06/09/2026
[09 - 06 - 2026]
WHEN WE GO THROUGH TRIALS, GOD IS STILL AT WORK.
1 Peter 4:12–13
Ang pagsubok ay bahagi ng buhay. Hindi ibig sabihin na kapag anak tayo ng Diyos ay wala na tayong pagdadaanan. Sa gitna ng kapayapaan, hindi absent ang pagsubok—even as children of God.
Pero bakit nga ba tayo dumadaan sa trials?
1. Trials build endurance.
James 1:2–4
Ang bawat failure, disappointment, at pagsubok ay maaaring gamitin ng Diyos upang turuan tayong maging matatag at mapagpasensya. Hindi man natin naiintindihan agad kung bakit nangyayari, may ginagawa ang Diyos sa ating puso habang tayo ay nagtitiis.
2. Trials shape our character.
Romans 5:3–5
Ang pagsubok ay nagtuturo sa atin na magpakumbaba at lumapit sa Diyos. Pinapaalala nito na hindi natin kayang harapin ang lahat sa sarili nating lakas. At sa gitna ng paghihirap, binibigyan tayo ng Diyos ng hope.
Ang character ay hindi lamang tungkol sa kung ano ang nakikita ng iba—ito ay kung ano ang hinuhubog ng Diyos sa ating puso at isip.
3. Trials refine our soul.
1 Peter 1:7
Katulad ng ginto na dumadaan sa apoy upang maging dalisay, ginagamit din ng Diyos ang trials upang linisin at ayusin ang ating buhay. Minsan, kailangan nating dumaan sa isang sitwasyon para makita natin ang mga bagay na kailangan nating baguhin at mas matutong lumapit sa Diyos.
And in every trial, God gives us promises.
1 Corinthians 10:13
Hindi tayo nag-iisa sa pagsubok. Ang Diyos ay tapat at nagbibigay Siya ng paraan upang malagpasan natin ito.
Romans 8:28
Kahit hindi natin nakikita ang buong picture, maaari tayong magtiwala na gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga umiibig sa Kanya.
James 1:12
May gantimpala para sa taong nananatiling matatag at patuloy na nagtitiwala sa Diyos.
Kaya huwag mong isipin na ang trial ay tanda na iniwan ka ng Diyos.
Minsan, sa mismong season na pinakamahirap, doon Niya tayo mas hinuhubog, pinapalakas, at inilalapit sa Kanya.
The trial may be difficult, but God is faithful.
Hindi man natin kontrolado ang circumstance, maaari nating piliing magtiwala sa Diyos na kasama natin sa bawat hakbang.
“Sa pagsubok, hindi tayo iniwan. Tayo ay hinuhubog.”
#𝗕𝗹𝗲𝘀𝘀𝗲𝗱𝗦𝘂𝗻𝗱𝗮𝘆