Halina kay San Antonio de Padua

Halina kay San Antonio de Padua Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Halina kay San Antonio de Padua, Religious organisation, Nagcarlan.

22/02/2022
Unang Martes ng Oktubre 2021NOBENA KAY SAN ANTONIO DE PADUA+ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.PAGSI...
05/10/2021

Unang Martes ng Oktubre 2021

NOBENA KAY SAN ANTONIO DE PADUA

+ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

PAGSISISI
Diyos ko at aking lahat, sa Iyo ako sumasampalataya at nananalig na kalianma’y hindi ako mapapahamak; iniibig kita higit sa lahat ng bagay at pinagsisisihan ko ang aking mga kasalanan. Mamatay na muna bago magkasala muli, alisan Mo ako ng buhay bago mahiwalay sa Iyo; at bigyan ako ngayon ng lubos na pagsisisi sa aking mga sala, mga luha upang hugasan ang aking mga dungis; ibuhos Mo sa akin ang Iyong pag-ibig at ang pananatili sa paglilingkod sa Iyo; mamatay sa akin ang lahat ng bisyo at mabuhay ang tanang kabanalan at tularan ko ang aking maluwalhating tagapag-ampon na si San Antonio de Padua at dahil sa kanyang pamamagitan tulungan Mo ang lahat kong pangangailangan sa katawan at kaluluwa at lalong lalo na ang hinihingi ko ngayon kung lalong ikaluluwalhati ng Diyos at ikagagaling ng kaluluwan ko. Alang-alang kay Kristong Panginoon namin. Siya nawa.

PANALANGIN KAY SAN ANTONIO SA ANUMANG PANGANGAILANGAN
O maluwalhating San Antonio, lirio ng kalinisan, hiyas at luwalhati ng mga Kristiyano, querubin ng karunungan at serafin ng pag-ibig sa Diyos. Ikinatutuwa namin ang mga biyaya na ibinuhos sa iyo ng Panginoon. Yamang pinuspos ka ng pag-ibig, pagkamaawain at kapangyarihan, ipinamamanhik namin sa iyo ng buong tiwala at pagpapakumbaba na tulungan mo kami. Tingnan mo ang aming mga hirap at sakit at ang aming takot na baka hindi mailigtas ang kaluluwa namin. Ipinagmamakaamo namin sa iyo, dahil sa pagsintang naranasan mo noong ang matamis na batang Hesus ay lumagay sa iyong mga bisig, na sabihin mo sa Kaniya ang aming mga kailangan. Isa lamang buntong hininga ng iyong dibdib na hiniligan ni Hesus ay sapat na upang makalunas sa aming kailangan at makapuno ng lugod sa amin. Alalahanin mo kung gaano kalaki ang iyong ligaya noong niyayakap mo Siya sa iyong dibdib, idinidikit sa Kanya ang iyong pisngi, nakikinig sa Kaniyang mga bulong. Isipin mo ang lahat ng ito at pakinggan kami, alang alang sa iyong di masaysay na pag-ibig. Kung ikaw lamang ay makikita namin, aming didiligin ng mga luha ang iyong mga paa, ipagtatapat sa iyo ang aming mga damdamin, mga alinlangan ukol sa aming ikaliligtas. Ngunit hindi ka namin maaaring makita kung kaya't binabati ka namin, O maluwalhating katoto ng Panginoon. Kami ay nangangayupapang itinataas ang aming mga pusong nagdadalamhati sa langit at sa iyo. At naghihintay na sa pamamagitan mo ay ipagkaloob sa amin ng Panginoong namahinga sa iyong mga bisig ang aming mga kahilingan. (Banggitin ang inyong kahilingan) O anghel ng pag-ibig, ibigay mo ang ninanasa namin at aming ilalathala ang kaluwalhatian mo at ipagbubunyi si Hesus na totoong nagmahal sa iyo. Siya nawa.

PANALANGIN SA NIÑO HESUS NA NASA BISIG NI SAN ANTONIO
O matamis na Niño Hesus, tanging pag-asa ng namimighating kaluluwa; naninikluhod kami ng buong pagpapakumbaba sa Iyong mga paanan at alang-alang sa walang hanggang pag-ibig at biyaya na ipinagkaloob Mo sa Iyong lingkod na ni San Antonio noong siya’y Iyong dalawin, yakapin, punin ng tuwa at ligaya. Isinasamo namin sa Iyo na pumarini Ka sa amin at Iyong patikman sa mga kaluluwang sa Iyo’y umaasa ang tamis ng Iyong pagdalaw.

MGA PAMANHIK KAY SAN ANTONIO

1. Pari: San Antonio ng Padua, aming pintakasi at manananggol
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.

2. Pari: San Antonio ng Padua, makapangyarihan sa wika at sa gawa

3. Pari: San Antonio ng Padua, laging mapagbigay sa mga tumatawag sa iyo

4. Pari: San Antonio ng Padua, luwalhati ng Santa Iglesia at karangalan ng Orden ni San Francisco

5. Pari: San Antonio ng Padua, na totoong iniibig na pinarangalan ng Niño Hesus

MANALANGIN TAYO
Magdulot nawa ng tuwa, O Diyos, sa Iyong Iglesia, ang pag-aampon ng Iyong Confesor at Doktor na si San Antonio, upang lagi ng lumakas dahil sa mga tulong sa kaluluwa at maging dapat magkamit ng ligayang walang katapusan. Alang-alang kay Hesukristong aming Panginoon. Siya nawa.

SAN ANTONIO DE PADUA,
IPANALANGIN MO KAMI!

Ngayong araw, ika-15 ng Agosto ay ipinagdiriwang ang Araw ng Kapanganakan kay San Antonio de Padua noong taong 1195.Happ...
14/08/2021

Ngayong araw, ika-15 ng Agosto ay ipinagdiriwang ang Araw ng Kapanganakan kay San Antonio de Padua noong taong 1195.

Happy Birthday San Antonio de Padua!

Unang Martes ng july 2021NOBENA KAY SAN ANTONIO DE PADUA+ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.PAGSISIS...
06/07/2021

Unang Martes ng july 2021

NOBENA KAY SAN ANTONIO DE PADUA

+ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

PAGSISISI
Diyos ko at aking lahat, sa Iyo ako sumasampalataya at nananalig na kalianma’y hindi ako mapapahamak; iniibig kita higit sa lahat ng bagay at pinagsisisihan ko ang aking mga kasalanan. Mamatay na muna bago magkasala muli, alisan Mo ako ng buhay bago mahiwalay sa Iyo; at bigyan ako ngayon ng lubos na pagsisisi sa aking mga sala, mga luha upang hugasan ang aking mga dungis; ibuhos Mo sa akin ang Iyong pag-ibig at ang pananatili sa paglilingkod sa Iyo; mamatay sa akin ang lahat ng bisyo at mabuhay ang tanang kabanalan at tularan ko ang aking maluwalhating tagapag-ampon na si San Antonio de Padua at dahil sa kanyang pamamagitan tulungan Mo ang lahat kong pangangailangan sa katawan at kaluluwa at lalong lalo na ang hinihingi ko ngayon kung lalong ikaluluwalhati ng Diyos at ikagagaling ng kaluluwan ko. Alang-alang kay Kristong Panginoon namin. Siya nawa.

PANALANGIN KAY SAN ANTONIO SA ANUMANG PANGANGAILANGAN
O maluwalhating San Antonio, lirio ng kalinisan, hiyas at luwalhati ng mga Kristiyano, querubin ng karunungan at serafin ng pag-ibig sa Diyos. Ikinatutuwa namin ang mga biyaya na ibinuhos sa iyo ng Panginoon. Yamang pinuspos ka ng pag-ibig, pagkamaawain at kapangyarihan, ipinamamanhik namin sa iyo ng buong tiwala at pagpapakumbaba na tulungan mo kami. Tingnan mo ang aming mga hirap at sakit at ang aming takot na baka hindi mailigtas ang kaluluwa namin. Ipinagmamakaamo namin sa iyo, dahil sa pagsintang naranasan mo noong ang matamis na batang Hesus ay lumagay sa iyong mga bisig, na sabihin mo sa Kaniya ang aming mga kailangan. Isa lamang buntong hininga ng iyong dibdib na hiniligan ni Hesus ay sapat na upang makalunas sa aming kailangan at makapuno ng lugod sa amin. Alalahanin mo kung gaano kalaki ang iyong ligaya noong niyayakap mo Siya sa iyong dibdib, idinidikit sa Kanya ang iyong pisngi, nakikinig sa Kaniyang mga bulong. Isipin mo ang lahat ng ito at pakinggan kami, alang alang sa iyong di masaysay na pag-ibig. Kung ikaw lamang ay makikita namin, aming didiligin ng mga luha ang iyong mga paa, ipagtatapat sa iyo ang aming mga damdamin, mga alinlangan ukol sa aming ikaliligtas. Ngunit hindi ka namin maaaring makita kung kaya't binabati ka namin, O maluwalhating katoto ng Panginoon. Kami ay nangangayupapang itinataas ang aming mga pusong nagdadalamhati sa langit at sa iyo. At naghihintay na sa pamamagitan mo ay ipagkaloob sa amin ng Panginoong namahinga sa iyong mga bisig ang aming mga kahilingan. (Banggitin ang inyong kahilingan) O anghel ng pag-ibig, ibigay mo ang ninanasa namin at aming ilalathala ang kaluwalhatian mo at ipagbubunyi si Hesus na totoong nagmahal sa iyo. Siya nawa.

PANALANGIN SA NIÑO HESUS NA NASA BISIG NI SAN ANTONIO
O matamis na Niño Hesus, tanging pag-asa ng namimighating kaluluwa; naninikluhod kami ng buong pagpapakumbaba sa Iyong mga paanan at alang-alang sa walang hanggang pag-ibig at biyaya na ipinagkaloob Mo sa Iyong lingkod na ni San Antonio noong siya’y Iyong dalawin, yakapin, punin ng tuwa at ligaya. Isinasamo namin sa Iyo na pumarini Ka sa amin at Iyong patikman sa mga kaluluwang sa Iyo’y umaasa ang tamis ng Iyong pagdalaw.

MGA PAMANHIK KAY SAN ANTONIO

1. Pari: San Antonio ng Padua, aming pintakasi at manananggol
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.

2. Pari: San Antonio ng Padua, makapangyarihan sa wika at sa gawa
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.

3. Pari: San Antonio ng Padua, laging mapagbigay sa mga tumatawag sa iyo
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.

4. Pari: San Antonio ng Padua, luwalhati ng Santa Iglesia at karangalan ng Orden ni San Francisco
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.

5. Pari: San Antonio ng Padua, na totoong iniibig na pinarangalan ng Niño Hesus
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.

MANALANGIN TAYO
Magdulot nawa ng tuwa, O Diyos, sa Iyong Iglesia, ang pag-aampon ng Iyong Confesor at Doktor na si San Antonio, upang lagi ng lumakas dahil sa mga tulong sa kaluluwa at maging dapat magkamit ng ligayang walang katapusan. Alang-alang kay Hesukristong aming Panginoon. Siya nawa.

SAN ANTONIO DE PADUA,
IPANALANGIN MO KAMI!

+ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

ARAW NG PAGDEDEBOSYON KAY SAN ANTONIO DE PADUAPAGSISISIDiyos ko at aking lahat, sa Iyo ako sumasampalataya at nananalig ...
28/06/2021

ARAW NG PAGDEDEBOSYON KAY SAN ANTONIO DE PADUA

PAGSISISI

Diyos ko at aking lahat, sa Iyo ako sumasampalataya at nananalig na kailanma’y hindi ako mapapahamak; iniibig kita higit sa lahat ng bagay at pinagsisisihan ko ang aking mga kasalanan. Mamatay na muna bago magkasala muli, alisan Mo ako ng buhay bago mahiwalay sa Iyo; at bigyan ako ngayon ng lubos na pagsisisi sa aking mga sala, mga luha upang hugasan ang aking mga dungis; ibuhos Mo sa akin ang Iyong pag-ibig at ang pananatili sa paglilingkod sa Iyo; mamatay sa akin ang lahat ng bisyo at mabuhay ang tanang kabanalan at tularan ko ang aking maluwalhating tagapag-ampon na si San Antonio de Padua at dahil sa kanyang pamamagitan tulungan Mo ang lahat kong pangangailangan sa katawan at kaluluwa at lalong lalo na ang hinihingi ko ngayon kung lalong ikaluluwalhati ng Diyos at ikagagaling ng kaluluwan ko. Alang-alang kay Kristong Panginoon namin. Siya nawa.

PANALANGIN KAY SAN ANTONIO SA ANUMANG PANGANGAILANGAN

O maluwalhating San Antonio, lirio ng kalinisan, hiyas at luwalhati ng mga Kristiyano, querubin ng karunungan at serafin ng pag-ibig sa Diyos. Ikinatutuwa namin ang mga biyaya na ibinuhos sa iyo ng Panginoon. Yamang pinuspos ka ng pag-ibig, pagkamaawain at kapangyarihan, ipinamamanhik namin sa iyo ng buong tiwala at pagpapakumbaba na tulungan mo kami. Tingnan mo ang aming mga hirap at sakit at ang aming takot na baka hindi mailigtas ang kaluluwa namin. Ipinagmamakaamo namin sa iyo, dahil sa pagsintang naranasan mo noong ang matamis na batang Hesus ay lumagay sa iyong mga bisig, na sabihin mo sa Kaniya ang aming mga kailangan. Isa lamang buntong hininga ng iyong dibdib na hiniligan ni Hesus ay sapat na upang makalunas sa aming kailangan at makapuno ng lugod sa amin. Alalahanin mo kung gaano kalaki ang iyong ligaya noong niyayakap mo Siya sa iyong dibdib, idinidikit sa Kanya ang iyong pisngi, nakikinig sa Kaniyang mga bulong. Isipin mo ang lahat ng ito at pakinggan kami, alang alang sa iyong di masaysay na pag-ibig. Kung ikaw lamang ay makikita namin, aming didiligin ng mga luha ang iyong mga paa, ipagtatapat sa iyo ang aming mga damdamin, mga alinlangan ukol sa aming ikaliligtas. Ngunit hindi ka namin maaaring makita kung kaya't binabati ka namin, O maluwalhating katoto ng Panginoon. Kami ay nangangayupapang itinataas ang aming mga pusong nagdadalamhati sa langit at sa iyo. At naghihintay na sa pamamagitan mo ay ipagkaloob sa amin ng Panginoong namahinga sa iyong mga bisig ang aming mga kahilingan. (Banggitin ang inyong kahilingan) O anghel ng pag-ibig, ibigay mo ang ninanasa namin at aming ilalathala ang kaluwalhatian mo at ipagbubunyi si Hesus na totoong nagmahal sa iyo. Siya nawa.

PANALANGIN SA NIÑO HESUS NA NASA BISIG NI SAN ANTONIO

O matamis na Niño Hesus, tanging pag-asa ng namimighating kaluluwa; naninikluhod kami ng buong pagpapakumbaba sa Iyong mga paanan at alang-alang sa walang hanggang pag-ibig at biyaya na ipinagkaloob Mo sa Iyong lingkod na ni San Antonio noong siya’y Iyong dalawin, yakapin, punin ng tuwa at ligaya. Isinasamo namin sa Iyo na pumarini Ka sa amin at Iyong patikman sa mga kaluluwang sa Iyo’y umaasa ang tamis ng Iyong pagdalaw.

MGA PAMANHIK KAY SAN ANTONIO

Pari: San Antonio ng Padua, aming pintakasi at manananggol
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi naming sa iyo.

Pari: San Antonio ng Padua, makapangyarihan sa wika at sa gawa
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi naming sa iyo.

Pari: San Antonio ng Padua, laging mapagbigay sa mga tumatawag sa iyo
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi naming sa iyo.

Pari: San Antonio ng Padua, luwalhati ng Santa Iglesia at karangalan ng Orden ni San Francisco
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi naming sa iyo.

Pari: San Antonio ng Padua, na totoong iniibig na pinarangalan ng Niño Hesus
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi naming sa iyo.

MANALANGIN TAYO

Magdulot nawa ng tuwa, O Diyos, sa Iyong Iglesia, ang pag-aampon ng Iyong Confesor at Doktor na si San Antonio, upang lagi ng lumakas dahil sa mga tulong sa kaluluwa at maging dapat magkamit ng ligayang walang katapusan. Alang-alang kay Hesukristong aming Panginoon. Siya nawa.

SAN ANTONIO DE PADUA, IPANALANGIN MO KAMI!

Araw ng Debosyon kay San Antonio de Padua(Nobenang Pang-Martes)Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen.PAG...
15/06/2021

Araw ng Debosyon kay San Antonio de Padua
(Nobenang Pang-Martes)

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen.

PAGSISISI

Diyos ko at aking lahat; sa Iyo ako ay sumasampalataya at nananalig ng kailan ma'y hindi ako mapapahamak; iniibig kita higit sa lahat ng bagay at pinagsisisihan ko ang aking mga kasalanan; mamatay na muna bago magkasala muli, alisan Mo ako ng buhay bago mahiwalay sa Iyo; at bigyan ako ngayon ng lubos na pagsisisi sa aking mga sala, mga luha upang hugasan ang aking mga dungis; ibuhos Mo sa akin ang Iyong pag-ibig at ang pananatili sa paglilingkod sa Iyo; mamatay sa akin ang lahat ng bisyo at mabuhay ang tanang kabanalan at tularan ko ang aking maluwalhating tagapag-ampon na si San Antonio de Padua at dahil sa kanyang pamamagitan tulungan Mo ang lahat kong pangangailangan sa katawan at kaluluwa at lalong lalo na ang hinihingi ko ngayon kung lalong ikaluluwalhati ng Diyos at ikagagaling ng kaluluwa ko. Alang-alang kay Kristong Panginoon namin. Siya Nawa.

PANALANGIN KAY SAN ANTONIO SA ANUMANG PANGANGAILANGAN

O maluwalhating San Antonio, lirio ng kalinisan, hiyas at luwalhati ng mga kristiyano, kerubin ng karunungan at serafin ng pag-ibig ng Diyos, ikinatutuwa namin ang mga biyaya na ibinuhos sa iyo ng Panginoon. Yamang pinuspos ka ng pag-ibig, pagkamaawain at kapangyarihan, ipinamamanhik namin sa iyo ng buong tiwala at pagpapakumbaba na tulungan mo kami. Tingnan mo ang aming mga hirap at sakit at aming takot na baka hindi mailigtas ang kaluluwa namin. Ipinagmamakaamo namin sa iyo dahil sa pagsintang naranasan mo noong ang matamis na batang Hesus ay lumagay sa iyong mga bisig, na sabihin mo sa kanya ang aming mga kailangan. Isa lamang buntong hininga ng iyong dibdib na hiniligan ni Hesus ay sapat na upang makalunas sa aming kailangan at makapuno ng lugod sa amin. Alalahanin mo kung gaano kalaki ang iyong ligaya noong niyayakap mo Siya sa iyong dibdib, idinidikit sa Kanya ang iyong pisngi, nakikinig sa Kanyang mga bulong. Isipin mo ang lahat ng ito at pakinggan kami, alang-alang sa iyong di masaysay na pag-ibig. Kung ikaw lamang ay makikita namin, aming didiligin ng mga luha ang iyong mga paa, ipagtatapat sa iyo ang aming mga damdamin, mga alinlangan ukol sa aming ikaliligtas. Ngunit hindi ka na namin maaring makita kung kaya't binabati ka namin, O maluwalhating katoto ng Panginoon. Kami ay nangangayupapang itinataas ang aming mga pusong nagdadalamhati sa langit at sa iyo. At naghihintay na sa pamamagitan mo ay ipagkalaoob sa amin ng Panginoong namahinga sa iyong mga bisig ang aming mga kahilingan,(banggitin ang inyong mga kahiligan).
O anghel ng pag-ibig, ibigay mo ang ninanasa namin at aming ilalathala ang kaluwalhatian mo at ipagbubunyi si Hesus na totoong nagmahal sa iyo. Siya Nawa.

PANALANGIN SA NIÑO HESUS NA NASA BISIG NI SAN ANTONIO

O matamis na Niño Hesus tanging pag-asa ng namimighating kaluluwa; naninikluhod kami ng buong pagpapakumbaba sa Iyong mga paanan at alang-alang sa walang hanggang pag-ibig at biyaya na ipinagkaloob mo sa Iyong lingkod na si San Antonio noong siya'y Iyong dalawin, yakapin, punin ng tuwa at ligaya. Isinasamo namin sa Iyo na pumarine Ka sa amin at Iyong patikman sa mga kaluluwang sa Iyo'y umaasa sa tamis ng Iyong pagdalaw.

MGA PAMANHIK KAY SAN ANTONIO

PARI: San Antonio ng Padua, aming pintakasi at mananaggol
BAYAN: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.
PARI: San Antonio ng Padua, makapangyarihan sa wika at gawa
BAYAN: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.
PARI: San Antonio ng Padua, laging mapagbigay sa mga tumatawag sa iyo
BAYAN: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.
PARI: San Antonio ng Padua, luwalhati ng Santa Iglesia at karangalan ng Orden ni San Francisco
BAYAN: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.
PARI: San Antonio ng Padua, na totoong iniibig at pinanrangalan ng Niño Hesus
BAYAN: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.

MANALANGIN TAYO

Magdulot nawa ng tuwa, O Diyos sa Iyong Iglesia, ang pag-aampon ng Iyong Confessor at Doctor na si San Antonio, upang lagi ng lumakas dahil sa mga tulong sa kaluluwa at maging dapat magkamit ng ligayang walang katapusan. Alang-alang kay Hesukristong aming Panginoon, Siya Nawa.

HIMNO KAY SAN ANTONIO
Poong San Antonio, tagapagtanggol
Maawa ka sa bayang tunay mong lingcod

Sa saliwang palad, salot at sakit
Sa Iyo lalapit ang bayang api

Kung nais mo ng himala kay Antoniong banal dumulog ka
Sa lahat ng masama at nakakapinsala, ika'y ililigtas at ipag-aadya.

Poong San Antonio, tagapagtanggol
Maawa ka sa bayang tunay mong lingcod

Ang Diyos na sanggol, hari ng mundo
Ay kusang lumagay diyan sa bisig mo

Nawawalang bagay, natatagpuan, pinto sa kulunga'y nawawasak
Sungit ng panahon, daluyong ng dagat, at anumang sakit siya ang lunas.

Poong San Antonio, tagapagtanggol
Maawa ka sa bayang tunay mong lingkod

San Antonio de Padua, ipanalangin mo kami!
13/06/2021

San Antonio de Padua, ipanalangin mo kami!

Maraming salamat po sa mga taong naghandog ng imahen ni San Antonio de Padua para sa ating kapilya
10/06/2021

Maraming salamat po sa mga taong naghandog ng imahen ni San Antonio de Padua para sa ating kapilya

St. Anthony, Patron of TuesdaysJust why is Tuesday designated as St. Anthony’s day?  It was on the Tuesday after his dea...
04/05/2021

St. Anthony, Patron of Tuesdays
Just why is Tuesday designated as St. Anthony’s day? It was on the Tuesday after his death that his body was transferred from Arcella to Padua and buried there in the chapel of Our Lady. On this Tuesday, innumerable miracles were wrought at his tomb, as though God Almighty wanted to open the floodgates of His graces. And those gates have not been closed to the present time. This is no exaggeration. For on Tuesday, June 17, 1231, the day of St. Anthony’s burial at Santa Maria Mater Domini in Padua, all the sick who gathered about his tomb and implored his intercession, were healed and made whole. At once, the people of Padua began to dedicate Tuesday to St. Anthony, and this practice quickly spread throughout the whole Catholic world. St. Anthony, by lending his ear to countless petitions, has shown his pleasure in this devotion and the Holy Father has given full approbation to it. -Colleen Cushard

📷 Mark Carillo

28/04/2021

Rare photo: Jollibee praying to St. Anthony.

Photo by: JBro

Address

Nagcarlan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Halina kay San Antonio de Padua posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share