23/03/2015
NOVENA KAY SAN MATEO (Tagalog)
Patron ng Taga-Tuos (accountant), mámamalit ng salapî (banker), tagapagtago ng aklat (book keeper), tagapangasiwa ng buwis (custom officer), security guards, stocks broker, tax collector
Panimulang Panalangin
Diyos ng awa pinili Mo ang isang taga singil ng buwis, na si San Mateo, upang ibahagi ang karangalan ng mga apostoles. Sa kanyang mga gawa at panalangin tulungan kami na sundin ang Panginoong Hesukristo at maging matapat sa Iyong paglilingkod. Isinasamo namin ang lahat ng ito sa pamamagitan ng Iyong Anak na si Hesukristo, na kapisan Mo at ng Espiritu Santo nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Siya nawa.
Unang Araw
Ang sabi ni Hesus, “Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.” (Matthew 5:3)
Mahal na Hesus, nagkasala kami sa Diyos Ama at sa Iyo. Nagsihiwalay laban sa Inyo at sinasaktan Ka namin sa bawat kasalanan na ginawa namin. Hindi kami karapat-dapat sa iyong pagmamahal, subalit Ikaw lamang ang aming pag-asa. Iligtas Mo kami at patawarin, sapagkat kami ay naliligaw kung wala Ka.
San Mateo, Ikaw na isa sa labing dalawa na lumakad sa Lupa kasama si Hesus ay patuloy na nakatanod sa sariling kawalaan sa pamamagitan ng kanyang kadakilaan at nagpakita ng mga katotohanan ng malawak na biyaya ng Panginoon. Tulungan mo po kami na magpakumbabang-loob upang makilala namin ang aming sariling kawalaan sa harap ng Panginoon. Kalugdan mo po kami na mamagitan kay Hesukristo sa aming mga kahilingan {SABIHIN ANG KAHILINGAN)
Ika 2 na Araw
Ang wika ni Hesus, “Mapapalad ang nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin.” (Matthew 5:4)
Mahal na Hesus,bagamat nagkasala kami sa Iyo at sa Panginoong Ama, minahal Mo pa rin kami at inialay ang Iyong buhay upang maging malaya sa langit. Buong puso ang aming pag sisisi dahil Ikaw ay aming nasaktan at nahatulang mamatay. Mahal Ka namin ng higit sa aming sarili. Ang lahat ng mayroon kami at pinapangarap ay dahil sa Iyong mga biyaya at awa
San Mateo, bilang isang dating taga singil ng buwis, ikaw ay itinuturing na isa sa kasama-samaan na kaaway, subalit ikaw ay tinawag ni Hesus bilang isa sa kanyang mga apostol. Tulungan mo kami na tunay na tumangis para sa lahat ng kasalanan na aming nagawa at
kalugdan mo kami na mamagitan kay Hesukristo sa naming mga kahilingan {SABIHIN ANG KAHILINGAN)
Ika-3 Araw
Ang wika ni Hesus, “Mapapalad ang maaamo: sapagka't mamanahin nila ang lupa.” (Matthew 5:5)
Mahal na Hesus, batid namin na magagawa namin ang lahat sa pamamagitan Mo na siyang nagbibigay sa amin ng lakas na hindi nanggaling sa amin kundi sa pamamagitan Mo. Kaya nga ibinibigay namin ang aming buong kalooban. Bagamat ang kasamaan ay waring humihiyaw, ito ay panandalian lamang mananaig, sapagkat ang mga maamo hindi ang mga masasama ang magmamana ng mundo.
San Mateo, isinuko mo ang makamundong kalayawan upang sumunod sa salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hesus, sa pananalig na aalagaan ang lahat ng iyong mga kailangan . Hindi ito magaan para sa iyo na nagbuhat sa marangyang pamumuhay. Kalugdan mo tuwina ang aming katauhan ng kaamuan ng loob sa harap ng Panginoon, na umaasa sa Kanyang lakas sa aming bawat pagkilos at paggawa , at kalugdan mo kami na mamagitan kay mHesukristo sa aming mga kahilingan {SABIHIN ANG KAHILINGAN)
Ika 4 na Araw
Ang wika ni Hesus, “Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin.” (Matthew 5:6)
Mahal na Hesus, nagnanais kami na maging katulad Mo, kalugdan at patnubayan upang mamuhay ng naaayon sa kalooban ng Diyos ng may kapanatagan.
San Mateo, isinuko mo ang napakarangyang gawain, sa halip ay sumunod ka sa mga aral ni Hesus. Tulungan mo kami na magtika at magpakasakit katulad ng iyong ginawa at kalugdan mo kami na mamagitan kay Hesukristo sa aming mga kahilingan {SABIHIN ANG KAHILINGAN)
Ika-5 na Araw
Ang wika ni Hesus, "Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka't sila'y kahahabagan." (Matthew 5:7)
Mahal na Hesus, salamat sa lahat ng biyaya, sa Iyong pagkamahabagin tuwi-tuwina kahit ang aming mga gawa ay hindi karapat-dapat . Salamat sa pagkalinga sa oras ng aming pagkakasakit at ligalig. Tulungan kami na maging tunay na mahabagin at magiliw sa hirap at pagdurusa ng ating kapwa. Tulungan mo kami na laging makapawi ng pagtitiis at pagbabata ng ibang tao, na laging nakalaan, bukas loob at may magiliw na puso.
San Mateo, bilang isang apostol, ikaw ay galamay ng sa kay Hesus sa sangkatauhan. Namalas mo ang Kanyang kagandahang loob at pagkahabag na ipinamalas upang gayahin. Tulungan mo kami na gumaya kay Hesus na magpakita ng tunay kagandahang loob at pagkamahabagin sa kapwa, katulad ng ginawa ni Hesus at kalugdan mo kami na mamagitan kay Hesukristo sa aming mga kahilingan {SABIHIN ANG KAHILINGAN)
Ika-6 na Araw
Ang wika ni Hesus, "Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios. " (Matthew 5:8)
Mahal na Hesus, palagi Ka naming nailulugmok sanhi ng aming mga kahinaan: patawarin Mo kami. Tulungan Mo kami na maging malinis sa aming mga haka-haka, isipan, pananalita, pasya at mga nasa. Tulungan Mo kami kung paano ang Panginoon nag-aalala, magnais katulad ng pagpipita ng Diyos, mapoot sa inuusig ng Diyos, at ibigin lamang ang mahal ng Diyos.
San Mateo, batid namin na tanto mo ang hirap ng pakikibaka na mapanatili ang isang malinis na puso sapagkat ikaw ay isang tao at lumalaban sa kamunduhan katulad namin. Tulungan mo kami na maging tunay na malinis ang puso at kalugdan mo kami na mamagitan kay Hesukristo sa aming mga kahilingan {SABIHIN ANG KAHILINGAN)
Ika-7 na Araw
Ang wika ni Hesus, "Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka't sila'y tatawaging mga anak ng Dios. ." (Matthew 5:9)
Mahal na Hesus, una sa lahat, tulungan Mo kami na matagpuan ang kapayapaan sa Panginoon, ng sa gayun ay matagpuan namin ang kapayapaan sa aming kapwa. Bagamat laging may mga balakid, tulungan Mo kami na makapagpalaganap ng kapayapaan sa lahat. Tulungan Mo kami na magmahal, mag nais, magalak sa kapayapaan. Patawarin kami sa lahat ng sandali na aming ginawa na may salungat at hidwaan maging talaga o hindi sinadya.
San Mateo, ginawa mo ang kapayapaan sa Panginoon sa pamamagitan ni Hesus, kaya ngayon tulungan mo kami. Saklolohan mo kami na magtanim ng kapayapaan sa lahat, katulad ng iyong ginawa bilang pagkilala kay Hesukristo at kalugdan mo po kami na mamagitan kay Hesukristo sa aming mga kahilingan {SABIHIN ANG KAHILINGAN)
Ika 8 na Araw
Ang wika ni Hesus, " Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian ng langit. "(Matthew 5:10)
Mahal na Hesus, kalugdan Mo kami na ipamalas ang pagtitiyaga sa pagpupunyagi sa mga bagay na banal at karangal-dangal sapagkat kami’y laging lugmok at mahina. Tulungan Mo kami na maging tapat sa Iyo sa lahat ng bagay upang ang Iyong kalooban ay matupad at ganun din sa aming buhay. Tulungan Mo kami na maging matapang sa aming mga pagsubok sa pananampalataya at matatag sa lahat ng pangako na may kabanalan.
San Mateo, patnubayan mo kami na maging matapang katulad ng iyong pananalig sa katotohanan ng Diyos, sa kabila ng pag-uusig sa katotohanan at kalugdan mo kami na mamagitan kay Hesukristo sa aming mga kahilingan {SABIHIN ANG KAHILINGAN)
Ika-9 na Araw
Ang wika ni Hesus, "Mapapalad kayo pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin. " (Matthew 5:11)
Mahal na Hesus, sapagkat ang panahon ay lalong lumalabong, ang pamumuhay sang-ayon sa Iyong daan at sumunod sa Iyong kautusan ay nagtatatak sa amin ng pag uusig at kapighatian, katulad ng sa Iyo. Kung kami ay mamumuhay at iibigin ka ng buong puso, kami ay mabubuhay sa katotohanan at handang maglaan sa mga hindi nakakita ng liwanag. Ang paggawa ng kasalanan ang palaging kaaliwan ng tao, subalit hindi na kami maaaring mamuhay sa pagkakasala sapagkat batid namin ang Iyong pagpapasakit sa amin sa pagkamatay Mo sa krus. Sa lahat ng ginawa mo sa amin, hindi na namin ninanais na mabuhay pa sa kadiliman. Sa bawat sandali na paghamak sa amin sa pagsunod sa Iyo, tulungan Mo kami na magbata ng dakilang pag-titiis
San Mateo, sa ipinagkaloob sa inyo na kagalang-galang na karangalan bilang apostol, ikaw ay inusig katulad ng paghamak kay Hesus. Ikaw ay nadapa, subalit ang paghamak sa iyo ay isang banal na karangalan sapagkat si Hesus ay hindi lamang isang tao kundi Diyos na totoo. Tulungan mo kami na maging matibay sa pag-ibig sa liwanag ni Hesus at talikuran ang mga kasalanan, at kung ang kapighatian ay dumarating, ay laging matibay sa pagharap sa katotohanan. At kalugdan mo kami na mamagitan kay Hesukristo sa aming mga kahilingan {SABIHIN ANG KAHILINGAN)
Panalangin sa Ika- 9 na araw:
Ang mga panalangin sa Banal na San Mateo Apostol at Taga-Pangaral ng Ebanhelyo, nawa ay makarating sa aming pagkalinga at matularan namin ang mga magagaling na halimbawang nalalarawan doon, kundi naman, makamtan namin ang mga kagalingang ipinangako sa amin; alang-alang at sa pamamagitan ni Hesukristong Panginoon namin. Sya nawa
San Mateo Apostol, Ipanalangin mo kami !