29/04/2021
Sa bawat maliliit na bayan katulad ng Nampicuan, magkakakilala ang mga magka-kapitbahay. "Mag-kadugtong ang bituka" ang kadalasang kasabihan. Nagbibigayan/nagpapahiraman ng mga mumunting bagay katulad ng asin, rekado sa lutuin o kaya ay bigas. Hindi naghihintay ng kapalit o pagbabayad ng "utang na loob". Dahil alam mo na kapag ikaw naman ang nangailangan, bukas-palad ang bawat isa na bibigyan ka ng iyong hinahanap basta meron sila nito.
Ang pagbubuklod na ito ng kumonidad ang siyang batayan ng ating Obispo na umpisahan ang pagtutulungan sa panahon ng pandemya sa pamamagitan ng pagbubukas ng COMMUNITY PANTRY na kung saan, ang mga magkakapitbahay/kabarangay ay magtulungan na ibsan ang pangangailangan ng ating mga kababayan na lubos na naapektuhan ng pandemya. Marami ang nawalan ng trabaho, kinakapos o nawala ang kita, walang mapagkukunan ng pandagdag sa hapag-kainan.
Kumakatok kami sa inyong mga puso na may kakayahang tumulong at mag-bahagi ng kahit na anong bagay na makakalunas sa panandaliang pang-tawid gutom ng ating mga kababayan. Ang Diocesan Shrine of the Holy Face of Jesus of Manopello, Immaculate Conception Parish Church ang mangunguna sa pagbibigay-tulong sa mga nagangailangan. Mangyari pong makipag-ugnayan sa simbahan kung ano man po ang inyong maibabahagi. Maraming salamat po at kasihan nawa kayo ng ating Inang Maria at ng Holy Face!
A