22/09/2026
REVELATION 4:11 NLT
You are worthy, O Lord our God, to receive glory and honor and power. For you created all things, and they exist because you created what you pleased.
Bilang mga kabataan, marami tayong ginagawa at pinagdaraanan sa buhay. Maraming nangyayari—minsan tayo ay napapagod, nasasaktan, nadidismaya, at minsan naman ay masaya. Pero sa kabila ng lahat ng ito, patuloy pa rin ba nating nasasamba ang Panginoon? 🤔
Kabataan, palagi nating tandaan na ang lahat ng bagay sa mundong ito ay temporaryo lamang. Hindi lahat ng pinagdaraanan natin ay mananatili, at hindi rin permanente ang mga bagay na mayroon tayo ngayon.
Huwag nating gawing dahilan ang mga pangyayari sa buhay para tumigil tayo sa pagsamba sa Kanya. Sa halip, gamitin natin ang bawat season upang mas makilala, mapalapit, at patuloy na sumamba sa Panginoon. ✨
Habang tayo ay may hininga, let us give the highest praise that He deserves! 🙌