Diocesan Shrine of the Immaculate Conception of Mary

Diocesan Shrine of the Immaculate Conception of Mary Official page. The First Diocesan Shrine in the Diocese of Imus and considered the largest. A small church made of stone was finished in 1840. Tagle D.D.

Naic was originally a barrio of Maragondon under the parish of Nuestra Señora de la Asunción. Earlier it became part of the Jesuit Hacienda and a visita under the patronage of San Isidro Labrador was established in 1693. In 1796, the filipino secular clergy established it as an independent parish under the patronage of La Inmaculada Concepción. During the tenure of Fr. Modesto de Castro, a convent

o made of stone was constructed and inaugurated in 1861. In this convento, Fr. Modesto de Castro finished his famous novel “Ang Pagsusulatan ni Urbana at Felisa” in 1863. In 1865 the parish was given to the Spanish Dominican friars who in 1830 had acquired the Hacienda de Naic. The Dominicans built a bigger church in neo-gothic style and a bigger convento was inaugurated in 1892. The church was partly damaged during the Second World War. The convent was used as a public school during the Japanese time and a temporary hospital during the liberation. The church was dedicated by H.E. Ricardo Cardinal Vidal D.D. on November 17, 1996 and it was declared as The Diocesan Shrine of the Immaculate Conception on December 8, 1996 by Bishop Manuel Sobrevinas, D.D. The Convento was renovated in 2009 and was blessed by the Most Rev. Luis Antonio G. on November 16, 2009.

𝑷𝒂𝒈𝒈𝒖𝒏𝒊𝒕𝒂 𝒌𝒂𝒚 𝑺𝒂𝒏𝒕𝒂 𝑴𝒐𝒏𝒊𝒄𝒂Agosto 27Si 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗮 𝗠𝗼𝗻𝗶𝗰𝗮 ay kilala bilang isang huwaran ng matiyaga, mapagmahal, at mapanalang...
27/08/2026

𝑷𝒂𝒈𝒈𝒖𝒏𝒊𝒕𝒂 𝒌𝒂𝒚 𝑺𝒂𝒏𝒕𝒂 𝑴𝒐𝒏𝒊𝒄𝒂
Agosto 27

Si 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗮 𝗠𝗼𝗻𝗶𝗰𝗮 ay kilala bilang isang huwaran ng matiyaga, mapagmahal, at mapanalangining ina. Higit siyang nakikilala bilang 𝗶𝗻𝗮 𝗻𝗶 𝗦𝗮𝗻 𝗔𝗴𝘂𝘀𝘁𝗶𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗶𝗽𝗼𝗻𝗮, ngunit ang kanyang kabanalan ay hindi lamang nasusukat sa pagiging ina ng isang dakilang santo. Ang kanyang sariling buhay ay isang makapangyarihang patotoo ng pananampalataya, pagtitiis, at pagtitiwala sa Diyos.

Isinilang si Santa Monica noong humigit-kumulang 332 sa Hilagang Aprika. Bilang isang kabataang babae, napangasawa niya si Patricius, na ayon sa mga salaysay ay may ibang pag-uugali at hindi pa Kristiyano noong una. Sa kabila ng mga pagsubok sa kanilang pamilya, nanatili si Monica sa panalangin at hindi nawalan ng pag-asa. Sa paglipas ng panahon, nabinyagan din si Patricius bago siya pumanaw.

Ngunit isa sa pinakamalaking paghihirap sa kanyang puso ay ang kanyang anak na si Agustin. Bilang isang kabataan at binata, nagkaroon si Agustin ng mga paghahanap at pagpili sa buhay na labis na nagpalayo sa kanya sa pananampalatayang kinalakhan niya. Hindi ito ikinubli ni Santa Monica sa kanyang puso—𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝗴𝗱𝗮𝘀𝗮𝗹 𝗻𝗶𝘆𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗮𝗸 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗶𝘁𝗶𝗶𝘀 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝘀𝗮.

Sa halip na pilitin o talikuran si Agustin, patuloy siyang nanalangin at umasa sa pagkilos ng Diyos. Ayon sa tanyag na tradisyon tungkol sa kanyang buhay, minsang sinabi sa kanya ni 𝗦𝗮𝗻 𝗔𝗺𝗯𝗿𝗼𝘀𝗶𝗼 ang mga salitang madalas isalin bilang: “𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗺𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗵𝗮𝗺𝗮𝗸 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗮𝗸 𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗵𝗮.” Bagama't ang eksaktong anyo ng pananalitang ito ay naging bahagi ng popular na tradisyon, malinaw ang mensahe: ang taimtim na panalangin at pagtitiwala sa Diyos ay hindi nasasayang.

Malapit din sa puso ng tradisyong Agustino ang 𝘂𝗴𝗻𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗶 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗮 𝗠𝗼𝗻𝗶𝗰𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗕𝗶𝗿𝗵𝗲𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮, 𝗜𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗻𝘀𝗼𝗹𝗮𝗰𝗶𝗼𝗻. Ayon sa isang matandang debosyonal na tradisyon, sa gitna ng kanyang matinding pag-aalala at pagluha para sa kanyang anak, si Santa Monica ay tumanggap ng aliw at pagpapalakas mula sa Mahal na Birhen. Inuugnay sa tradisyong ito ang 𝘀𝗶𝗻𝘁𝘂𝗿𝗼𝗻 𝗼 𝗰𝗶𝗻𝗰𝘁𝘂𝗿𝗲, na ibinigay ng Mahal na Birhen at naging sagisag ng maka-inang pagkalinga ni Maria at ng pagtitiis at pagtitiwala sa Diyos.

Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, dumating ang araw na nagbalik-loob si Agustin at nagpabinyag kay 𝗦𝗮𝗻 𝗔𝗺𝗯𝗿𝗼𝘀𝗶𝗼. Ang pagbabalik-loob ni San Agustin ay naging isa sa pinakamahalagang kabanata sa kasaysayan ng Simbahan. Ngunit hindi ito nangangahulugang si Santa Monica lamang ang “dahilan” ng kanyang pagbabalik-loob—ito ay bunga ng pagkilos ng Diyos, na sinabayan ng pagmamahal, panalangin, at matiyagang presensya ng kanyang ina.

Matapos makita ang pagbabago ng kanyang anak, naglakbay si Monica kasama niya patungo sa kanilang tahanan sa Hilagang Aprika. Ngunit habang nasa Ostia, Italya, nagkasakit siya at pumanaw noong 387. Bago siya pumanaw, ipinahayag niya ang isang napakagandang pagtitiwala sa Diyos. Para kay Santa Monica, natupad na ang kanyang pinakamalalim na hangarin: nakita niyang natagpuan ng kanyang anak ang Panginoon.

Ang buhay ni Santa Monica ay nagpapaalala sa atin na may mga taong mahal natin na maaaring dumaan sa panahon ng pagkalito, paglayo, o paghahanap. Hindi natin kayang kontrolin ang puso ng ibang tao, ngunit maaari tayong 𝗺𝗮𝗴𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹, 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘁𝗶𝘆𝗮𝗴𝗮, 𝗮𝘁 𝗶𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝘁𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗶𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀.

Si Santa Monica ay tunay na huwaran hindi lamang ng mga ina, kundi ng lahat ng 𝗺𝗮𝘆 𝗽𝘂𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗵𝗶𝗵𝗶𝗻𝘁𝗮𝘆, 𝗻𝗮𝗴𝗱𝗮𝗿𝗮𝘀𝗮𝗹, 𝗮𝘁 𝘂𝗺𝗮𝗮𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗶𝗻𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹.

𝑷𝒂𝒏𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈𝒊𝒏

Ama naming makapangyarihan, dinaramayan mo ang mga nagdadalamhati. Ang matimyas na pagluha ni Santa Monica ay tinugon mo ng pagbubunsod na magbagong-buhay si Agusting anak niya. Bilang tugon sa kanilang magkatuwang na pananalangin, loobin mong aming tangisan ang pagsuway namin at marapatin mong ang kapatawaran mo ay aming kamtin sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

𝑆𝑎𝑛𝑡𝑎 𝑀𝑜𝑛𝑖𝑐𝑎, 𝑖𝑝𝑎𝑛𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑚𝑜 𝑘𝑎𝑚𝑖.

𝗣𝗔𝗔𝗡𝗬𝗔𝗬𝗔𝙋𝙧𝙪𝙨𝙞𝙨𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜𝙙𝙚𝙙𝙚𝙗𝙤𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙨𝙖 𝙈𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙋𝙖𝙩𝙧𝙤𝙣𝙖, 𝙄𝙣𝙢𝙖𝙘𝙪𝙡𝙖𝙙𝙖 𝘾𝙤𝙣𝙘𝙚𝙥𝙘𝙞𝙤𝙣 𝙠𝙖𝙨𝙖𝙢𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙎𝙖𝙣𝙩𝙤 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙜𝙙𝙞𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙥𝙞𝙨𝙩𝙖...
27/08/2026

𝗣𝗔𝗔𝗡𝗬𝗔𝗬𝗔

𝙋𝙧𝙪𝙨𝙞𝙨𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜𝙙𝙚𝙙𝙚𝙗𝙤𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙨𝙖 𝙈𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙋𝙖𝙩𝙧𝙤𝙣𝙖, 𝙄𝙣𝙢𝙖𝙘𝙪𝙡𝙖𝙙𝙖 𝘾𝙤𝙣𝙘𝙚𝙥𝙘𝙞𝙤𝙣 𝙠𝙖𝙨𝙖𝙢𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙎𝙖𝙣𝙩𝙤 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙜𝙙𝙞𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙥𝙞𝙨𝙩𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙬𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝘼𝙜𝙤𝙨𝙩𝙤, (𝙎𝙖𝙣 𝙍𝙤𝙦𝙪𝙚, 𝙎𝙖𝙣 𝘼𝙜𝙪𝙨𝙩𝙞𝙣, 𝙎𝙖𝙣 𝙅𝙤𝙨𝙚 𝘼𝙧𝙞𝙢𝙖𝙩𝙚𝙖, 𝙖𝙩 𝙎𝙖𝙣 𝙉𝙞𝙘𝙤𝙙𝙚𝙢𝙤)

𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝟯𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗟𝗶𝗻𝗴𝗴𝗼
𝟱:𝟬𝟬𝗽𝗺 - 𝗕𝗮𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗠𝗶𝘀𝗮
𝟲:3𝟬𝗽𝗺 - 𝗣𝗿𝘂𝘀𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻

Ang lahat po ay inaanyayahan na makiisa.

Maraming salamat po.





𝙋𝘼𝘽𝘼𝙏𝙄𝘿Dahil nalalapit na muli ang Kaarawan ng ating Mahal na Birheng Maria, narito ang oras ng Misa at Prusisyon sa kar...
26/08/2026

𝙋𝘼𝘽𝘼𝙏𝙄𝘿

Dahil nalalapit na muli ang Kaarawan ng ating Mahal na Birheng Maria, narito ang oras ng Misa at Prusisyon sa karangalan ng Mahal na Birheng Maria sa ika-8 ng Setyembre.

𝗕𝗔𝗡𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗠𝗜𝗦𝗔:
6:30 ng umaga
𝗣𝗥𝗨𝗦𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡:
6:00 ng gabi
* hinihikayat ang lahat na dalhin kani-kanilang imahe ng Mahal na Birhen.

𝙋𝘼𝙉𝘼𝙒𝘼𝙂𝘼𝙉:

"𝘙𝘦𝘨𝘢𝘭𝘰 𝘬𝘢𝘺 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘢, 𝘙𝘦𝘨𝘢𝘭𝘰 𝘴𝘢 𝘒𝘢𝘱𝘸𝘢"

Patuloy pa rin ang pangangalap natin ng bigas na ipamamahagi natin sa ating mga kapatid na kapuspalad.

Maaari ninyo po itong dalhin anumang araw sa opisina ng ating parokya o ialay sa mga natitirang Misa natin bago ang pista. Maaari rin kayong mag-alay ng bigas sa mismong araw ng Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria.

Muli, lubhang ikasisiya ng ating Mahal na Ina ang matulungan natin ang ating kapwa.

Maraming Salamat po!
Viva La Virgen!

𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗻𝗴𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔-𝗥𝗘𝗬𝗡𝗔 𝗻𝗴 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗻𝗮 𝗕𝗜𝗥𝗛𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔 (𝗤𝘂𝗲𝗲𝗻𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗼𝗳 𝗠𝗮𝗿𝘆)Agosto 22𝘉𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘙𝘦𝘺𝘯𝘢 𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵, 𝘪𝘥𝘪𝘯𝘢𝘥𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘵𝘢𝘺...
21/08/2026

𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗻𝗴
𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔-𝗥𝗘𝗬𝗡𝗔 𝗻𝗴 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗻𝗮 𝗕𝗜𝗥𝗛𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔 (𝗤𝘂𝗲𝗲𝗻𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗼𝗳 𝗠𝗮𝗿𝘆)
Agosto 22

𝘉𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘙𝘦𝘺𝘯𝘢 𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵, 𝘪𝘥𝘪𝘯𝘢𝘥𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘪 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘢 𝘢𝘵 𝘥𝘪𝘯𝘶𝘥𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘈𝘯𝘢𝘬 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘥𝘢𝘴𝘢𝘭 𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘢𝘪𝘯𝘨.

Pitong araw matapos ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria, ginugunita naman natin ang kanyang pagka-reyna. Ito ay upang maalala natin at ipagdiwang ang gantimpala na ibinigay ng Diyos sa kanya noong siya’y kinoronahan upang maging Reyna ng Langit at ng Mundo matapos makapa*ok si Maria sa kaharian ng langit. Dahil sumusunod nang buong puso ang Mahal na Birheng Maria sa kalooban ng Diyos, tinanggap niya ang misyon na magiging Ina ni Hesus at nating lahat.

Ang biyayang natanggap ni Maria ay hindi lamang para sa kanya kundi ito ay para sa ating lahat. Ang reyna sa kaharian ng Israel ay tagapamagitan sa mga tao at sa hari. Bilang Reyna ng langit, idinadalangin tayo ni Maria at dinudulog niya sa kanyang Anak ang ating mga dasal at hinaing. Ni minsan, hindi tinatanggihan ni Hesus si Maria sapagkat ganito ipinapakita ng ating Panginoon ang pagmamahal sa Kanyang Ina. Kung ninanais natin na mas mapalapit kay Hesukristo, nawa’y palalimin pa natin ang ating debosyon sa ating Mahal na Reyna. Maging taimtim tayo sa pagdarasal natin ng rosaryo at iba pang panalangin kay Maria. Higit sa lahat, sa tulong ng panalangin ng Mahal na Birhen, sikapin natin iwasan ang mga tukso at tayo ay sumunod sa kalooban ng Diyos. Sa pamamagitan nito, makakapa*ok tayo sa kaharian ng langit dahil alam natin na hindi pababayaan ng ating Reyna at Ina ang kanyang mga anak.

𝘖 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘢, 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘙𝘦𝘺𝘯𝘢 𝘢𝘵 𝘔𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘐𝘯𝘢, 𝘪𝘱𝘢𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪.

--------------------------------------
Ref.: https://www.olamarikina.com.ph/ang-mahal-na-birheng-maria-ating-ina-at-reyna
--------------------------------------






𝐅𝐈𝐀𝐓 𝐅𝐑𝐈𝐃𝐀𝐘 𝐑𝐄𝐅𝐋𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍:
21/08/2026

𝐅𝐈𝐀𝐓 𝐅𝐑𝐈𝐃𝐀𝐘 𝐑𝐄𝐅𝐋𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍:

𝗠𝗔𝗦𝗗𝗔𝗡𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟔Naghatid ng tulong, pag-asa at malasakit ang Caritas Imus at Metrobank Foundation kasama ang Minist...
20/08/2026

𝗠𝗔𝗦𝗗𝗔𝗡

𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Naghatid ng tulong, pag-asa at malasakit ang Caritas Imus at Metrobank Foundation kasama ang Ministri ng Pagkalinga ng ating parokya sa ilang kababayan nating naapektuhan ng patu-patuloy na malakas na pag ulan na naging sanhi ng mga pagbaha.
200 pamilya ang nabigyan ng tulong sa iba't ibang barangay ng ating parokya.

Taos-pusong pasasalamat sa 𝗠𝗲𝘁𝗿𝗼𝗯𝗮𝗻𝗸 𝗙𝗼𝘂𝗻𝗱𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗖𝗮𝗿𝗶𝘁𝗮𝘀 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀, 𝗣𝗮𝗿𝗶𝘀𝗵 𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗲 𝗧𝗲𝗮𝗺 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝗼𝗰𝗲𝘀𝗮𝗻 𝗦𝗵𝗿𝗶𝗻𝗲 & 𝗣𝗮𝗿𝗶𝘀𝗵 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗜𝗺𝗺𝗮𝗰𝘂𝗹𝗮𝘁𝗲 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗠𝗮𝗿𝘆 (𝗠𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴𝗮)
, 𝗮𝘁 𝗠𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗹𝗶𝗽𝘂𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗼𝗺𝘂𝗻𝗶𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 (𝗠𝗣𝗞), sa sama-samang pakikiisa sa paghahatid ng tulong at pag-asa sa mga komunidad na nangangailangan.

"𝘈𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘯𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘴𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘭𝘪𝘵 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢𝘨𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘣𝘪𝘴 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘢𝘵 𝘵𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘴𝘢 𝘵𝘢𝘩𝘪𝘮𝘪𝘬 𝘯𝘢 𝘥𝘢𝘢𝘯."

📷 Joann / Raffy





19/08/2026
𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐍𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐈Sama-sama nating ipanalangin ang minamahal nating mga pari ng ...
17/08/2026

𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐍𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐈

Sama-sama nating ipanalangin ang minamahal nating mga pari ng ating diyosesis para sa nalalapit nilang taunang banal na pagsasanay. Ating ialay sa Panginoon ang kanilang panahon ng pananalangin, katahimikan, at pagninilay. Hinihiling namin sa lahat na ipagdasal natin sila at nawa'y maging mabunga at makabuluhan ang pagsasanay na ito.

O Hesus, aming Mabuting Pastol, dinggin Mo ang aming panalangin para sa aming mga pari. Amen ‍🙏

𝗠𝗔𝗦𝗗𝗔𝗡𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪-𝗜𝗠𝗔𝗡𝗚 𝘀𝗮 𝗡𝗔𝗜𝗖𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝟭𝟱 - 𝟭𝟲, 𝟮𝟬𝟮𝟲Mga Kuhang larawan ng Pagdalaw ni Nanay Imang (Mahal na Birhen ng Fatima ng...
17/08/2026

𝗠𝗔𝗦𝗗𝗔𝗡

𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪-𝗜𝗠𝗔𝗡𝗚 𝘀𝗮 𝗡𝗔𝗜𝗖
𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝟭𝟱 - 𝟭𝟲, 𝟮𝟬𝟮𝟲

Mga Kuhang larawan ng Pagdalaw ni Nanay Imang (Mahal na Birhen ng Fatima ng Binakayan, Kawit, Cavite) sa ating Parokya at Pagpuprusisyon kasama ang Mahal na Birhen ng Asuncion at Nanay Inmaculada Concepcion.

• Agosto 15 ng hapon ay naganap ang isang Prusisyong alay kay Nanay Imang kasama ang Imahen ng Mahal na Birhen ng Asuncion na nagdiriwang ng kanyang Kapistahan at ng ating Nanay Inmaculada Concepcion.

• Agosto 16 ay nagkaroon ng isang Misa- parangal at pasasalamat para kay Nanay Imang sa pangunguna ni Rev. Fr. Julius De Sagun, kura paroko ng Pandiyosesis na Dambana at Parokya ng Mahal na Birhen ng Fatima sa Binakayan, bago umalis at umuwi pabalik sa Kanyang Dambana sa Binakayan

Nagkaroon din ng pagkakataon na makalapit, makahawak at makahalik ang mga mananampalataya sa imahen ng Birhen ng Fatima para idulog ang kanilang mga kahilingan.

Muli, ay nagpapasalamat ang sambayanan ni Nanay Inmaculada Concepcion ng Naic sa pagdalaw ni Nanay Imang para maipadama lalo sa bawat isa ang pag-ibig ni Kristo sa pamamagitan ng Kanyang Inang si Maria.






𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗻𝗶 𝗦𝗔𝗡 𝗥𝗢𝗤𝗨𝗘Agosto 16Si San Roque ay isang ika-14 na sirkulong santong Katoliko na kilala bilang patron ng: •...
15/08/2026

𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗻𝗶 𝗦𝗔𝗡 𝗥𝗢𝗤𝗨𝗘
Agosto 16

Si San Roque ay isang ika-14 na sirkulong santong Katoliko na kilala bilang patron ng:

• Mga may karamdaman sa balat at ketong
• Mga a*o at nag-aalaga o nagmamay-ari ng a*o
• Mga manlalakbay o pilgrim
• Mga doktor, nars, at manggagamot
• Mga taong napagbintangan o may maling paratang
• Mga binata
• Mga biktima ng salot at epidemya

Ipinanganak siya sa Montpellier, Pransiya, bilang anak ng gobernador. Ipinamahagi niya ang kanyang yaman sa mga mahihirap upang maglingkod bilang isang hamak na peregrino at manggagamot sa panahon ng matinding peste sa Italya.

𝙎𝙞𝙣𝙤 𝙨𝙞 𝙎𝙖𝙣 𝙍𝙤𝙦𝙪𝙚?

🔹 Kapanganakan at Simbolo:
- Ipinanganak noong 1295 na may tatak na pulang krus sa kanyang dibdib, senyales ng kabanalan at sagot sa panalangin ng kanyang ina.

🔹 Pag-iwan sa Kayamanan:
- Naulila sa edad na 20, ipinamigay niya ang lahat ng kanyang mana sa mga dukha.

🔹 Paglilingkod sa Maysakit:
- Naglakbay patungong Roma at kusang nag-alaga ng mga taong may nakakahawang sakit o bubonic plague.

🔹 Ang Tapat na A*o:
- Nang mahawa siya ng salot at lumikas sa gubat, isang a*o ang nagdala sa kanya ng tinapay araw-araw at dilaan ang kanyang mga sugat upang gumaling.

🔹 Kamatayan sa Bilangguan:
- Pag-uwi sa Pransiya, napagbintangan siyang espiya at ikinulong ng sarili niyang tiyuhin nang hindi niya inihayag ang kanyang tunay na pagkatao; namatay siya roon pagkalipas ng limang taon.
-----------------------------------------
𝙆𝙖𝙩𝙚𝙠𝙚𝙨𝙞𝙨: 𝘼𝙣𝙜 𝘼𝙧𝙖𝙡 𝙣𝙜 𝘽𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙣𝙞 𝙎𝙖𝙣 𝙍𝙤𝙦𝙪𝙚

Ang buhay ni San Roque ay isang buháy na ebanghelyo ng pag-ibig sa kapwa at lubos na pagtitiwala sa Diyos.

• 𝗔𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗹𝗮𝘆:
- Tinuruan tayo ni San Roque na ang tunay na Kristiyano ay handang talikuran ang luho ng mundo para sa kapakanan ng iba. Ang kanyang kayamanan ay hindi naging hadlang kundi naging daan para sa kawanggawa.

• 𝗔𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴-𝗮𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗚𝗶𝘁𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝘀𝘂𝗯𝗼𝗸:
- Sa panahon ng karamdaman at pag-iisa sa gubat at bilangguan, hindi nagreklamo si San Roque. Ipinapakita nito na ang presensya ng Diyos ay nananatili kahit sa pinakamadilim na sandali ng ating buhay.

• 𝗔𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱 𝗻𝗮 𝗪𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗼𝗻𝗱𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻:
- Ang pagpapagaling niya gamit ang tanda ng krus at ang kanyang pag-aalaga sa mga may-sakit kahit siya ay nahawa na ay patunay ng sakripisyong nagmula sa tunay na malasakit.
---------------------------------------

𝙋𝙖𝙣𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣 𝙠𝙖𝙮 𝙎𝙖𝙣 𝙍𝙤𝙦𝙪𝙚 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙆𝙖𝙜𝙖𝙡𝙞𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙖𝙩 𝙋𝙧𝙤𝙩𝙚𝙠𝙨𝙮𝙤𝙣

O San Roque, tapat na lingkod ng Diyos at mapagkalingang patron ng mga maysakit, lumalapit kami sa iyo nang may buong pagpapakumbaba at pagtitiwala.

Noong ikaw ay nabubuhay pa, hindi mo inalintana ang panganib upang alagaan ang mga biktima ng salot. Hinarap mo ang sarili mong karamdaman nang may matatag na pananampalataya at pag-asa.

Ipanalangin mo kami sa Panginoong Hesukristo na ipagkaloob sa amin ang mga biyayang ito:

• Proteksyon sa Sakit:
- Hawakan mo at protektahan ang aming tahanan laban sa anumang nakakahawang karamdaman, peste, at panganib.

• Kagalingan ng Katawan at Kaluluwa:
- Ipagmamakaawa mo sa Diyos ang mabilis na paggaling ng lahat ng mga maysakit sa aming pamilya at sa buong mundo.

• Katatagan ng Loob:
- Bigyan mo kami ng lakas ng loob na tanggapin ang mga pagsubok sa buhay nang may kapayapaan at tiwala sa kalooban ng Ama.

Tulad ng a*ong nagdala sa iyo ng pagkain sa gubat, nawa ay maging instrumento rin kami ng kalinga at pagmamahal para sa aming kapwa na nagdurusa.

San Roque, ipanalangin mo kami at ang aming buong pamilya.

Amen.
----------------------------------------






Address

#02 Capt. C. Nazareno Street
Naic
4110

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Diocesan Shrine of the Immaculate Conception of Mary posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Diocesan Shrine of the Immaculate Conception of Mary:

Shortcuts

Share