La Niña Maria Pueblo De Nagcarlan

La Niña Maria Pueblo De Nagcarlan September 8

IKALIMANG ARAW (SEPT. 3)V: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo;R: Bukod kang pin...
02/09/2026

IKALIMANG ARAW (SEPT. 3)
V: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo;
R: Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.

V: Buksan Mo Panginoon ang aking mga labi.
R: At pupurihin Ka ng aking bibig.

V: Halina, O Diyos ko at ako’y Iyong tulungan.
R: O Panginoon magmadali ka sa pagsaklolo sa akin.

Luwalhati…

(Isunod ang pagdarasal ng Rosaryo)

PAMBUNGAD NA AWIT: Araw-araw kay Maria

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Purihin nawa ang dakilang pagsilang kay Maria na di nagmana ng salang orihinal, mula sa sinapupunan ni Santa Ana at ni San Joaquin na kanyang ama.

PAGSISISI

Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, na gumawa at sumakop sa akin; pinagsisisihan kong masakit na masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa Iyo, na Ikaw ang Diyos ko’t Panginoon ko na iniibig ko nang lalo sa lahat. Nagtitika akong matibay na di na muling magkakasala sa Iyo, at nagtitika naman akong magkukumpisal ng mga kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin Mo rin, alang-alang sa Iyong Mahal na Pasyon at pagkamatay sa Krus dahilan sa akin. Siya nawa.

PANALANGIN SA ARAW-ARAW

Ama naming makapangyarihan, narito kaming Iyong mga anak, na inayunan mula sa alabok, nakapanikluhod, nangangayupapa, sinasamba Ka at niluluwalhati. Sinasampalatayanan Ka namin at idinadalangin namin sa Iyo na huwag Mong tingnan ang aming mga pagkakasala kundi ang pananampalataya ng Iyong Iglesya. Pagkalooban Mo kami ng masaganang pagpapala at awa, alang-alang sa pagpapakasakit at pagkamatay sa krus ng aming Panginoong Hesukristo at ang pag-ibig sa Iyo ay huwag mahigitan ng ano mang bagay na mahalaga rito sa ibabaw ng lupa.
Panginoon naming Hesukristo, isinasamo namin sa Iyo, alang-alang sa walang kapantay na kagandahang-loob Mo at pusong mahabagin na maging karapat-dapat kaming magtamo ng tulong ng kamahal-mahalang Espiritu Santo na liwanagan ang aming bait, ipagdangal at ipagpuri si Mariang ipinaglihing di nagmana ng kasalanang orihinal.
Ipinagdiriwang ng sangkatauhan ang paglilihi ni Santa Ana sa isang tanging kinapal na ang kalinisan ng katawan at kaluluwa ay hindi man lamang nabahiran ng kahit bahagyang dungis ng kasalanan. Kaya’t pinakapupuri at pinasasalamatan na siya’y ipinaglihing lubhang dalisay sapagkat ito’y maliwanag na tanda ng walang hanggang biyaya ng Diyos sa amin. Siya nawa.

IKALIMANG ARAW
Ingatang-yaman ng Kaawaan

Pagninilay:
Simula pa sa pagkalalang sa tao at magkasala ang mga unang nilikha, ang tao ay naging talaga na sa pagpapakasakit at nagmana ng kasalanan ng kauna-unahang magulang. Ngunit ang mahabaging Diyos ay may inilaang Kaban ng Tipan, isang mapalad na tiyan na itinangi sa lahat sa kalinisan. Ito ang kaban na may susi ng kalinisan at kabanalan, ang Birheng Maria, ang sisidlang ginto na kinalagakan sa loob ng siyam na buwan ni Hesus. Magdiwang tayo at magpuri sa Panginoong Diyos, sapagkat ang Kaban ng Tipan ay niloob na isilang ni Santa Ana, na libu-libong taon na pinakahihintay –ang pagsilang sa Birheng Maria. Siya ang malamig na tubig na siyang nakahugas sa p**t ng kasalanan.

Panalangin:
Panginoong Diyos na makapangyarihan, kami’y lubos na nagpapasalamat sapagkat ang Ingatang-yaman ng kaawaan o ang Kaban ng Tipan ay itinalaga Mong isilang sa mundo na siyang magiging batis ng walang hanggang biyaya at kadluan ng walang katapusang daloy ng biyayang makalangit. Nagpupuri kaming walang humpay kasama ang mga anghel sa langit: “Banal, banal, banal ng mga hukbo na lumalaganap sa langit at lupa ang kaluwalhatian Mo!” Narito po kami at at nagpupuri sa Iyo alang-alang sa mga kaloob Mo sa amin. Nagpapasalamat kami nang buong puso sa Kaban ng Tipan, ang Birheng Maria alang-alang sa Iyong Banal na Pangalan. Siya nawa.

TANIKALA NG PAPURI

Purihin ang Diyos!
Purihin ang Kanyang Banal na Pangalan!
Purihin si Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo!
Purihin ang Espiritu Santo ang Mang-aaliw!
Aba Mariang kalinis-linisan, *Ipanalangin mo kami.
Aba Mariang kabanal-banalan, *
Aba Mariang nagsilang sa Verbo ng Diyos, *
Aba Mariang nakiramay sa mga hirap ng Anak ng Diyos, *
Aba Mariang binukalan ng Salita ng Diyos dahil kay Kristo, *

Ina ng Diyos, Tulungan kaming lumakas kaysa walang Diyos.
Ina ng Diyos, Iligtas kami sa mga walang Diyos.
Ina ng Diyos, Ilayo mo kami sa masasamang gawa.
Ina ng Diyos, Iadya mo kami sa mga tukso.
Ina ng Diyos, Tulungan mo kami sa aming mga kahinaan.
Ina ng Diyos, Pagtibayin mo ang aming pag-ibig sa Diyos.
Ina ng Diyos, Panatilihin mo kaming magpuri sa Diyos.
Ina ng Diyos, Magtagumpay kami sa mga suwail sa Diyos.
Ina ng Diyos, Mabuhay kami at mamatay sa Panginoon.
Ina ng Diyos, Sukuban kami ng lambong ng kaawaan.
Ina ng Diyos, Makinabang kami sa hamog ng kapatawaran.
Ina ng Diyos, Makilala namin ang gawang magaling katulad mo.
Ina ng Diyos, Maging mapagkawanggawa kami.
Ina ng Diyos, Magsisi nawa kami at magpakasakit.
Ina ng Diyos, Magbalik-loob nawa ang mga naliligaw.
Ina ng Diyos, Masugpo nawa ang mga lumalapastangan sa Diyos.
Ina ng Diyos, Lumakas nawa ang mga nagbabalik-loob.
Ina ng Diyos, Maligtas nawa kami sa mga sakuna at salot.
Ina ng Diyos, Matamo nawa namin ang magandang kamatayan.
Ina ng Diyos, Akayin mo kami patungo sa Langit.
Ina ng Diyos, Makapagpuri at makapagpasalamat nawa kami sa Santisima Trinidad.
Ina ng Diyos, Makasama nawa kami ng mga anghel sa langit.
Ina ng Diyos, Magkaroon kami ng maraming pari sa aming bayan.
Ina ng Diyos, Lakasan mo ang aming loob na maipahayag ang Salita ng Diyos.
Ina ng Diyos, Ibigin namin ang Diyos magpakailanman.
Ina ng Diyos, Ipanatag nawa kami sa kapayapaan.
Ina ng Diyos, Makatupad nawa kami sa mga utos at Sakramento ng Diyos.

Panginoon naming Diyos na makapangyarihan, batis na walang pagkaubos ang kapayapaan, tunghan Mo po kami ng Iyong matang mahabagin. Pakinggan Mo ang aming daing at papagbalik-loobin Mo ang mga nagpapakagumon sa kahalayan, ang mga walang habas na pumapatay ng kapwa at ang mapagsamantala. Linisin Mo po at pakabanalin ang mga nabubuhay sa dahas, ihilig nawa sila sa pagpapatulo ng pawis upang mabuhay; turuan Mo kaming maging matapat, magpakabuti, mag-ibigan, magdamayan at magtulungan sa isa’t-isa.
Mahal na Birheng Maria, ikaw na tagapagtangkilik nitong maralitang bayang Nagcarlan, tulungan mo po kami na magising ang mga mahihimbing sa tunay na pananampalataya at biyaya ng Diyos. Matamo nawa namin ang ninanasa sa pagsisiyam na ito, lalo’t higit para sa ikapapanuto at pagkakaunawaan at pagkakaisa ng buong bayan at ng bansang Pilipinas. Magkaroon nawa kami ng kaunlaran sa kabuhayan at kapanatagan at katahimikan sa pamamagitan mo. Siya nawa.

DALIT
Para at katulad sa sandaigdigan
Ligaya ng puso na nararamdaman
Tulad ng magpuri at pasalamatan
Ang Diyos na Amang Makapangyarihan.

Koro:
Ikaw po ang tuwa at aking patnugot
Di mapapasama kay Mariang umirog
Luwalhati sa Birhen, ilaw na maningning
Aliw ng mahirap, lunas ng tiisin.

Ating pagpupuri at pasasalamat
Doon nababatay sa lalong marapat
Sapagkat ang Birhen Mariang marilag
Maningning na awa sa sangmaliwanag. (Koro)

Gaya ng kaloob ng Diyos na Ama
Sa mga inanak ni Adan at Eba
Sa biyayang taglay wala ng uuna
Kung sa natatamo sa Birheng Maria. (Koro)

Sakdalan ka namin Birheng mapagmahal
Mapagpalang Birhen ang tinatawagan
Mapagpalang Birhen ang dinaraingan
Mapagpalang Birheng tagapamagitan. (Koro)

Inang mapagpala bukal na kadluan
Ang Birhen Maria may-ari’t may tangan
Pagtulong na awa sa may kailangan
Magmamakaawang siya’y saklolohan. (Koro)

Langit itong habag di ikinakait
Sa kahit kaninong may wagas pag-ibig
Taos-pusong lubos kanyang pananalig
Hindi saglit lamang dahil sa may nais. (Koro)

Ang panahong ito’y aming tinatakhan
Mga himala mo na itinatanghal
Sa Lourdes, Fatima at sa Nagcarlan
Awang pumapatak bulaklak ng buhay. (Koro)

Nagsabog ka dito mabangong talulot
Maraming biyaya sa amin ay dulot
At mabisang lunas na nakagagamot
Sa mga sakit sa awa mong puspos. (Koro)

Ganitong nangyari di maitatakwil
Pagpapagaling mo Birheng mahabagin
Kahit buong taon hirap na sasaktin
Mga pagtitiis napapawing tambing. (Koro)

HULING PANALANGIN
V: Sambahin nawa, purihi’t pasalamatang walang humpay ng sangkatauhan ang kabanal-banalan at makapangyarihang Diyos sa Santisimo Sakramento sa altar.
R: Alang-alang sa Kanyang walang hanggang kaawaan at pagpapatawad, ngayon at magpakailanman.

R: Alang-alang sa Kanyang mahal at masaganang biyaya na ipinagkaloob sa tanang nilikha, sa ikaliligtas sa mga pagkakasala at sa mga kapahamakan, ngayon at magpakailanman.

R: Alang-alang sa ikatitigil ng mga digmaan, patayan at ikapapayapa ng sandaigdigan, ngayon at magpakailanman. Siya nawa.

PANGHULING AWIT: Salve Regina

September 02, 2026 | Miyerkules Ika-Apat na Araw ng Nobenaryo Namuno: Ordinis Carmelitarum Discalceatorum Saecularis(OCD...
02/09/2026

September 02, 2026 | Miyerkules
Ika-Apat na Araw ng Nobenaryo
Namuno: Ordinis Carmelitarum Discalceatorum Saecularis(OCDS)

IKAAPAT NA ARAW (SEPT. 2)V: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo;R: Bukod kang pi...
01/09/2026

IKAAPAT NA ARAW (SEPT. 2)

V: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo;

R: Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.

V: Buksan Mo Panginoon ang aking mga labi.

R: At pupurihin Ka ng aking bibig.

V: Halina, O Diyos ko at ako’y Iyong tulungan.

R: O Panginoon magmadali ka sa pagsaklolo sa akin.

Luwalhati…

(Isunod ang pagdarasal ng Rosaryo)

PAMBUNGAD NA AWIT: Araw-araw kay Maria

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Purihin nawa ang dakilang pagsilang kay Maria na di nagmana ng salang orihinal, mula sa sinapupunan ni Santa Ana at ni San Joaquin na kanyang ama.

PAGSISISI

Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, na gumawa at sumakop sa akin; pinagsisisihan kong masakit na masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa Iyo, na Ikaw ang Diyos ko’t Panginoon ko na iniibig ko nang lalo sa lahat. Nagtitika akong matibay na di na muling magkakasala sa Iyo, at nagtitika naman akong magkukumpisal ng mga kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin Mo rin, alang-alang sa Iyong Mahal na Pasyon at pagkamatay sa Krus dahilan sa akin. Siya nawa.

PANALANGIN SA ARAW-ARAW

Ama naming makapangyarihan, narito kaming Iyong mga anak, na inayunan mula sa alabok, nakapanikluhod, nangangayupapa, sinasamba Ka at niluluwalhati. Sinasampalatayanan Ka namin at idinadalangin namin sa Iyo na huwag Mong tingnan ang aming mga pagkakasala kundi ang pananampalataya ng Iyong Iglesya. Pagkalooban Mo kami ng masaganang pagpapala at awa, alang-alang sa pagpapakasakit at pagkamatay sa krus ng aming Panginoong Hesukristo at ang pag-ibig sa Iyo ay huwag mahigitan ng ano mang bagay na mahalaga rito sa ibabaw ng lupa.

Panginoon naming Hesukristo, isinasamo namin sa Iyo, alang-alang sa walang kapantay na kagandahang-loob Mo at pusong mahabagin na maging karapat-dapat kaming magtamo ng tulong ng kamahal-mahalang Espiritu Santo na liwanagan ang aming bait, ipagdangal at ipagpuri si Mariang ipinaglihing di nagmana ng kasalanang orihinal.

Ipinagdiriwang ng sangkatauhan ang paglilihi ni Santa Ana sa isang tanging kinapal na ang kalinisan ng katawan at kaluluwa ay hindi man lamang nabahiran ng kahit bahagyang dungis ng kasalanan. Kaya’t pinakapupuri at pinasasalamatan na siya’y ipinaglihing lubhang dalisay sapagkat ito’y maliwanag na tanda ng walang hanggang biyaya ng Diyos sa amin. Siya nawa.

IKAAPAT NA ARAW

Si Mariang Ina ng Tala

Pagninilay:

Ang paglalakbay sa kalawakan ng himpapawid, sa kalautan ng dagat o sa kagubatan ay walang pinag-iba sa pagtahak ng tao sa kanyang buhay dito sa mundo. Ang pag-asa niya’y nakasalalay sa kung ano ang kanyang kasasapitan, liban sa mga may pananalig sa Maykapal na siyang tanging patnubay sa tinatawid na kapalaran. Ang patnubay na iyan ay walang iba kundi ang Talang Maliwanag. Ang pag-asa sa awa ng Birheng Maria na siyang tumatanglaw sa landas na nilalakaran ng mga may pananampalataya; na sa gitna ng kadiliman ng paglalakbay ay siya ring maningning na tala na tumatanglaw at nagbibigay liwanag.

Sa isang mandaragat ang parola ay hudyat na malapit na siya sa daungan, gayon din ang Mahal na Birhen, ang parola ng mga naliligaw sa karagatan ng pananampalataya. Ang Mahal na Birhen ang pinakatimbulan ng maluwalhating pagsapit sa dalampasigan ng isang hindi marunong lumangoy sa karagatan. Kaya’t hindi dapat hiwalayan, manapa’y lagi nating sundin ang pamamatnubay sa talang kaloob ng langit. Samakatuwid, ipagpatuloy natin ang walang humpay na intensiyon sa pagsisiyam na ito, kung ito ay sa ikagagaling ng ating kaluluwa at katawan.

Panalangin:

Maningning na tala, sa lahat ng sandali, sa araw at gabi ay ikaw ang tumatanglaw sa mga taong namumuhay sa dilim at nagbibigay ng liwanag sa mga taong lumalakad sa madilim na landas ng buhay. Idinadalangin namin sa iyo na sa panahong ang aming isip ay nadidiliman at malabo ang aming paningin sa pananampalataya at biyaya ng Diyos, ay tanglawan mo kami, ikaw na maningning na talang maliwanag, ang Birheng Mariang papatnubay hanggang sa makarating kami sa dalampasigan ng kaluwalhatian sa langit. Siya nawa.

TANIKALA NG PAPURI

Purihin ang Diyos!

Purihin ang Kanyang Banal na Pangalan!

Purihin si Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo!

Purihin ang Espiritu Santo ang Mang-aaliw!

Aba Mariang kalinis-linisan, *Ipanalangin mo kami.

Aba Mariang kabanal-banalan, *

Aba Mariang nagsilang sa Verbo ng Diyos, *

Aba Mariang nakiramay sa mga hirap ng Anak ng Diyos, *

Aba Mariang binukalan ng Salita ng Diyos dahil kay Kristo, *

Ina ng Diyos, Tulungan kaming lumakas kaysa walang Diyos.

Ina ng Diyos, Iligtas kami sa mga walang Diyos.

Ina ng Diyos, Ilayo mo kami sa masasamang gawa.

Ina ng Diyos, Iadya mo kami sa mga tukso.

Ina ng Diyos, Tulungan mo kami sa aming mga kahinaan.

Ina ng Diyos, Pagtibayin mo ang aming pag-ibig sa Diyos.

Ina ng Diyos, Panatilihin mo kaming magpuri sa Diyos.

Ina ng Diyos, Magtagumpay kami sa mga suwail sa Diyos.

Ina ng Diyos, Mabuhay kami at mamatay sa Panginoon.

Ina ng Diyos, Sukuban kami ng lambong ng kaawaan.

Ina ng Diyos, Makinabang kami sa hamog ng kapatawaran.

Ina ng Diyos, Makilala namin ang gawang magaling katulad mo.

Ina ng Diyos, Maging mapagkawanggawa kami.

Ina ng Diyos, Magsisi nawa kami at magpakasakit.

Ina ng Diyos, Magbalik-loob nawa ang mga naliligaw.

Ina ng Diyos, Masugpo nawa ang mga lumalapastangan sa Diyos.

Ina ng Diyos, Lumakas nawa ang mga nagbabalik-loob.

Ina ng Diyos, Maligtas nawa kami sa mga sakuna at salot.

Ina ng Diyos, Matamo nawa namin ang magandang kamatayan.

Ina ng Diyos, Akayin mo kami patungo sa Langit.

Ina ng Diyos, Makapagpuri at makapagpasalamat nawa kami sa Santisima Trinidad.

Ina ng Diyos, Makasama nawa kami ng mga anghel sa langit.

Ina ng Diyos, Magkaroon kami ng maraming pari sa aming bayan.

Ina ng Diyos, Lakasan mo ang aming loob na maipahayag ang Salita ng Diyos.

Ina ng Diyos, Ibigin namin ang Diyos magpakailanman.

Ina ng Diyos, Ipanatag nawa kami sa kapayapaan.

Ina ng Diyos, Makatupad nawa kami sa mga utos at Sakramento ng Diyos.

Panginoon naming Diyos na makapangyarihan, batis na walang pagkaubos ang kapayapaan, tunghan Mo po kami ng Iyong matang mahabagin. Pakinggan Mo ang aming daing at papagbalik-loobin Mo ang mga nagpapakagumon sa kahalayan, ang mga walang habas na pumapatay ng kapwa at ang mapagsamantala. Linisin Mo po at pakabanalin ang mga nabubuhay sa dahas, ihilig nawa sila sa pagpapatulo ng pawis upang mabuhay; turuan Mo kaming maging matapat, magpakabuti, mag-ibigan, magdamayan at magtulungan sa isa’t-isa.

Mahal na Birheng Maria, ikaw na tagapagtangkilik nitong maralitang bayang Nagcarlan, tulungan mo po kami na magising ang mga mahihimbing sa tunay na pananampalataya at biyaya ng Diyos. Matamo nawa namin ang ninanasa sa pagsisiyam na ito, lalo’t higit para sa ikapapanuto at pagkakaunawaan at pagkakaisa ng buong bayan at ng bansang Pilipinas. Magkaroon nawa kami ng kaunlaran sa kabuhayan at kapanatagan at katahimikan sa pamamagitan mo. Siya nawa.

DALIT

Para at katulad sa sandaigdigan

Ligaya ng puso na nararamdaman

Tulad ng magpuri at pasalamatan

Ang Diyos na Amang Makapangyarihan.

Koro:

Ikaw po ang tuwa at aking patnugot

Di mapapasama kay Mariang umirog

Luwalhati sa Birhen, ilaw na maningning

Aliw ng mahirap, lunas ng tiisin.

Ating pagpupuri at pasasalamat

Doon nababatay sa lalong marapat

Sapagkat ang Birhen Mariang marilag

Maningning na awa sa sangmaliwanag. (Koro)

Gaya ng kaloob ng Diyos na Ama

Sa mga inanak ni Adan at Eba

Sa biyayang taglay wala ng uuna

Kung sa natatamo sa Birheng Maria. (Koro)

Sakdalan ka namin Birheng mapagmahal

Mapagpalang Birhen ang tinatawagan

Mapagpalang Birhen ang dinaraingan

Mapagpalang Birheng tagapamagitan. (Koro)

Inang mapagpala bukal na kadluan

Ang Birhen Maria may-ari’t may tangan

Pagtulong na awa sa may kailangan

Magmamakaawang siya’y saklolohan. (Koro)

Langit itong habag di ikinakait

Sa kahit kaninong may wagas pag-ibig

Taos-pusong lubos kanyang pananalig

Hindi saglit lamang dahil sa may nais. (Koro)

Ang panahong ito’y aming tinatakhan

Mga himala mo na itinatanghal

Sa Lourdes, Fatima at sa Nagcarlan

Awang pumapatak bulaklak ng buhay. (Koro)

Nagsabog ka dito mabangong talulot

Maraming biyaya sa amin ay dulot

At mabisang lunas na nakagagamot

Sa mga sakit sa awa mong puspos. (Koro)

Ganitong nangyari di maitatakwil

Pagpapagaling mo Birheng mahabagin

Kahit buong taon hirap na sasaktin

Mga pagtitiis napapawing tambing. (Koro)

HULING PANALANGIN

V: Sambahin nawa, purihi’t pasalamatang walang humpay ng sangkatauhan ang kabanal-banalan at makapangyarihang Diyos sa Santisimo Sakramento sa altar.

R: Alang-alang sa Kanyang walang hanggang kaawaan at pagpapatawad, ngayon at magpakailanman.

V: Sambahin nawa, purihi’t pasalamatang walang humpay ng sangkatauhan ang kabanal-banalan at makapangyarihang Diyos sa Santisimo Sakramento sa altar.

R: Alang-alang sa Kanyang mahal at masaganang biyaya na ipinagkaloob sa tanang nilikha, sa ikaliligtas sa mga pagkakasala at sa mga kapahamakan, ngayon at magpakailanman.

V: Sambahin nawa, purihi’t pasalamatang walang humpay ng sangkatauhan ang kabanal-banalan at makapangyarihang Diyos sa Santisimo Sakramento sa altar.

R: Alang-alang sa ikatitigil ng mga digmaan, patayan at ikapapayapa ng sandaigdigan, ngayon at magpakailanman. Siya nawa.

PANGHULING AWIT: Aba Ginoong Maria

September 01, 2026 | MartesIkatlong Araw ng Nobenaryo Namuno: MBG
01/09/2026

September 01, 2026 | Martes
Ikatlong Araw ng Nobenaryo
Namuno: MBG

IKATLONG ARAW (SEPT. 1)V: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo;R: Bukod kang pina...
31/08/2026

IKATLONG ARAW (SEPT. 1)
V: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo;
R: Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.

V: Buksan Mo Panginoon ang aking mga labi.
R: At pupurihin Ka ng aking bibig.

V: Halina, O Diyos ko at ako’y Iyong tulungan.
R: O Panginoon magmadali ka sa pagsaklolo sa akin.

Luwalhati…

(Isunod ang pagdarasal ng Rosaryo)

PAMBUNGAD NA AWIT: Araw-araw kay Maria

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Purihin nawa ang dakilang pagsilang kay Maria na di nagmana ng salang orihinal, mula sa sinapupunan ni Santa Ana at ni San Joaquin na kanyang ama.

PAGSISISI

Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, na gumawa at sumakop sa akin; pinagsisisihan kong masakit na masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa Iyo, na Ikaw ang Diyos ko’t Panginoon ko na iniibig ko nang lalo sa lahat. Nagtitika akong matibay na di na muling magkakasala sa Iyo, at nagtitika naman akong magkukumpisal ng mga kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin Mo rin, alang-alang sa Iyong Mahal na Pasyon at pagkamatay sa Krus dahilan sa akin. Siya nawa.

PANALANGIN SA ARAW-ARAW

Ama naming makapangyarihan, narito kaming Iyong mga anak, na inayunan mula sa alabok, nakapanikluhod, nangangayupapa, sinasamba Ka at niluluwalhati. Sinasampalatayanan Ka namin at idinadalangin namin sa Iyo na huwag Mong tingnan ang aming mga pagkakasala kundi ang pananampalataya ng Iyong Iglesya. Pagkalooban Mo kami ng masaganang pagpapala at awa, alang-alang sa pagpapakasakit at pagkamatay sa krus ng aming Panginoong Hesukristo at ang pag-ibig sa Iyo ay huwag mahigitan ng ano mang bagay na mahalaga rito sa ibabaw ng lupa.
Panginoon naming Hesukristo, isinasamo namin sa Iyo, alang-alang sa walang kapantay na kagandahang-loob Mo at pusong mahabagin na maging karapat-dapat kaming magtamo ng tulong ng kamahal-mahalang Espiritu Santo na liwanagan ang aming bait, ipagdangal at ipagpuri si Mariang ipinaglihing di nagmana ng kasalanang orihinal.
Ipinagdiriwang ng sangkatauhan ang paglilihi ni Santa Ana sa isang tanging kinapal na ang kalinisan ng katawan at kaluluwa ay hindi man lamang nabahiran ng kahit bahagyang dungis ng kasalanan. Kaya’t pinakapupuri at pinasasalamatan na siya’y ipinaglihing lubhang dalisay sapagkat ito’y maliwanag na tanda ng walang hanggang biyaya ng Diyos sa amin. Siya nawa.

IKATLONG ARAW
Ang kalinisan ni Maria

Pagninilay:
Likas at katutubo sa atin na kung tayo ay nagbibigay ng handog sa pinakamatalik na kaibigan o pinagkakautangan ng loob ay pinipili natin ang pinakamabuti at pinakamahalaga para ihandog sa kanya. Kaya ang Diyos ay higit sa katalinuhan na ang pinili Niyang maging tagapamagitan ng tao sa Kanya ay ang Birheng Mariang walang malay sa kahalayan, pinakamalinis at banal, katulad ng bubog na walang latay at salaming walang nakukubling kapintasan. Siya ang nangunguna sa lahat ng walang malay sa kahalayan, kaya siya ang naging kagiliw-giliw sa Diyos na ano mang hilingin ay hindi nabibigo.
Ang Diyos ay ganap sa Kanyang ginagawa sa mula’t mula pa, at hindi matatawaran nino man. Kaya’t itinalaga Niya ang Birheng Maria upang maging huwaran natin sa kalinisan. Sa Mahal na Ina tayo dapat mangapit, ang kanyang kawalan ng malay sa kahalayan ang siyang tanging nagpapalubag sa kagalitan ng Diyos sa ating kasalanan. Ano mang pagsubok, kabiguan o mabigat na krus, ay sa Mahal na Birhen tayo manalanging may pag-asa at pananalig, at tunay na makakamit natin ang mga hinaing. Manatili lamang tayo hanggang sa wakas ay makatitiyak at makaaasa tayo sa kanyang pagpapala.

Panalangin:
Inang walang malay sa kahalayan, idinadalangin namin sa iyo at ipinagpapasalamat na patawarin mo ang mga hindi kumikilala sa iyo bilang Reyna ng langit. Panginoon, isinasamo namin sa Iyo na patawarin Mo ang mga taong hindi pa pumapansin sa Iyong Mahal na Ina at winawalang halaga ang makasaysayang luha, puyat at pagod na idinamay ng Birheng Maria sa kanyang Anak na si Hesus. Kami’y naniniwala na sino mang dumaing sa iyo at humingi ng saklolo ay di Mo pinababayaan, kaya’t ako’y sa iyo dumudulog o Banal na Ina ng Diyos, na papagbalik-loobin mo ang mga taong hindi pa lubos nakakakilala sa iyo, upang maihandog nila ang kanilang sarili sa Diyos na naaayon sa Ebanghelyo, at upang kami’y makapagbayad-puri sa aming mga nagawang pagkakasala at pagkukulang. Lumalapit kami sa iyo, napaaampon upang ipamagitan kami sa Panginoong Diyos na ipinagkaloob sa amin ang kapayapaan at katarungan, magpasawalang hanggan. Siya nawa.

TANIKALA NG PAPURI

Purihin ang Diyos!
Purihin ang Kanyang Banal na Pangalan!
Purihin si Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo!
Purihin ang Espiritu Santo ang Mang-aaliw!
Aba Mariang kalinis-linisan, *Ipanalangin mo kami.
Aba Mariang kabanal-banalan, *
Aba Mariang nagsilang sa Verbo ng Diyos, *
Aba Mariang nakiramay sa mga hirap ng Anak ng Diyos, *
Aba Mariang binukalan ng Salita ng Diyos dahil kay Kristo, *

Ina ng Diyos, Tulungan kaming lumakas kaysa walang Diyos.
Ina ng Diyos, Iligtas kami sa mga walang Diyos.
Ina ng Diyos, Ilayo mo kami sa masasamang gawa.
Ina ng Diyos, Iadya mo kami sa mga tukso.
Ina ng Diyos, Tulungan mo kami sa aming mga kahinaan.
Ina ng Diyos, Pagtibayin mo ang aming pag-ibig sa Diyos.
Ina ng Diyos, Panatilihin mo kaming magpuri sa Diyos.
Ina ng Diyos, Magtagumpay kami sa mga suwail sa Diyos.
Ina ng Diyos, Mabuhay kami at mamatay sa Panginoon.
Ina ng Diyos, Sukuban kami ng lambong ng kaawaan.
Ina ng Diyos, Makinabang kami sa hamog ng kapatawaran.
Ina ng Diyos, Makilala namin ang gawang magaling katulad mo.
Ina ng Diyos, Maging mapagkawanggawa kami.
Ina ng Diyos, Magsisi nawa kami at magpakasakit.
Ina ng Diyos, Magbalik-loob nawa ang mga naliligaw.
Ina ng Diyos, Masugpo nawa ang mga lumalapastangan sa Diyos.
Ina ng Diyos, Lumakas nawa ang mga nagbabalik-loob.
Ina ng Diyos, Maligtas nawa kami sa mga sakuna at salot.
Ina ng Diyos, Matamo nawa namin ang magandang kamatayan.
Ina ng Diyos, Akayin mo kami patungo sa Langit.
Ina ng Diyos, Makapagpuri at makapagpasalamat nawa kami sa Santisima Trinidad.
Ina ng Diyos, Makasama nawa kami ng mga anghel sa langit.
Ina ng Diyos, Magkaroon kami ng maraming pari sa aming bayan.
Ina ng Diyos, Lakasan mo ang aming loob na maipahayag ang Salita ng Diyos.
Ina ng Diyos, Ibigin namin ang Diyos magpakailanman.
Ina ng Diyos, Ipanatag nawa kami sa kapayapaan.
Ina ng Diyos, Makatupad nawa kami sa mga utos at Sakramento ng Diyos.

Panginoon naming Diyos na makapangyarihan, batis na walang pagkaubos ang kapayapaan, tunghan Mo po kami ng Iyong matang mahabagin. Pakinggan Mo ang aming daing at papagbalik-loobin Mo ang mga nagpapakagumon sa kahalayan, ang mga walang habas na pumapatay ng kapwa at ang mapagsamantala. Linisin Mo po at pakabanalin ang mga nabubuhay sa dahas, ihilig nawa sila sa pagpapatulo ng pawis upang mabuhay; turuan Mo kaming maging matapat, magpakabuti, mag-ibigan, magdamayan at magtulungan sa isa’t-isa.
Mahal na Birheng Maria, ikaw na tagapagtangkilik nitong maralitang bayang Nagcarlan, tulungan mo po kami na magising ang mga mahihimbing sa tunay na pananampalataya at biyaya ng Diyos. Matamo nawa namin ang ninanasa sa pagsisiyam na ito, lalo’t higit para sa ikapapanuto at pagkakaunawaan at pagkakaisa ng buong bayan at ng bansang Pilipinas. Magkaroon nawa kami ng kaunlaran sa kabuhayan at kapanatagan at katahimikan sa pamamagitan mo. Siya nawa.

DALIT
Para at katulad sa sandaigdigan
Ligaya ng puso na nararamdaman
Tulad ng magpuri at pasalamatan
Ang Diyos na Amang Makapangyarihan.

Koro:
Ikaw po ang tuwa at aking patnugot
Di mapapasama kay Mariang umirog
Luwalhati sa Birhen, ilaw na maningning
Aliw ng mahirap, lunas ng tiisin.

Ating pagpupuri at pasasalamat
Doon nababatay sa lalong marapat
Sapagkat ang Birhen Mariang marilag
Maningning na awa sa sangmaliwanag. (Koro)

Gaya ng kaloob ng Diyos na Ama
Sa mga inanak ni Adan at Eba
Sa biyayang taglay wala ng uuna
Kung sa natatamo sa Birheng Maria. (Koro)

Sakdalan ka namin Birheng mapagmahal
Mapagpalang Birhen ang tinatawagan
Mapagpalang Birhen ang dinaraingan
Mapagpalang Birheng tagapamagitan. (Koro)

Inang mapagpala bukal na kadluan
Ang Birhen Maria may-ari’t may tangan
Pagtulong na awa sa may kailangan
Magmamakaawang siya’y saklolohan. (Koro)

Langit itong habag di ikinakait
Sa kahit kaninong may wagas pag-ibig
Taos-pusong lubos kanyang pananalig
Hindi saglit lamang dahil sa may nais. (Koro)

Ang panahong ito’y aming tinatakhan
Mga himala mo na itinatanghal
Sa Lourdes, Fatima at sa Nagcarlan
Awang pumapatak bulaklak ng buhay. (Koro)

Nagsabog ka dito mabangong talulot
Maraming biyaya sa amin ay dulot
At mabisang lunas na nakagagamot
Sa mga sakit sa awa mong puspos. (Koro)

Ganitong nangyari di maitatakwil
Pagpapagaling mo Birheng mahabagin
Kahit buong taon hirap na sasaktin
Mga pagtitiis napapawing tambing. (Koro)

HULING PANALANGIN
V: Sambahin nawa, purihi’t pasalamatang walang humpay ng sangkatauhan ang kabanal-banalan at makapangyarihang Diyos sa Santisimo Sakramento sa altar.
R: Alang-alang sa Kanyang walang hanggang kaawaan at pagpapatawad, ngayon at magpakailanman.

V: Sambahin nawa, purihi’t pasalamatang walang humpay ng sangkatauhan ang kabanal-banalan at makapangyarihang Diyos sa Santisimo Sakramento sa altar.
R: Alang-alang sa Kanyang mahal at masaganang biyaya na ipinagkaloob sa tanang nilikha, sa ikaliligtas sa mga pagkakasala at sa mga kapahamakan, ngayon at magpakailanman.

V: Sambahin nawa, purihi’t pasalamatang walang humpay ng sangkatauhan ang kabanal-banalan at makapangyarihang Diyos sa Santisimo Sakramento sa altar.
R: Alang-alang sa ikatitigil ng mga digmaan, patayan at ikapapayapa ng sandaigdigan, ngayon at magpakailanman. Siya nawa.

PANGHULING AWIT: Aba Ginoong Maria

Agosto 31, 2026 | LunesIkalawang Araw ng Nobenaryo Namuno: Cenacle
31/08/2026

Agosto 31, 2026 | Lunes
Ikalawang Araw ng Nobenaryo
Namuno: Cenacle

IKALAWANG ARAW (AUG. 31)V: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo;R: Bukod kang pin...
30/08/2026

IKALAWANG ARAW (AUG. 31)
V: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo;
R: Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.

V: Buksan Mo Panginoon ang aking mga labi.
R: At pupurihin Ka ng aking bibig.

V: Halina, O Diyos ko at ako’y Iyong tulungan.
R: O Panginoon magmadali ka sa pagsaklolo sa akin.

Luwalhati…

(Isunod ang pagdarasal ng Rosaryo)

PAMBUNGAD NA AWIT: Araw-araw kay Maria

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Purihin nawa ang dakilang pagsilang kay Maria na di nagmana ng salang orihinal, mula sa sinapupunan ni Santa Ana at ni San Joaquin na kanyang ama.

PAGSISISI

Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, na gumawa at sumakop sa akin; pinagsisisihan kong masakit na masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa Iyo, na Ikaw ang Diyos ko’t Panginoon ko na iniibig ko nang lalo sa lahat. Nagtitika akong matibay na di na muling magkakasala sa Iyo, at nagtitika naman akong magkukumpisal ng mga kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin Mo rin, alang-alang sa Iyong Mahal na Pasyon at pagkamatay sa Krus dahilan sa akin. Siya nawa.

PANALANGIN SA ARAW-ARAW

Ama naming makapangyarihan, narito kaming Iyong mga anak, na inayunan mula sa alabok, nakapanikluhod, nangangayupapa, sinasamba Ka at niluluwalhati. Sinasampalatayanan Ka namin at idinadalangin namin sa Iyo na huwag Mong tingnan ang aming mga pagkakasala kundi ang pananampalataya ng Iyong Iglesya. Pagkalooban Mo kami ng masaganang pagpapala at awa, alang-alang sa pagpapakasakit at pagkamatay sa krus ng aming Panginoong Hesukristo at ang pag-ibig sa Iyo ay huwag mahigitan ng ano mang bagay na mahalaga rito sa ibabaw ng lupa.
Panginoon naming Hesukristo, isinasamo namin sa Iyo, alang-alang sa walang kapantay na kagandahang-loob Mo at pusong mahabagin na maging karapat-dapat kaming magtamo ng tulong ng kamahal-mahalang Espiritu Santo na liwanagan ang aming bait, ipagdangal at ipagpuri si Mariang ipinaglihing di nagmana ng kasalanang orihinal.
Ipinagdiriwang ng sangkatauhan ang paglilihi ni Santa Ana sa isang tanging kinapal na ang kalinisan ng katawan at kaluluwa ay hindi man lamang nabahiran ng kahit bahagyang dungis ng kasalanan. Kaya’t pinakapupuri at pinasasalamatan na siya’y ipinaglihing lubhang dalisay sapagkat ito’y maliwanag na tanda ng walang hanggang biyaya ng Diyos sa amin. Siya nawa.

IKALAWANG ARAW
Mahiwagang bulaklak ng kalangitan: Rosa Mistika

Pagninilay:
Kung ang mga halaman ay namumulaklak ng kaakit-akit, sari-saring kulay at ang iba ay may masamyong bango; kung ang nagsisipamulaklak na halaman ay itinatanim, inaalagaan nang masinop, dinidilig at masusing pinagyayaman at ang lahat ng ito ay lumilipas, nalalanta at naglalaho. Hindi kaya higit na kailangan natin ay ang bulaklak na mula sa langit, pinagyayaman ng Panginoon ng mga Panginoon at Hari ng mga Hari, ang bulaklak na puspos ng dilag na ang kasariwaan at bango ay walang kupas at walang hanggan. Iyan ang bulaklak na ipinagsisiyam sa pagdiriwang na ito, ang isinilang na Rosa Mistika, ang Birheng Maria na siya nating inaalayan ng papuri at pamimintuho upang masamyong walang humpay ang halimuyak at kabanguhan ng awa; ang mapaghimalang kariktan ng pag-aampon, ang tamis na masisimsim sa walang katapusang lingap at ang di nagsasawang pagdaing at pagmamakaawa. Siya rin at dili iba ang bulaklak na di nalagas sa tangkay ng kalinisan, bagkus habang tumatagal ay lalu’t lalong tumitimyas, talulot na ang bisa ay walang kawangis sa pagbibigay ginhawa sa mga nasa mabigat na karamdaman ng kaluluwa’t katawan. Siya sana ang pakayamanin at pagsumikapan nating putihin. Siya ang pakayamanin sa ating puso at diligin maya’t maya ng mataimtim na pagdarasal ng Santo Rosaryo, na kinapapalamanan ng makasaysayang pagsakop sa atin, upang tayo ay lumusog sa kabanalan sa kaluluwa at katawan, at upang iligtas sa pagkasira ang ating pananim, maging sa mapaminsalang bagyo at sakit ang mga hayop. Ang lahat ng iyan ay maaasahang matatamo kung tayo ay may maalimpuyong pamimintuho sa ating Mahal na Birhen at sa kapurihan ng ating Panginoong Diyos.

Panalangin:
Makapangyarihang Diyos, makaakyat nawa sa Iyo ang mabangong suob ng aming pasasalamat sa mga kaloob Mong biyaya sa amin sa pamamagitan ng bulaklak ng kaawaan; ang Rosa Mistika. Panginoon, itinalaga Mo sa amin ang Mahal na Birheng Maria upang madaingan namin, kaya’t walang lubay kaming namimintuho sa kanya –ang Rosa Mistika na siyang tanging nagbibigay kasiyahan sa amin.
O bulaklak ng kaawaan, dumadalangin kami sa iyo na ipamagitan kami sa Ama, taglay ang lubos na pananampalataya sa ikapagtatamo ng walang hanggang biyaya sa lalong ikaluluwalhati ng Diyos at sa ikatatagumpay ng samabayanan ng Diyos na may dalisay na pag-ibig sa Kanya. Siya nawa.

TANIKALA NG PAPURI

Purihin ang Diyos!
Purihin ang Kanyang Banal na Pangalan!
Purihin si Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo!
Purihin ang Espiritu Santo ang Mang-aaliw!
Aba Mariang kalinis-linisan, *Ipanalangin mo kami.
Aba Mariang kabanal-banalan, *
Aba Mariang nagsilang sa Verbo ng Diyos, *
Aba Mariang nakiramay sa mga hirap ng Anak ng Diyos, *
Aba Mariang binukalan ng Salita ng Diyos dahil kay Kristo, *

Ina ng Diyos, Tulungan kaming lumakas kaysa walang Diyos.
Ina ng Diyos, Iligtas kami sa mga walang Diyos.
Ina ng Diyos, Ilayo mo kami sa masasamang gawa.
Ina ng Diyos, Iadya mo kami sa mga tukso.
Ina ng Diyos, Tulungan mo kami sa aming mga kahinaan.
Ina ng Diyos, Pagtibayin mo ang aming pag-ibig sa Diyos.
Ina ng Diyos, Panatilihin mo kaming magpuri sa Diyos.
Ina ng Diyos, Magtagumpay kami sa mga suwail sa Diyos.
Ina ng Diyos, Mabuhay kami at mamatay sa Panginoon.
Ina ng Diyos, Sukuban kami ng lambong ng kaawaan.
Ina ng Diyos, Makinabang kami sa hamog ng kapatawaran.
Ina ng Diyos, Makilala namin ang gawang magaling katulad mo.
Ina ng Diyos, Maging mapagkawanggawa kami.
Ina ng Diyos, Magsisi nawa kami at magpakasakit.
Ina ng Diyos, Magbalik-loob nawa ang mga naliligaw.
Ina ng Diyos, Masugpo nawa ang mga lumalapastangan sa Diyos.
Ina ng Diyos, Lumakas nawa ang mga nagbabalik-loob.
Ina ng Diyos, Maligtas nawa kami sa mga sakuna at salot.
Ina ng Diyos, Matamo nawa namin ang magandang kamatayan.
Ina ng Diyos, Akayin mo kami patungo sa Langit.
Ina ng Diyos, Makapagpuri at makapagpasalamat nawa kami sa Santisima Trinidad.
Ina ng Diyos, Makasama nawa kami ng mga anghel sa langit.
Ina ng Diyos, Magkaroon kami ng maraming pari sa aming bayan.
Ina ng Diyos, Lakasan mo ang aming loob na maipahayag ang Salita ng Diyos.
Ina ng Diyos, Ibigin namin ang Diyos magpakailanman.
Ina ng Diyos, Ipanatag nawa kami sa kapayapaan.
Ina ng Diyos, Makatupad nawa kami sa mga utos at Sakramento ng Diyos.

Panginoon naming Diyos na makapangyarihan, batis na walang pagkaubos ang kapayapaan, tunghan Mo po kami ng Iyong matang mahabagin. Pakinggan Mo ang aming daing at papagbalik-loobin Mo ang mga nagpapakagumon sa kahalayan, ang mga walang habas na pumapatay ng kapwa at ang mapagsamantala. Linisin Mo po at pakabanalin ang mga nabubuhay sa dahas, ihilig nawa sila sa pagpapatulo ng pawis upang mabuhay; turuan Mo kaming maging matapat, magpakabuti, mag-ibigan, magdamayan at magtulungan sa isa’t-isa.
Mahal na Birheng Maria, ikaw na tagapagtangkilik nitong maralitang bayang Nagcarlan, tulungan mo po kami na magising ang mga mahihimbing sa tunay na pananampalataya at biyaya ng Diyos. Matamo nawa namin ang ninanasa sa pagsisiyam na ito, lalo’t higit para sa ikapapanuto at pagkakaunawaan at pagkakaisa ng buong bayan at ng bansang Pilipinas. Magkaroon nawa kami ng kaunlaran sa kabuhayan at kapanatagan at katahimikan sa pamamagitan mo. Siya nawa.

DALIT
Para at katulad sa sandaigdigan
Ligaya ng puso na nararamdaman
Tulad ng magpuri at pasalamatan
Ang Diyos na Amang Makapangyarihan.

Koro:
Ikaw po ang tuwa at aking patnugot
Di mapapasama kay Mariang umirog
Luwalhati sa Birhen, ilaw na maningning
Aliw ng mahirap, lunas ng tiisin.

Ating pagpupuri at pasasalamat
Doon nababatay sa lalong marapat
Sapagkat ang Birhen Mariang marilag
Maningning na awa sa sangmaliwanag. (Koro)

Gaya ng kaloob ng Diyos na Ama
Sa mga inanak ni Adan at Eba
Sa biyayang taglay wala ng uuna
Kung sa natatamo sa Birheng Maria. (Koro)

Sakdalan ka namin Birheng mapagmahal
Mapagpalang Birhen ang tinatawagan
Mapagpalang Birhen ang dinaraingan
Mapagpalang Birheng tagapamagitan. (Koro)

Inang mapagpala bukal na kadluan
Ang Birhen Maria may-ari’t may tangan
Pagtulong na awa sa may kailangan
Magmamakaawang siya’y saklolohan. (Koro)

Langit itong habag di ikinakait
Sa kahit kaninong may wagas pag-ibig
Taos-pusong lubos kanyang pananalig
Hindi saglit lamang dahil sa may nais. (Koro)

Ang panahong ito’y aming tinatakhan
Mga himala mo na itinatanghal
Sa Lourdes, Fatima at sa Nagcarlan
Awang pumapatak bulaklak ng buhay. (Koro)

Nagsabog ka dito mabangong talulot
Maraming biyaya sa amin ay dulot
At mabisang lunas na nakagagamot
Sa mga sakit sa awa mong puspos. (Koro)

Ganitong nangyari di maitatakwil
Pagpapagaling mo Birheng mahabagin
Kahit buong taon hirap na sasaktin
Mga pagtitiis napapawing tambing. (Koro)

HULING PANALANGIN
V: Sambahin nawa, purihi’t pasalamatang walang humpay ng sangkatauhan ang kabanal-banalan at makapangyarihang Diyos sa Santisimo Sakramento sa altar.
R: Alang-alang sa Kanyang walang hanggang kaawaan at pagpapatawad, ngayon at magpakailanman.

V: Sambahin nawa, purihi’t pasalamatang walang humpay ng sangkatauhan ang kabanal-banalan at makapangyarihang Diyos sa Santisimo Sakramento sa altar.
R: Alang-alang sa Kanyang mahal at masaganang biyaya na ipinagkaloob sa tanang nilikha, sa ikaliligtas sa mga pagkakasala at sa mga kapahamakan, ngayon at magpakailanman.

V: Sambahin nawa, purihi’t pasalamatang walang humpay ng sangkatauhan ang kabanal-banalan at makapangyarihang Diyos sa Santisimo Sakramento sa altar.
R: Alang-alang sa ikatitigil ng mga digmaan, patayan at ikapapayapa ng sandaigdigan, ngayon at magpakailanman. Siya nawa.

PANGHULING AWIT: Aba Ginoong Maria

Address

Poblacion 1
Nagcarlan
4002

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when La Niña Maria Pueblo De Nagcarlan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share