Ministry Of Altar Servers - Santa Candida Maria De Jesus Parish

Ministry Of Altar Servers - Santa Candida Maria De Jesus Parish Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ministry Of Altar Servers - Santa Candida Maria De Jesus Parish, Religious organisation, Naic.

๐๐€๐— ๐“๐„๐‚๐”๐Œ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’ |๐ƒ๐ž๐œ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’Noong nakaraang Ika-25 ng Disyembre 2024 ay pinangunahan ng mga myembro ng Ministry of ...
02/01/2025

๐๐€๐— ๐“๐„๐‚๐”๐Œ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’ |๐ƒ๐ž๐œ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’

Noong nakaraang Ika-25 ng Disyembre 2024 ay pinangunahan ng mga myembro ng Ministry of Altar Servers ng ating Parokya ang tradisyonal na Pax Tecum kung saan dumadalaw ang Niรฑo Hesus sa mga bahay.

Makikita sa iilang larawan sa ibaba ang mga bahay at tao na mapalad na nadalaw ng Niรฑo Hesus. Ang nasabing Pax Tecum ay umikot sa mga komunidad na nasasakupan ng ating Parokya, Santa Candida Maria de Jesus.

Nawa ay ating patuluyin si Hesus sa ating mga tahanan lalo na sa ating mga puso.

๐Œ๐ˆ๐๐ˆ๐’๐“๐‘๐˜ ๐Ž๐… ๐€๐‹๐“๐€๐‘ ๐’๐„๐‘๐•๐„๐‘๐’ |๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก๐ฅ๐ฒ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐  | ๐๐จ๐ฏ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’Kahapon, ika-10 ng Nobyembre ay isinagawa ng Ministry of A...
11/11/2024

๐Œ๐ˆ๐๐ˆ๐’๐“๐‘๐˜ ๐Ž๐… ๐€๐‹๐“๐€๐‘ ๐’๐„๐‘๐•๐„๐‘๐’ |๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก๐ฅ๐ฒ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐  | ๐๐จ๐ฏ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’

Kahapon, ika-10 ng Nobyembre ay isinagawa ng Ministry of Altar Servers ang kanilang buwanang pagpupulong matapos ang Banal na Misa ng 9:00 ng umaga.

Naging sentro ng nasabing pagpupulong ang paglalahad ng iba't-ibang patakaran ng nasabing ministri at ang paghahanda sa nalalapit na pagdiriwang ng Kristong Hari.

๐Œ๐ˆ๐๐ˆ๐’๐“๐‘๐˜ ๐Ž๐… ๐€๐‹๐“๐€๐‘ ๐’๐„๐‘๐•๐„๐‘๐’ ๐…๐Ž๐‘๐Œ๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ |๐€๐ฉ๐ซ๐ข๐ฅ ๐Ÿ•, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’Noong ika-7 ng Abril ay isinagawa ang ikalawang formation ng Ministri ...
15/04/2024

๐Œ๐ˆ๐๐ˆ๐’๐“๐‘๐˜ ๐Ž๐… ๐€๐‹๐“๐€๐‘ ๐’๐„๐‘๐•๐„๐‘๐’ ๐…๐Ž๐‘๐Œ๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ |๐€๐ฉ๐ซ๐ข๐ฅ ๐Ÿ•, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’

Noong ika-7 ng Abril ay isinagawa ang ikalawang formation ng Ministri ng Lingkod ng Dambana ng Santa Candida Maria De Jesus, na pinangunahan ni Bro. Joemar Andoloy.

Binigyang diin sa nasabing Formation ang kahalagahan ng komunikasyon sa isang grupo. May mga parte rin tungkol sa Muling Pagkabuhay ni Hesus at sa kanyang mga katangian at kaugalian na dapat isabuhay at ipadama sa kapwa.

๐Œ๐ˆ๐๐ˆ๐’๐“๐‘๐˜ ๐Ž๐… ๐€๐‹๐“๐€๐‘ ๐’๐„๐‘๐•๐„๐‘๐’ ๐…๐Ž๐‘๐Œ๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ |๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ๐ŸŽ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’Noong ika-10 Ng Marso ay isinagawa ang unang formation ng Ministri ng...
12/03/2024

๐Œ๐ˆ๐๐ˆ๐’๐“๐‘๐˜ ๐Ž๐… ๐€๐‹๐“๐€๐‘ ๐’๐„๐‘๐•๐„๐‘๐’ ๐…๐Ž๐‘๐Œ๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ |๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ๐ŸŽ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’

Noong ika-10 Ng Marso ay isinagawa ang unang formation ng Ministri ng Lingkod ng Dambana ng Santa Candida Maria De Jesus, na pinangunahan ni Bro. Joemar Andoloy na may temang For many are CALLED but few are CHOSEN.

Binigyang diin din dito ang mga negatibong nakikita sa ministri at kung ano ang maaaring maging solusyon sa mga ito.

May mga parte rin tungkol sa Lingkod Altar sa Sambayanan ng Diyos, Lingkod Altar patungo sa Pagpapakabanal at Lingkod Altar sa Hapag ng Panginoon.

Ang nasabing Formation ay susundan muli sa ika-17 ng Marso ala-1 ng tanghali hanggang alas-4 ng hapon.

15/02/2024
๐๐€๐— ๐“๐„๐‚๐”๐Œ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘ |๐ƒ๐ž๐œ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ“-๐Ÿ‘๐ŸŽ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘Noong nakaraang Ika-25 hanggang 30 ng 2023 ay pinangunahan ng mga myembro ng Ministr...
02/01/2024

๐๐€๐— ๐“๐„๐‚๐”๐Œ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘ |๐ƒ๐ž๐œ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ“-๐Ÿ‘๐ŸŽ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘

Noong nakaraang Ika-25 hanggang 30 ng 2023 ay pinangunahan ng mga myembro ng Ministry of Altar Servers ng ating Parokya ang tradisyonal na Pax Tecum kung saan dumadalaw ang Niรฑo Hesus sa mga bahay.

Makikita sa iilang larawan sa ibaba ang mga bahay at tao na mapalad na nadalaw ng Niรฑo Hesus sa nakalipas na mga araw. Ang nasabing Pax Tecum ay umikot sa mga komunidad na nasasakupan ng ating Parokya, Santa Candida Maria de Jesus.

Nawa ay ating patuluyin si Hesus sa ating mga tahanan lalo na sa ating mga puso.

๐— ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐˜† ๐—ผ๐—ณ ๐—”๐—น๐˜๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—œ๐—ป๐˜€๐˜๐—ฎ๐—น๐—น๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป |๐—ข๐—ฐ๐˜๐—ผ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿญ๐Ÿด, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฏ|Kasabay ng pagdiriwang ng ika-2 Taong Anibersaryo ng ating Paro...
20/10/2023

๐— ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐˜† ๐—ผ๐—ณ ๐—”๐—น๐˜๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—œ๐—ป๐˜€๐˜๐—ฎ๐—น๐—น๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป
|๐—ข๐—ฐ๐˜๐—ผ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿญ๐Ÿด, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฏ|

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-2 Taong Anibersaryo ng ating Parokya noong ika-18 ng Oktubre 2023 ay isinagawa ang pagtatalaga sa mga bagong myembro ng Ministry of Altar Servers.

Dalawamput-anim (26) na Kabataan na galing sa iba't-ibang komunidad na nasasakupan ng ating Parokya ang mga bagong myembro na dumaan sa ilang linggong paghuhubog na pinangunahan ng mga opisyales ng Ministry of Altar Servers.

๐— ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—ฌ ๐—ข๐—™ ๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—”๐—ฅ ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ ๐—™๐—ข๐—ฅ๐— ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—กAng Ministry of Altar Servers ng ating Parokya, Santa Candida Maria de Jesus ay magka...
29/09/2023

๐— ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—ฌ ๐—ข๐—™ ๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—”๐—ฅ ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ ๐—™๐—ข๐—ฅ๐— ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

Ang Ministry of Altar Servers ng ating Parokya, Santa Candida Maria de Jesus ay magkakaroon ng Formation o Paghuhubog para sa mga Kabataan na nais maging Lingkod ng Dambana.

Ang nasabing Paghuhubog ay nagsimula noong linggo at magtatagal hanggang ika-15 ng Oktubre. Ito ay nagaganap tuwing Linggo sa ganap na ika-2 ng Hapon. Ang nasabing paghuhubog ay pangungunahan ni G. John Andrei Bagyao, Coordinator at ni Sem. Ivan Eludo.

Makikita sa larawan ang mga sumusunod na kinakailangan upang maging bahagi ng nasabing ministry.

๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ |๐— ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐˜† ๐—ผ๐—ณ ๐—”๐—น๐˜๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ |๐—๐˜‚๐—ป๐—ฒ ๐Ÿญ๐Ÿฌ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฏNoong nakaraang Sabado, ika-10 ng Hunyo 2023 ay ginanap ng...
12/06/2023

๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ |
๐— ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐˜† ๐—ผ๐—ณ ๐—”๐—น๐˜๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ |๐—๐˜‚๐—ป๐—ฒ ๐Ÿญ๐Ÿฌ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฏ

Noong nakaraang Sabado, ika-10 ng Hunyo 2023 ay ginanap ng mga myembro ng Ministry of Altar Servers ang kanilang pagtatalaga ng mga bagong opisyal ng nasabing Ministry. Ito ay pinangunahan ni G. Aj Tejano, Ministry of Altar Servers Adviser at G. Ivan Eludo ang kasalukuyang Coordinator ng Ministry of Altar Servers.

Hinirang bilang mga bagong opisyales sina
John Andrei Bagyao bilang Coordinator, Vince Laurinaria bilang Asst. Coordinator, John Kervie Dela Cruz bilang Secretary, Christian Carl Halog bilang Treasurer at Ronald Steve Rubia bilang Auditor. Hinirang din na bagong Ministry Adviser si Bro. Ismael Asis Sureta.

Pagbati sa mga bagong hirang na opisyales ng Ministry of Altar Servers at nawa ay gabayan kayo ng ating Panginoon sa inyong paglilingkod.

11/01/2023

Address

Naic
4110

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ministry Of Altar Servers - Santa Candida Maria De Jesus Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share