TVCN World Conquest Ministry

TVCN World Conquest Ministry Loving God, Loving People, & Changing the World

25/05/2026
Sunday Revival Highlights | 05-24-2026Preacher: Ptr. Ruben Malugao
24/05/2026

Sunday Revival Highlights | 05-24-2026
Preacher: Ptr. Ruben Malugao

24/05/2026

"Ipanalangin natin na ang bawat kaluluwang pumapasok sa pintuan ng ating simbahan ay hindi lang maging numero, kundi maging mga buhay na patotoo ng pagmamahal at kapangyarihan ni Hesus." —Ptr. Ruben Malugao

24/05/2026

"Huwag nating ipagkait ang Life Class sa mga taong ipinagkatiwala sa atin ng Diyos. Sila ang ating pananagutan. Huwag kayong makuntento sa pag-upo lang tuwing Linggo. Marami pang gustong gawin ang Diyos sa buhay ninyo. Mag-enroll, tapusin, at maranasan ang tunay na Life Class." —Ptr. Ruben Malugao

24/05/2026

"Mga kapatid, ang konsolidasyon na walang Life Class ay parang panganganak na walang pagpapalaki nagiging dahilan lang ito ng espirituwal na pagkamatay ng mga bagong muwang." —Ptr. Ruben Malugao

24/05/2026

"Ang dulo ng konsolidasyon ay hindi lang para maging ligtas ang tao, kundi para siya naman ang magligtas at mag-alaga ng iba. Ang Life Class ang nagtatawid sa Isang tao mula sa pagiging "palamuti sa simbahan tungo sa pagiging "manggagawa sa kaharian ng Diyos." Dito ipinanganak ang mga bagong lider at cell group leaders." —Ptr. Ruben Malugao

24/05/2026

"Bago tayo nakakilala kay Hesus, ang utak natin ay puno ng "virus" ng mundo-takot, maling pananaw sa pera, imoralidad, at inggit. Ang Life Class ang "spiritual reformatting" kung saan ang Salita ng Diyos ang nagiging bagong OS (Operating System) natin." —Ptr. Ruben Malugao

24/05/2026

"Huwag kayong umayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang malaman ninyo ang kalooban niya..." (Sulat ng mga Taga-Roma 12:2)

24/05/2026

"Ang konsolidasyon ay hindi lang pagpapasimba tuwing Linggo; ito ay pagbabago ng lifestyle. Sa loob ng siyam na linggo (o depende sa curriculum ninyo), tinuturuan ang mag-aaral kung paano magkaroon ng disiplina sa pananalangin, pagbabasa ng Bibliya, at pamumuhay nang may kabanalan." —Ptr. Ruben Malugao

24/05/2026

"Pinalaya tayo ni Cristo upang manatiling malaya. Kaya magpakatibay kayo, at huwag nang paalipin muli." (Sulat sa mga Taga-Galacia 5:1)

24/05/2026

"Magpakaugnay kayo sa kanya at itatag ninyo ang inyong buhay sa kanya. Magpakatibay kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at laging magpasalamat sa Diyos."
(Sulat sa mga Taga-Colosas 2:7)

Address

Naic
4110

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TVCN World Conquest Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to TVCN World Conquest Ministry:

Share