19/07/2026
𝗣𝗔𝗥𝗜𝗦𝗛 𝗟𝗜𝗦𝗧𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗜𝗥𝗖𝗟𝗘
Ngayong araw ay matagumpay na isinagawa sa ating parokya ang Listening Circle, isang makabuluhang pagtitipon na nagbigay ng pagkakataon sa bawat isa na makinig at magbahagi ng kanilang pananampalataya, karanasan, at mga saloobin sa diwa ng paglalakbay bilang Simbahan. Sa pamamagitan ng bukas na pakikinig at pag-uusap, higit nating naranasan ang presensya ng Diyos na kumikilos sa bawat isa. Nawa'y maging daan ito upang lalo pang mapalalim ang ating pagkakaisa, pakikibahagi, at pagtugon sa tawag ni Kristo na maging isang Simbahang nakikinig, naglilingkod, at nagmamahal.