20/09/2026
ππππππππππππ'π ππππππ ππππππ ππ ππππππππππ πππππππ
Setyembre 20, 2026
π¨ππ π΄πππππππ π©πππππ ππ π·ππππππππ ππππ πππ πΊππ π΄ππππ (20: 1-16a)
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang talinghagang ito: βAng paghahari ng Diyos ay katulad nito: lumabas nang umagang-umaga ang may-ari ng ubasan upang humanap ng mga manggagawa. Nang magkasundo na sila sa upa na isang denaryo maghapon, silaβy pinapunta niya sa kanyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag-iikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-tayo lamang sa liwasang-bayan. Sinabi niya sa kanila, βPumaroon din kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.β At pumaroon nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-iikalabindalawa ng tanghali at nang mag-iikatlo ng hapon, at gayun din ang ginawa niya. Nang mag-iikalima ng hapon, siyaβy lumabas uli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, βBakit kayo tatayu-tayo lang dito sa buong maghapon?β βWala pong magbigay sa amin ng trabaho, e!β sagot nila. At sinabi niya, βKung gayon, pumaroon kayo at gumawa sa aking ubasan.β
βPagtatakip-silim, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala, βTawagin mo na ang mga manggagawa at silaβy upahan, magmula sa huli hanggang sa buong nagtrabaho.β Ang mga nagsimula nang mag-iikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang denaryo. At nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isaβy tumanggap din ng isang denaryo. Pagkatanggap nito, nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan. Sabi nila, βIsang oras lang pong gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagpagal at nagtiis ng nakapapasong init ng araw. Bakit naman po ninyo pinagpare-pareho ang upa sa amin?β At sinabi niya sa isa sa kanila, βKaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi baβt nagkasundo tayo sa isang denaryo? Kunin mo ang ganang iyo, at umalis ka na. Maano kung ibig kong upahan ang nahuli nang tulad ng upa ko sa iyo? Wala ba akong karapatang gawin ang aking maibigan sa ari-arian ko? O naiinggit ka lang sa aking kabutihang-loob?β Kayaβt ang nahuhuli ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.β
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.