SAPP - Parish Youth Ministry

SAPP - Parish Youth Ministry Official page of the St. Anthony of Padua Parish, Kaylaway - Parish Youth Ministry

ʜᴀᴛᴀᴡɪ! ᴋᴀʀᴀᴋᴏʟ ɴɢ ᴋᴀʙᴀᴛᴀᴀɴ Mabuhay ang kabataan! Salamat sa inyong makulay at masigasig na paglahok sa karakol para kay...
14/06/2026

ʜᴀᴛᴀᴡɪ! ᴋᴀʀᴀᴋᴏʟ ɴɢ ᴋᴀʙᴀᴛᴀᴀɴ

Mabuhay ang kabataan! Salamat sa inyong makulay at masigasig na paglahok sa karakol para kay San Antonio de Padua — ang oras at talento ninyo ay tunay na pagpapala. Pagpalain nawa tayo ng kanyang patnubay.

🏅Ang mga nagwagi:
1st - Caylungon Youth Club
2nd - Bisig Kabataan Kaylaway
3rd - Saint Anthony Youth Organization





ʜᴀᴛᴀᴡɪ! ᴋᴀʀᴀᴋᴏʟ ɴɢ ᴋᴀʙᴀᴛᴀᴀɴ Nagtipon ang mga kabataan mula sa iba’t ibang barangay upang makiisa sa prusisyon para sa ka...
14/06/2026

ʜᴀᴛᴀᴡɪ! ᴋᴀʀᴀᴋᴏʟ ɴɢ ᴋᴀʙᴀᴛᴀᴀɴ

Nagtipon ang mga kabataan mula sa iba’t ibang barangay upang makiisa sa prusisyon para sa kapistahan ng mahal na patron, San Antonio de Padua. Ipinamalas ng mga kabataan ang kanilang pag-indak sa naturang prusisyon na nagsilbing mitsa ng pagkakaisa, pagpapatibay ng pananalig, at taos-pusong pagbibigay-galang sa ating mahal na patron.







(📷/https://www.facebook.com/share/1LVveLvixA/)

June 9, 2026 | Ika-anim na  araw ng Nobena-Misa para sa Kapiyestahan ni San Antonio de PaduaSa ika-anim na araw ng pag n...
11/06/2026

June 9, 2026 | Ika-anim na araw ng Nobena-Misa para sa Kapiyestahan ni San Antonio de Padua

Sa ika-anim na araw ng pag nonobena at pagmimisa sa karangalan ni San Antonio de Padua, ito ay pinangunahan ng mga taga Barangay Aga, kabataan ng Bayabasan Youth Club, Saint Anthony Youth Organization, at lahat ng mga Parokyano.

Nawa ay lagi nating pakatandaan na ang may tiwala at pananalig ay hindi pawawalaan ng Panginoon. Ang Panginoon ay laging nandyan para sa atin sa ano mang sitwasyon ng buhay.





June 8, 2026 | Ika-limang araw ng Nobena-Misa para sa Kapiyestahan ni San Antonio de PaduaSa ika-limang araw ng pag nono...
09/06/2026

June 8, 2026 | Ika-limang araw ng Nobena-Misa para sa Kapiyestahan ni San Antonio de Padua

Sa ika-limang araw ng pag nonobena at pagmimisa sa karangalan ni San Antonio de Padua, ito ay pinangunahan ng mga taga Barangay Kayrilaw, at lahat ng mga Parokyano.

Nawa ay mapatibay at maisagawa natin ang pagkakaroon ng habag at pagtulong sa ating kapwa sa ano mang sitwasyon. At huwag matakot magbahagi ng biyaya —dahil ito ay ibabalik sa atin ng siksik, liglig, at umaapaw ng Diyos na maawain.





June 7,  2026 | Ika-apat na araw ng Nobena-Misa para sa Kapiyestahan ni San Antonio de PaduaSa ika-apat  na araw ng pag ...
09/06/2026

June 7, 2026 | Ika-apat na araw ng Nobena-Misa para sa Kapiyestahan ni San Antonio de Padua

Sa ika-apat na araw ng pag nonobena at pagmimisa sa karangalan ni San Antonio de Padua, ito ay pinangunahan ng mga taga Barangay Mataas na Pulo. Kasama ang mga kabataan mula sa Kaybanban Youth Club, at lahat ng mga Parokyano.

Nawa ay maparangalan pa natin ang banal na Eukaristiya bilang katawan ng ating panginoong Hesu Kristo sa pamamagitan ng panalangin sa ating mahal na patron.





𝐘𝐀𝐏𝐀𝐊: 𝐘𝐚𝐤𝐚𝐩 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐧𝐢𝐧𝐢𝐥𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐧𝐭𝐨𝐧𝐢𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠𝐚 💛Sa ika-apat araw ng ating paglalakbay ng pananampalataya tungo sa ...
09/06/2026

𝐘𝐀𝐏𝐀𝐊: 𝐘𝐚𝐤𝐚𝐩 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐧𝐢𝐧𝐢𝐥𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐧𝐭𝐨𝐧𝐢𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠𝐚 💛

Sa ika-apat araw ng ating paglalakbay ng pananampalataya tungo sa Kapistahan ni San Antonio de Padua, narito ang pangalawang pagninilay mula sa Youth Pilgrim Sharer na si Angeline Saldania na nagmula sa Kaybanban Youth Club.

Sa Kaniyang pagmumuni-muni, kaniyang na pagtanto na mayroong mga bagay na kailangan ng tamang panahon para maunawaan at maisapuso natin. Gayundin kaniyang na ilarawan si San Antonio bilang isang modelo ng pagiging huwaran, mapagkumbaba, matulungin, at matatag sa pananampalataya.






June 6, 2026 | Ikatlong araw ng Nobena-Misa para sa Kapiyestahan ni San Antonio de PaduaSa Ikatlong araw ng pag nonobena...
07/06/2026

June 6, 2026 | Ikatlong araw ng Nobena-Misa para sa Kapiyestahan ni San Antonio de Padua

Sa Ikatlong araw ng pag nonobena at pagmimisa sa karangalan ni San Antonio de Padua, ito ay pinangunahan ng mga taga Barangay Kaylaway. Kasama ang mga kabataan mula sa Bisig Kabataan, Batang Youth Club, As-is Youth Club, at lahat ng mga Parokyano.

Ang presensya at panalangin ninyo ay tunay na nagbibigay-lakas at pag-asa sa ating pamayanan. Nawa’y patuloy tayong pagpalain ng ating mahal na Patron. Hiling namin na gabayan niya kayo sa bawat hakbang, pagkalooban ng mabuting kalusugan, at pag-asa sa oras ng pangangailangan.

Patuloy tayong manalangin at magtulungan bilang magkakapatid sa pananampalataya. San Antonio de Padua, ipanalangin mo po kami at ang aming mga pamilya.





𝐘𝐀𝐏𝐀𝐊: 𝐘𝐚𝐤𝐚𝐩 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐧𝐢𝐧𝐢𝐥𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐧𝐭𝐨𝐧𝐢𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠𝐚 💛Sa ikatlong araw ng ating paglalakbay ng pananampalataya tungo sa ...
07/06/2026

𝐘𝐀𝐏𝐀𝐊: 𝐘𝐚𝐤𝐚𝐩 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐧𝐢𝐧𝐢𝐥𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐧𝐭𝐨𝐧𝐢𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠𝐚 💛

Sa ikatlong araw ng ating paglalakbay ng pananampalataya tungo sa Kapistahan ni San Antonio de Padua, narito ang pangalawang pagninilay mula sa ating Youth Pilgrim Sharer na sina Janine Taller, Kyle Vida, at Jacquelyn Padayao na nagmula sa Batang Youth Club at Bisig Kabataan ng Kaylaway.

Sa kanilang pagmumuni-muni, kanilang naibahagi ang pagiging bukas at makapangyarihan ng Panginoon sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaniyang sarili sa atin sa banal na Eukaristiya at dugo. Hindi nawawala ang Panginoon siya ay kasama natin, ang naniniwala sa kanya ay maliligtas. At kaakibat nito ang ating pagpapasalamat sa mga biyaya, mahirap man ang buhay sa lupa ngunit kapiling natin ang Panginoon sa araw-araw.






𝐘𝐀𝐏𝐀𝐊: 𝐘𝐚𝐤𝐚𝐩 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐧𝐢𝐧𝐢𝐥𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐧𝐭𝐨𝐧𝐢𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠𝐚 💛Sa pangalawang araw ng ating paglalakbay ng pananampalataya tungo ...
05/06/2026

𝐘𝐀𝐏𝐀𝐊: 𝐘𝐚𝐤𝐚𝐩 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐧𝐢𝐧𝐢𝐥𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐧𝐭𝐨𝐧𝐢𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠𝐚 💛

Sa pangalawang araw ng ating paglalakbay ng pananampalataya tungo sa Kapistahan ni San Antonio de Padua, narito ang pangalawang pagninilay mula sa ating Youth Pilgrim Sharer na si Hart Laveine Bacquian na nagmula sa Caylungon Youth Club.

Sa kanyang pagmumuni-muni, ipinapaalala ni San Antonio na ang bawat panalangin ay daan tungo sa pag-asa at kapayapaan. Ang kanyang buhay ng kababaang-loob, pagtulong sa kapwa, at matibay na pananampalataya ay nagsisilbing huwaran ng tunay na pagmamahal sa Diyos. Nawa’y magsilbi itong paalala na sa gitna ng ating mga pagsubok, hindi tayo nag-iisa sapagkat ang Panginoon ay laging nakikinig at gumagabay, at tayo’y tinatawag na maging instrumento ng pag-ibig at kabutihan para sa iba.

Hanapin ang KATOTOHANAN, patibayin ang PANANAMPALATAYA, at
gawing CENTRO NG BUHAY ang Diyos na may kapal.






Address

Nasugbu
4231

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SAPP - Parish Youth Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share