞𝙖…

𝗡𝘂𝗲𝘀𝘁𝗿𝗮 𝗦𝗲ñ𝗼𝗿𝗮 𝗱𝗲 𝗹𝗮 𝗣𝗮𝘇 𝘆 𝗕𝘂𝗲𝗻 𝗩𝗶𝗮𝗷𝗲 𝗱𝗲 𝗪𝗮𝘄𝗮, 𝘪𝘱𝘢𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪!






29/07/2026

July 29, 2026
🎉Happy Birthday Sem. Andrei!🎂
-From your IF Family

Special prayer and blessing in celebration of World Day for Grandparents and Elderly | July 26, 2026
27/07/2026

Special prayer and blessing in celebration of World Day for Grandparents and Elderly | July 26, 2026




Ang mga lolo, lola, at nakatatanda ay buhay na saksi ng pananampalataya, pagmamahal, at karunungan. Inaanyayahan po nami...
25/07/2026

Ang mga lolo, lola, at nakatatanda ay buhay na saksi ng pananampalataya, pagmamahal, at karunungan.

Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng World Day for Grandparents and the Elderly ngayong Hulyo 26, sa Banal na Misa ng 6:00 AM, na susundan ng espesyal na panalangin at pagbabasbas para sa ating mga lolo, lola, at nakatatanda.

Sama-sama nating parangalan ang kanilang mahalagang papel sa ating pamilya at Simbahan.




Isang taos-pusong pagbati sa ating minamahal na tagapagtaguyod ng ating Parokya, Mrs. Darlene W. Szhornack, sa pagkilala...
18/07/2026

Isang taos-pusong pagbati sa ating minamahal na tagapagtaguyod ng ating Parokya, Mrs. Darlene W. Szhornack, sa pagkilala sa inyo bilang isang Papal Awardee, isang natatangi at marangal na parangal na ipinagkaloob ng ating minamahal na Papa Leo XIV.

Ang parangal na ito ay isang karapat-dapat na pagkilala sa inyong walang sawang dedikasyon, bukas-palad na paglilingkod, at walang humpay na pagsuporta sa iba’t ibang apostolado ng Simbahan, kasama ang inyong buong pamilya.

Kaisa ninyo sa kagalakan ang buong pamayanan ng Parokya ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje, Wawa, Nasugbu sa natatanging karangalang ito. Patuloy namin kayong ipagdarasal upang pagpalain pa kayo ng Panginoon ng mabuting kalusugan, lakas, at masaganang biyaya habang ipinagpapatuloy ninyo ang inyong tapat na paglilingkod sa Simbahan at sa kapwa.

Maraming pagbati po, at nawa’y patuloy kayong gabayan at pagpalain ng Diyos.

Congratulations po! Ad multos annos!

Sa espesyal na araw na ito, buong puso po kaming bumabati ng isang maligaya at pinagpalang kaarawan sa ating minamahal n...
17/07/2026

Sa espesyal na araw na ito, buong puso po kaming bumabati ng isang maligaya at pinagpalang kaarawan sa ating minamahal na Kura Paroko, Reb. Pd. Julius C. Lacaran.

Maraming salamat po sa inyong tapat na paglilingkod, mapagmahal na paggabay, at walang sawang pagmamalasakit sa aming pamayanan. Ang inyong pananampalataya, kababaang-loob, at dedikasyon sa misyon ng Simbahan ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa aming lahat upang lalong mapalalim ang aming relasyon sa Diyos at sa kapwa.

Dalangin namin na patuloy kayong pagkalooban ng Panginoon ng mabuting kalusugan, karunungan, lakas, at masaganang biyaya upang maipagpatuloy ninyo ang inyong banal na bokasyon. Nawa'y patuloy kayong gabayan at ingatan ng Mahal na Birheng Maria sa bawat hakbang ng inyong paglilingkod.

Muli, Maligayang Kaarawan po, Father Julius! Nawa'y maging masaya, makahulugan, at hitik sa biyaya ang inyong pagdiriwang. Maraming salamat po sa inyong buhay at paglilingkod.

Ad multos annos! 🎉🙏

Address

Parroquia De Nuestra Señora De La Paz Y Buen Viaje De Wawa
Nasugbu
4231

Opening Hours

Monday 8:30am - 12pm
1:30pm - 5pm
Tuesday 8:30am - 12pm
1:30pm - 5pm
Wednesday 8:30am - 12pm
1:30pm - 5pm
Thursday 8:30am - 12pm
1:30pm - 5pm
Friday 8:30am - 12pm
1:30pm - 5pm
Saturday 8:30am - 12pm
1:30pm - 5pm
Sunday 8am - 12pm

Telephone

+639171683150

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parroquia de Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje de Wawa - RCALipa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Parroquia de Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje de Wawa - RCALipa:

Shortcuts

Share