23/05/2026
“Bawal uminom. Bawal makisabay sa uso. Bawal magbisyo. Bawal ganito, bawal ganyan. Nakakasakal naman maging Christian.”
Siguro minsan, ganito din yung nasa isip mo.
Kasi totoo naman…
Isa lang ang buhay.
Gusto mo lang namang sumaya.
Makisama sa barkada.
Ma-enjoy ang youth mo.
Gawin lahat ng gusto mo habang kaya pa.
At minsan mapapatanong ka:
“Masama ba talagang sumaya?”
“Bakit parang ang daming rules kapag kay Lord?”
Pero habang tumatagal, mare-realize mo…
Hindi naman talaga tayo pinagbabawalan ng Diyos dahil gusto Niya tayong kontrolin.
Pinoprotektahan lang tayo ni Lord sa mga bagay na akala natin masaya ngayon pero sisira pala sa atin kalaunan.
Yung akala mong “escape” lang —
yun pala ang magiging addiction mo.
Yung akala mong “wala lang naman” —
yun pala ang unti-unting sisira sa peace mo, sa pamilya mo, sa sarili mo.
Hindi lahat ng masaya ngayon ay makakabuti sayo habang buhay.
Minsan kaya tayo sinasabihan ni Lord ng “anak, huwag yan”
kasi nakikita Niya yung consequences na hindi pa natin kayang makita.
At ang totoo?
Hindi ka pinagkakaitan ng Diyos.
Nililigtas ka lang Niya sa mga bagay na maaaring sumira sa’yo.
📖 “May daan na inaakala ng tao na tama, ngunit sa huli ito’y humahantong sa kapahamakan.”
— Proverbs 14:12