26/07/2026
Maraming Salamat! ☝️🤍
Sa lahat ng dumalo, nakiisa, nanalangin, naglingkod, at sumuporta sa anumang paraan—maraming-maraming salamat po. Ang inyong presensya at pakikiisa ay naging malaking bahagi ng pagdiriwang na ito.
Higit sa lahat, ang aming papuri at pasasalamat ay para sa Diyos na naging tapat sa loob ng tatlong dekada. Tunay na sa bawat henerasyon ay ipinakikita Niya ang Kaniyang kabutihan, biyaya, at pag-ibig.
Ito ay hindi katapusan ng ating paglalakbay, kundi panibagong simula upang higit pang maglingkod, magmahal, at magpahayag ng Kaniyang Salita.
Sa 30 taon ng katapatan ng Diyos at sa mga susunod pang taon, Siya pa rin ang aming magiging sandigan.
Sa Diyos lamang ang lahat ng papuri, karangalan at kaluwalhatian! 🙌